MBFR : 33

62 11 24
                                    

EPISODE 33: WHEN FATE WORKS

Bukas ang bibig habang nakatingala kami sa lalaking biglang lumitaw sa harapan namin. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa, halos hindi pa rin makapaniwala sa nakikita, "Putangina! Jean Gabriele?!" napalakas yata ang aking sigaw dahil napatingin sa gawi namin ang mga tao na kanina ay nagsasayawan.

Hindi din nakatakas sa paningin ko ang mga babaeng halos hubaran na ang lalaki sa paraan kung paano nila ito tignan. Ang walis ting-ting na si Gabriele ay ibang-iba na ngayon. Biglang nagka-muscle ang braso niyang halos mabali na noon. Biglang kuminis ang balat at nangangain na ang appeal nito. Kahit siguro sinong babae na makakaharap niya ay mapapanganga na lang, katulad ng katabi ko ngayon na kulang na lang tumulo ang laway.

"Small world huh, why are you here?" umupo na ito sa upoan na nasa harapan namin. Nakatingin lang ito sa mukha kong hanggang ngayon ay hindi pa rin naniniwala. Tinusok ko ang mukha niya para masiguradong hindi ako nananaginip. Kinuha naman nito ang kamay ko at ngumiti, "Ako 'to Lau. Jean Gabriele Santos. Atty. Jean Gabriel Santos at your service," nag-salute pa ito na parang temang. Hinila ko ang buhok ni Belinda dahil wala yata balak na kumurap. Halos dumikit na ang eyeballs niya sa mukha ni Gabriele, napangisi na lang ako sa kaniyang reaksiyon.

After our graduation in college, Gabriele went to States because he wanted to sharpen his knowledge about foreign laws. Knowing how supportive his parents are, it is expected that he would return to Philippines successful or should I say, more than successful. He is now the owner of the prestigious law office in the Philippines who offers excellent services when it comes to civil case and even criminal cases. A youngest lawyer who wins every case he handles. He's even the Corporate Secretary of my restaurant.

Dahil nasa ibang bansa nga siya ay may inatasan siyang lawyer na palaging on hand sa mga sitwasyon na kailangan ng legal advice. We never had time to meet each other face to face given that we are both busy. That's why I was mummed by his goddamn transformation. I never expected him to show up in this manner.

Sa aming tatlo, siguro si Belinda lang ang walang character development. Magpa-hanggang ngayon ay masyado pa rin marupok sa mga gwapo kaya palaging tumatakbo sa condo kong luhaan. Baka nga hindi pa naipapanganak ang lalaking para rito.

Sumalin ito ng wine sa baso. Akala ko ay para sa kaniya ito ngunit inilahad niya kay Belinda. Pagkatapos niyang ilahad ito kay Belinda ay sinalinan niya din ako bago ang kaniyang sarili. Natatawa ako dahil kulang na lang ay dilaan ng katabi ang basong hinawakan ni Gabriele, napakarupok talaga.

"Dumaan ako sa restaurant mo pero wala ka na pala doon," pagsisimula ulit nito bago inumin ang wine. Iniikot-ikot nito ang baso habang nakatingin doon. Ngumiti ako na may paumanhin, "You didn't tell me you're coming anyway," tugon ko. Muli kong itinuon ang paningin sa paligid bago sumipsip ng wine.

"It should be a surprise," ngumisi ito nang ma-realize na na-mission failed siya. Umiling ako sa kaniya, "I'm surprised," sambit ko at tumango-tango pa. I'm surprised but it didn't flutter my heart.

After that aged confession, I told him that we should remain as friends. Like there's no confrontation occurred between us. Sinubukan ko din na mahalin at gustuhin siya samantalang ipilit man ng isip ko tila'y may sariling mundo itong puso ko na sa iisang tao lang muling iikot.

I already don't know what to do that's why I just let my heart on it. Akala ko kapag hinayaan ko ang sariling maramdaman ito ay lilipas din ang aking nararamdaman. Nabigo ako dahil mas lalo ko lang itong hinanap. Sa bawat pagising ko may kung anong puwang sa puso ko na tanging siya lang ang makakapuno.

Madami pa kaming napagkwentuhan at laking pasasalamat ko na sa wakas ay nagkaroon ng din ng laway ang bunganga ni Belinda at nagsimula ng dumada. It's us in different dimension talking about life. From my pheriperal vision I saw a man staring at our direction and he was giving me a different feeling, a kind of familiarity.

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon