MBFR : 24

156 28 54
                                    

EPISODE 24 : WHEN THE FLOWER BLOOMS

Napatulala ako sa aking narinig, parang tarsier itong yumapos sa leeg ni Clyde. Halata ang pag-iwas ng lalaki sa paglapit ng kanilang katawan, hindi ito ngumiti samantalang hindi ko din alam kung nasasayahan ba ito dahil hindi man lang niya sinuway si Emily. Ayokong maging audience sa paglalandian nilang dalawa kaya walang pasabi akong tumalikod. Wala din naman akong mapapala kapag tumanganga ako doon.

I still have a lot of things to do, instead of wasting my time to them. Perhaps it would rather memorable if I will spend the rest of the day with my friends. An arc formed on my lips when I saw Belinda, she plastered a smile on her face upon seeing me too, "Lakas ng loob mang-snob ng bulate na 'yon. Hindi naisip na muntik niya nang malagay sa alanganin ang school," napapailing ito habang nakanguso. "Oh baka hindi ka nakilala? Gusto kong isampal sa kaniya mga panglalait niya noon. Tignan lang natin kung hindi siya mag-mukhang baguio beans kapag itinabi sa 'yo."

Marahan kong hinila ang hanggang balikat na buhok nito, "Hayaan mo na kasi sila basta huwag lang nila tayong pangunahan. Let's mind our own business,"

Umirap ito sa akin at ngumisi nang nakakaloko, "Tignan mo mga lalaking 'yon kanina pa tumitingin sa 'yo. Bakit kasi ang ganda-ganda mo, nagmumukha tuloy akong yayabells."

Tumawa ako sa kaniyang sinabi, "Ano ka ba! Lahat tayo ay may angking ganda, low quality nga lang 'yong sayo,"

Naningkit ang mata nito, "Aba't nanglalait na! Huwag ka maraming nahuhumaling sa akin noong elementary tsaka high school no!"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Nahuhumaling na? Aso?"

Nagdabog ito na parang bata, "Laura ang bully mo! Kapag ako nag-glow up who you ka sa'kin,"

Tinapik ko ang balikat nito, "Sa totoo lang, nakakapag-panibago. Parang kailan lang ay hindi ako matingnan ng mga tao. Pero ngayon kahit hindi ako gumawa ng eksena ay kusa silang titingin sa akin."

"Sometimes, people change themselves just to fit in. Pero iba 'yong sa'yo, you have changed not because you want to fit in but because of what you have experience."

"Wala ka bang kamay? Isang wave naman diyan!" Siko sa akin ni Belinda. Singkit ang matang tinignan ko ito, "Ano ka ba nakakahiya Bel," saway ko sa kaibigan. Ah basta nahihiya akong kumaway sa kanila, hindi ako komportable dahil kanina pa sila nakatingin sa akin.

Sumulyap ako sa gawi ni Clyde. Nakalukot ang kilay nito habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa grupo ng kalalakihan. Nakaramdam ako ng saya na hindi ko maipaliwang kung saan nanggaling subalit pilit kong hinumpayan ang emosyong iyon.

"Huwag mong sasabihin na hindi ka pa nakapag-move on kay Martino?"

Napalingon ako sa sinabi ng katabi, "Martino?"

Umirap ito, "Ang slow mo kahit kailan Laura. Sabi ko hindi ka pa ba nakaka-move on kay Clyde Mar--" hindi nito natuloy ang sasabihin dahil tinakpan ko na ang bibig nito sa maaaring sambitin. Ayokong gumawa ng isyu lalong-lalo na ngayon na may girlfriend na 'yong tao. Hanggang sa maaari ay ayaw kong madikit sa pangalan niya.

"Hindi nakapag-move on? Bakit naging kami ba?" Tugon ko sa kaibigan. Totoo naman na hindi naging kami, nahulog ako sa kaniya dahil pa-fall siya. Akala ko sincere siya 'yon pala may dahilan lahat ng pinapakita niya. He treat me like a game, now its my time to play the game he started.

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon