MBFR : 35

79 10 0
                                        

EPISODE 35: THE CRISIS AND ITS PEACE

"Can I continue courting you?" sambit niya sa gitna ng pagmamaneho. Pansin ko ang mabagal na pagpapatakbo niya ng sasakyan kanina pa. Parang gusto ko na lang tumalon sa bintana dahil hindi na ako nakahinga ng maayos dahil sa pinagsasabi ng kumag na 'to.

Ipinukol ko na lang ang buong atensyon sa daan dahil daig pa namin ang umattend ng lamay sa bagal ng sasakyan, "That was eight years ago, Clyde. Eight years ago, expired na 'yon," tugon ko sa kaniya. I want to curse my heart for just beating so fast! Damn self it's been eight years ago and you still feel the same.

"If that's the case, I can start again then," pagpupumilit nito habang ang paningin ay nasa akin, "Focus on the road, okay? Stop saying nonsense things," saway ko rito. Napakapit ako bigla sa seat belt dahil binilisan nito ang pagpapatakbo, "Oh my God! Clyde! Magpapakamatay ka ba?!" singhal ko rito na halos mahugot na ang hininga ko dahil daig pa nito ang nagkakarerang kabayo.

Hinampas ko siya ng bag kong dala ngunit mas lalo lang nitong binilisan ang pagmamaneho, "Clyde Martin Melendez! Are you insane?! I said slow down the car!" sigaw ko habang hindi na alam kung saan kakapit sa seat belt ba o sa leeg ng nagda-drive.

"I won't slow down unless you say yes," ngumisi ito habang ako ay halos mamatay na sa kaba. Kung mabilis ang takbo ng sasakyan kanina, ngayon ay mas mabilis pa. Tila'y nasa car racing ito habang nag-o-ovetake sa mga sasakyan, "So Lauryn Austria, is it a yes or yes?" ang kumag na 'to nakuha pang kumindat habang nasa bingit kami ng kamatayan. Kung pwede lang sanang sabunutan ito ay kanina ko pa yata ito nakalbo.

"Hmm?" pukaw nito sa akin. Napatiim-bagang ako sa kaniya, "Fine, yes," halos pabulong kong tugon rito. Gumalaw ang gilid ng bibig nito pero agad naman naging seryoso ang mukha, "What? I can't hear you," pag-iinarte nito habang hindi pa rin binabagalan ang sasakayan.

Napairap ako at napabuntong hininga na lamang, "YES!" sigaw ko na may halong sama ng loob. Kung alam ko lang sana na ganito ang gagawin niya edi sana nag-taxi na lang ako pauwi.

"Okay then," matagumpay itong ngumisi at binagalan na ang pagpapatakbo na mas lalong ikinainis ko. Nasobrahan yata siya sa paghithit ng carbon dioxide mula sa ibang bansa. Sinamaan ko siya ng tingin, "Do you know that I can file a case against you? This is abuse of power," reklamo ko rito. Tumingin naman ito sa akin, tingin na siyang ikinapintig muli ng puso ko kaya napaayos ako ng upo, "How can I abuse a power when my power is you?" saad nito.

Napaiwas ako bigla ng tingin sa kaniya, ang dami niyang hanash sa mga bagay-bagay. Lahat na lang meron siyang lusot. Pati mga banat niyang corny pakinggan pero damang-dama naman ng puso ko. Paano pa ako nito magagalit sa kaniya kung sa bawat salita ko may pakulo siya? Paano ko pa maipagkukunwari na ang inis na nararamdaman ko ay bakod lang pala ng pangungulila ko sa kaniya?

Mas pinili ko na lang na manahimik habang nasa byahe kami. Nakakainis dahil kahit anong gawin ko ay wala pa ring pinagbago ang nararamdaman ko sa kaniya. Nakakainis dahil aminin ko man o sa hindi ay siya pa rin magpahanggang ngayon.

I want him to be always on my side, I want to see him everyday, and I want to say that those eight years hasn't done anything to change my feelings for him. It's just I will always hate his wrong doings but I can never hate him.

Pansin niya ang pananahimik ko kaya minabuti niya din na itikom ang bibig niya. Pareho naming pinapakiramdaman ang isa't isa. Pareho naming hinahayaan na bumilis ang pintig ng puso namin. Pareho kaming walang masabi kaya't sa mga titig na lang namin nanggaling kung ano ang tunay na nararamdaman. Sa kabila ng malalim na gabi, puso namin ay nasa iisang ritmo, parehong inaasam na sana nasa tamang panahon at tadhana na kami.

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon