MBFR : 38

56 5 0
                                    

EPISODE 38 : RUN AWAY WITH ME

"The allegedly girlfriend of the youngest CEO in the city is the new face of CM Company Inc."

Kasalukuyan akong nag-to-tooth brush habang nakatingin sa salamin. Halos malunok ko ang collgate dahil sa narinig. Hindi pa man ako tapos sa aking ginagawa ay agad akong pumunta sa sala kung saan nakabukas ang tv.

Tumambad sa akin ang isang larawan kung saan nakatingin kami sa isa't isa. Isa ito sa napili niyang e-publish sa mga magazine at pati na rin sa mga billboards. Bigla akong kinabahan dahil baka kung ano-ano na ang pinagsasabi ng mga tao tungkol sa akin kaya agad kong kinuha ang cellphone at pumunta sa website kung saan ito naka-published.

"Ang ganda niya!"

"In fairness, hindi sila tao, bagay sila."

"Ang swerte naman ni girl."

"Hayy sanaol."

Iilan lamang ito sa mga comments na aking nabasa. Nakaramdam ako nang hindi maipaliwanag na saya. Nagbuntong-hininga ako, ano man ang magiging kalalabasan ng relasyong ito.I know how to be stronger and tougher this time, that no matter hard the situation. I will always choose to go on and never give up.

Nagbasa pa ako ng ibang comments at hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako ngunit agad naman itong nawala nang mabasa ko ang isang comment.

"Gumanda lang 'yan kasi nagparetoke. Mataba dati 'yan eh hahahha."

I will be hypocrite if I will say that it does not affect me. I've been in worst situation because of insensitive people, I've experienced worst judgement, and words that stuck through the bottom of my chest. I used to question myself for my insecurities and flaws but I did not change just to gain sympathy on others. Nevertheless, I change me for myself because I know that me, myself deserves more.

Isang minuto ang nakalipas ay kaagad akong nakakita ng reply sa comment na iyon.

"Meh nag-glow up na lahat ugali mo lang hindi. Mag-kojic ka muna bago punain ang ibang tao."

Napangiti naman ako nang malaman kung kay sino nanggaling ang comment na 'yon. Maya-maya pa ang nakatanggap ako ng tawag.

"Are you okay there? May mga reporter ba sa labas ng condo mo? I'll send someone to be with you. I will go there, right after this meeting," balisang sambit nito.

Ngumiti ako sa narinig, "Don't mind me, babe. Kaya ko ang sarili ko," sagot ko rito.

Isang buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya, "Basta, wait for me there. Be sure to lock the door, okay? I love you."

Napangiti akong muli, "Just focus on the meeting, I'm not going anywhere, I love you too."

Saglit lang ang pag-uusap namin ngunit nagdala iyon sa akin ng kapanatagan ng loob. Kung ito talaga ang nakatakdang mangyari sa amin, then we'll face it together. Isang katok ang pumukaw sa aking pag-iisip. Maya-maya pa ay nakita ko si Belinda na tumatawag sa akin, umirap muna ako bago ito sagutin.

"Ma'am pakibukas po ng pinto mag-papahome service autograph po sana ako."

Pagkatapos kong marinig ang satsat nito sa kabilang linya ay kaagad kong binuksan ang pintoan, "Charan! Marami akong dalang potato chips!" itinaas nito ang malalaking plastik at nauna nang pumasok sa loob.

Pagkarating nito sa sala ay kaagad itong humilata. Nakapamaywang naman akong tumayo sa harap niya, "Dito ka na naman magkakalat sa bahay ko."

Umupo ito mula sa pagkakahiga, "Akala mo nandito ako dahil concern ako sa'yo? No, purong-trabaho lang 'to. Malaki bayad eh," ngumisi ito sa akin bago magbukas ng chichirya.

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon