EPISODE 11 : BLAST MOMENTUM
Halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasabi niyang iyon kaya tiningnan ko siya ng masama, "Belinda, ang bunganga mo kasing lakas ng kampana sa simbahan!" reklamo ko sa kaniya.
Hindi pa rin ito natigil sa pangingisay at patuloy pa rin sa pagtitili, "Sanaol! Sanaol!" aniya habang malapad ang mga ngiti sa labi. Tumawa na din ako dahil sa kakyutan niya, "Mukha kang masayahing itlog!"
Sinamaan niya ako ng tingin kaya napangiti ako, "Happy Egg Day!" tukoy ko sa kaniya.
"Ang sama mo, Laura!" tuluyan nang napanas ang mapanuksong ngiti sa kaniyang labi at napalitan ng pagka kunot ang noo.
Tinaasan ko siya ng kilay, "And that's what we call angry egg," mas lalo lumapad ang ngiti ko nang umirap siya.
"Kapag ako nakahanap ng prince charming, who you ka sa'kin!" ngumuso ito at padabog na umupo sa sementong upoan.
"Ano'ng tawag sa itlog na may karelasyon?" tanong ko sa kaniya.
Sabay kaming ngumiti na tila iisa lang ang iniisip, "Edi...Relationship Egg!" nag-apir kami at sabay na tumawa. Napailing na lang ako sa kalokohan naming dalawa.
Katulad ng inaasahan ko, nanalo ang team nila Clyde. Lihim akong napangiti habang nakatingin sa kaniya na nakikipag kamayan sa kanilang kagrupo. Halos sa kaniya nakatuon ang atensyon sa buong laro. Paano ba naman kasi laging nakakatatlong puntos.
Sapol na sapol ang ring katulad ng pagkasapol niya sa puso ko, baka nga sobra pa sa tatlo ang makukuha niyang puntos sa'kin eh!
Tapos na ang laro at ang iba ay nasipaglabasan na sa court ngunit may mga kababaihan naman na ayaw pa lumabas, may mga nagtangka ring lumapit at bumati sa mga ito. Sa tindig nila hindi talaga maiiwasan na maraming mahuhumaling dahil pareho silang may itsura at may angking talento.
Isa na 'ko sa nagpaiwan, hindi ko alam bakit bigla na lang akong nablangko at hindi na alam ang gagawin, lalapitan ko ba siya o uuwi na lang?
Dahil sa nag-aalinlangan ako ay nagpasya akong umuwi na lang baka kasi kailangan pa ni Clyde magpahinga dahil nakakapagod din naman ang laro.
"Tara na uwi na tayo," aya ko kay Belinda na walang planong umuwi at kilig na kilig doon sa chinitong kasama nila Clyde.
Sumimangot siya, "Papicture muna tayo kay Mr. Chinito please."
Inirapan ko siya, "Jusko Bel, maghunos dili ka nga basta chinito kuripot 'yan!" kumbinsi ko sa kaniya, ayaw ko din kasing isipin ni Clyde na nagpapa-easy-to-get ako sa kaniya, may hiya pa din naman ako kahit papano.
"Next time na lang. May championship pa naman eh, doon na lang tayo magpapicture, sasamahan kita," sabi ko, na siyang nagpatango sa kaniya.
Gayon pa man, hindi pa namin lubusang narating ang gate palabas ay may tumawag na naman sakin. Kilalang-kilala ko na iyon, kilalang-kilala na iyon ng aking puso.
"Lauryn." he said my name in a manner that never stopped my heart from whipping hysterically again. I have felt this how many times but it always felt like the first time.
Lumingon ako sa kaniya kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso, "Sorry, message na lang sana kita kapag nakauwi na ako sa bahay," pagpapaliwanag ko sa lalaki.
"Is it okay if I introduce you to my friends first?" he said softly with eyes that were striving to persuade me and he hooked me again on that.
Marahan akong tumango na siya namang ikinangiti ni Clyde. Siniko ako ni Belinda, "Grab the once in a blue opportunity girl," bulong niya sakin.
BINABASA MO ANG
MY BIG FAT ROMANCE
RomanceNOVEL | TEEN-FICTION | COMPLETED Drowning in the sea of insecurities, Lauryn Austria pitched her confidence after meeting a guy named Clyde Martin Melendez. When she was with him she can feel the serenity in her arduous days and she can be the best...