EPISODE 26: BE THE BEST MAN WIN
When we finally reached one's destination, he gets off the car first and bestow to open the door for me. His gentlemanly gestures never go awry in bringing crickets to my stomach. His existence never perishes in making my heart beat vigorously.
"Thank you sa paghatid, Clyde." Pasasalamat ko sa lalaki. Ilang beses niya na itong ginawa. Magkaiba man ang gamit niya sa paghatid ngunit pareho pa rin ang kaniyang ipanapadama sa akin.
Sabay kaming napatingin sa bumukas na pintoan, iniluwa doon ang aking ina na nakatingin lang sa amin, sumilay ang ngiti sa labi nito habang palipat-lipat ang tingin sa amin ng kasama ko.
Yumuko si Clyde nang makita si Mama, "Good evening po, Tita."
Tumikhim muna ito bago magsalita, "Oh Lauryn, nandito ka na pala. May balak ka pa bang ipakilala ako sa kasama mo?"
Paumanhin kong binalingan si Clyde, "Pasensiya ka na kay Mama ah. Ganiyan lang talaga siya sa mga nakakasama ko,"
"Mabuti pa at dito ka na maghapunan hijo para makilala din kita. Baka isang araw mawala itong si Lauryn at magka-ediya naman ako kung sino ang tatanongin,"
Sumimangot ako sa ina, "Ma naman akala mo naman sa akin asong palaboy-laboy lang sa daan," sagot ko kay Mama. Hinarap ko naman si Clyde, "If you're not comfortable, you don't have to join us," saad ko sa binata ngunit ngumisi lang ito at tuluyang pumasok sa loob ng aming bahay.
Ginawaran muna ako ni Mama nang 'di maintindihang ngisi bago sumunod sa lalaki. Naiwan naman akong mag-isa sa labas tsaka ko naisipang pumasok na din sa loob.
Naudlot ang malaking subo ni Gabriele nang makita kung sino ang kasama ni Mama. Masyadong maraming ganap ngayong araw at nakalimutang kong sabihin sa kaniya ang nangyari. Mabilis na napalitan ng pagkakunot ng noo ang pagkagulat nito.
Lumingon si Mama sa akin, "Mabuti naman at may kasama tayong kumain ngayon. Bukas pa daw ang uwi ng Papa mo. Nagkaproblema ang kanilang sasakyan kaya maghahanap na lang muna sila ng matutulogan mamayang gabi."
Tumango ako, "Magbibihis lang ako, Ma," paalam ko sa ina bago lumingon kay Gabriele, "Gab, I will explain this later to you," sambit ko bago tuluyang iwan sila sa sofa.
Nilagay ko ang dalang bag sa study table ko. Binuksan ko ang aking cabinet upang kumuha ng damit pambahay. Pantulog na sponge Bod ang aking isinuot. Noon halos hindi na ito magkasiya sa akin pero ngayon mukhang mahuhubad ito kapag tumakbo ako. Itinali ko ang aking buhok napa-messy bun. Sinulyapan ko muna ang aking repleksiyon sa salamin bago naisipang bumaba.
Napasingkit ang mata ko nang makitang nilalantakan ni Clyde at Gabriele ang paborito kong ulam. Sinigang na baboy at pritong marinated na bangus ang inihanda ni Mama ngayong gabi. Nag-aagawan pa ang mga ito sa serving spoon. Nag-martsa ako papunta sa kanila at inagaw ang isang mangkok ng sinigang at inilayo ang pritong bangus na siyang nagpanganga sa kanila habang nakatanaw sa mga iyon.
"Grabe hindi niyo man lang ako hinintay?" sumbat ko sa kanila, ngunit tila mga bingi ito at tanging naririnig lang ay ang bangus na namumula-mula sa pagkaprito ni Mama. Kumuha ako ng pinggan at kinuha ang tiyan ng bangus na siyang pinakapaborito ko sa lahat. Nang makuha ko ay ipinaubaya ko na ang natira sa kanila.
Napakamot naman sila pareho ng kanilang batok dahil alam kong iyon din ang pakay nila. Kaya sorry na lang sila at nasa bahay ko sila ngayon, "Oh siya, kumain na kayo. Ito pa at dinamihan ko ang pagprito ng bangus," masayang sambit ni Mama. Nilahad niya ang dalawang buong piraso ng bangus na siyang nagpakislap sa mata ng dalawa. Kulang na lang maglaway si Clyde nang kinuha niya ang tiyan niyon katulad ng ginawa ko kanina. Dinalaan muna nito ang bibig bago isubo, ngumuya ito, at umisang subo pa, "It tastes like a fish,"
![](https://img.wattpad.com/cover/254533282-288-k284998.jpg)
BINABASA MO ANG
MY BIG FAT ROMANCE
RomanceNOVEL | TEEN-FICTION | COMPLETED Drowning in the sea of insecurities, Lauryn Austria pitched her confidence after meeting a guy named Clyde Martin Melendez. When she was with him she can feel the serenity in her arduous days and she can be the best...