EPISODE 37: CAPTURED
Tinatahak namin ngayon ang entrance patungong office niya. Hindi ako komportable sa sitwasyon namin dahil gusto niyang mag-holding hands kami, gusto kong bumitaw ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.
"Clyde I think--" naputol ang aking sasabihin nang lumingon siya sa akin. Umiling siya, "Are you not proud of me being your boyfriend?" nakakunot ang noo nito.
Umiling ako, "Hindi naman sa ganiyan pero hindi ba natin sila ginugulat? Hinatid mo lang ako tapos naging tayo na? Baka kung ano na naman ang iisipin ng mga empleyado mo," pagpapaliwanag ko rito. Hindi sa takot ako sa magiging kalalabasan ng relasyon namin kundi sa kadahilanang baka ito pa ang makakasira sa amin.
It's not that I am not proud of him, it's because I've been there and I don't want to be on that situation again, I know how sucks to be on that phase. He is the youngest CEO now, the greater the company, the bigger the damage.
Pinisil niya ang kamay ko, "I won't let that happen again, babe. Trust me, hmm?" pagpapakalma niya. Ang ideyang nasa tabi ko siya at handang gawin ang lahat para sa akin ay isa nang napakalaking tulong upang maibsan ang pag-aalala ko.
Isang napakalaking rason na para huwag kong alalahin ang hahantungan nito. Hanggang sa masaya at nandiyan kami sa isa't-isa, magiging sapat na itong pundasyon para maging handa sa anumang bagyo.
Hinigpitan ko ang paghawak sa kaniyang kamay bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Tama nga ang inisip ko, hindi nakaligtas sa paningin ko ang malisyosang tingin ng mga tao sa paligid lalong lalo na ang mga babaeng nagtangkang magpapansin sa kaniya.
Hindi naman ako nagtataka dahil bukod sa pogi si Clyde ay talagang may napapatunayan na. Kahit sino naman sigurong babae magiging desperado rito. Pinagmasdan ko ang kamay naming nakalingkis sa isa't isa at napangiti, sorry na lang sila dahil patay na patay ito sa akin.
Dumating kami sa photoshoot area dahil kinakailangang tignan iyon ni Clyde. Nagulat ako sa aming nadatnan doon, hindi pa naaayos ang backdrop, lahat ng design ay nasa gilid pa. Halos pabalik-balik ang mga empleyado at hindi alam kung ano ang uunahin.
Napabitaw siya sa aming pagkahawak kamay, "What the hell is going on here?!" ma-awtoridad na ani nito. Napatigil din ang mga empleyado habang unti-unting namutla at napatingin sa nakatiim-bagang na si Clyde.
"I thought you're finished on this shoot already? Why does this photoshoot takes so long? I told you to start early!" naglakad ito patungong nakapatong na design sa lamesa. Napapailing ito habang itinataas ang pastel brown long sleeve na suot at dinampot ang nagkalat na design.
Namamawis na lumapit sa akin si Thamus habang may dalang-dala mga damo, "Buti na lang talaga nandito ka kung wala kanina pa kami ni Sir Clyde pinugutan ng ulo," bulong nito at patakbong lumapit sa lalaki. Kinuha naman niya ang design na dinampot nito kumakailan lang.
"Oo nga ma'am," sabat naman ng isang babae habang may dala-dala naming stereofoam. Agad naman itong sumunod kay Thamus at tinulungan ito sa paglalatag ng mga gamit.
Bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa lalaki. Mas lalong hindi makapag-concentrate ang mga empleyado niya dahil sa presensiya niya dahil kitang-kita naman sa mukha ng mga ito ang pagkataranta.
"You have to finish something at the office? Tara na muna doon hayaan mo na muna silang tapusin ito," saad ko. Inakay ko siya sa kaniyang braso. Nawala ang gusot sa noo bago nagbuntong hininga at napatango na lang.
Nakahawak ako sa braso niya habang papasok kami sa elevator. Yumuko muna siya bago ngumisi, "Akala ko ba ayaw mo ng PDA sa workplace? Parang naging clingy bigla ah," sambit niya.

BINABASA MO ANG
MY BIG FAT ROMANCE
RomanceNOVEL | TEEN-FICTION | COMPLETED Drowning in the sea of insecurities, Lauryn Austria pitched her confidence after meeting a guy named Clyde Martin Melendez. When she was with him she can feel the serenity in her arduous days and she can be the best...