MBFR : 47

49 4 1
                                    

MBFR EPISODE 47 : SCRABBLE OF STARS

LAURYN'S POV 

As I open my eyes the white and blinding light passed through my sight. I close my opening as I feel my body weakens. I can't barely move an inch from my position. A tear streams down to my cheeks when I realized where I am. 

The white room feels suffocating to me, the white walls doesn't seems to be pleasant on my sight because I know that this single-colored room will witness my continuous pain and my soon-to-end fears.  

I followed the tiny hose from my body up to the tank of the oxygen. Now I'm merely depending on the amount of air produced by that thing. My life depends on how many air that tank could give to me while seizing, breathing, and dreaming of a miracle. 

Wala akong ideya kung sino at kailan ako dinala dito sa hospital pero sa ediyang iyon pa lang ay hindi ko na maiwasang huwag masaktan. Naaawa ako sa sitwasyon ko pero mas naaawa ako sa mararamdaman nila kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. 

Nakakatakot ang mamatay pero mas natatakot ako mang-iwan. Natatakot akong masaksihan ang bawat butil ng luha na papatak sa tuwing titingin sila sa akin. Natatakot akong makitang masaktan ang mga taong naging parti na ng buhay ko. Mga tao na kung wala sa tabi ko ay hindi ko malalaman ang tunay na kahulugan ng buhay. 

It's so devastating to think that they made me feel at ease and I couldn't do the same for them this time. I couldn't do anything but to wince and beg for my life. I couldn't do anything to sooth their pain because I don't even know how to deal with mine. 

Hindi ko lubos naisip na hahantong ako dito, na ang buhay na sinubukan kong wakasan noon ay ang buhay na luluhudan ko at magmamakawang huwag lagyan ng katapusan ngayon. 

Hinila ko ang kumot at doon muling isinubsob ang mukha para umiyak. Nakarinig ako nang pagpihit ng pintuan kaya agad kong pinunasan ang pisngi ko at nagkunwaring natutulog. 

Naramdaman ko ang marahan na mga hakbang palapit sa hinihigaan ko. May humawak sa aking kamay at agad kong naulinigan ang paghikbi nito, dama ko din ang pagpatak ng luha sa balat ko. 

Kinagat ko ang ibabang labi habang nakapikit pa rin at pilit na pinipigilan ang pagdaloy ng luha. Pamilyar ang amoy at alam ko na kaagad kung sino ito. Hindi man siya nito nakikita ng mata ko ngunit kilalang-kilala na siya ng puso ko. 

"I-I l-love y-you... I-I c-can't live w-without you."

Parang sinaksak ang puso ko nang paulit-ulit sa narinig ngunit nanatili akong nakapikit habang hindi na nahumpayan ang pagdaloy ng luha ko. Gusto ko siyang yakapin at sabihing okay lang... dahil makakahanap siya ng babaeng mas hihigit sa akin. Ang babaeng sasamahan siya sa hirap at ginhawa. 

Marahan kong iminulat ang mata at nang makita ko ang mukha ng taong mahal ko ay mas lalong nadurog ako. 

He looks matured and stressed, I notice his untrimmed beards, his eyes has dark circles around; seems like he didn't get enough sleep for a decade. His hair is getting long and his face became slimmer. 

"C-Clyde..." Tawag ko sa pangalan niya. Wala na akong lakas para magsalita pero pinilit ko dahil kailangan ko siyang kumbinsihing bitawan ako. 

Kung tutuusin, ay may sapat akong pera para makapagpagamot sa ibang bansa pero sabi ng Doctor sa akin, masyado nang mahina ang puso ko para lumuwas pa nang Pilipinas at maaari pa akong atakihin habang nasa byahe.

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon