MBFR : 21

180 33 36
                                    

EPISODE 21 : STRONG-WILLED WHIRLWIND

***The next day after the incident***

 Busy ako sa pag-se-search ng mga ingredients para sa Bouillabaise. Ito ang napili namin e-present para sa Battle of the Food na gaganapin next week. Each group will present the different kinds of soup. Bouillabaise is a French soup, the most authentic recipe must include at least four kinds of seafood chosen from the list; that includes monkfish and crab. 

Kasama ko sina Belinda, Alexandria and Bane sa presentation. Aside from presenting the food we're also advised that we should apply the Filipino recipe. This makes it more hard for us, because its a French soup; with a little taste of native soup. 

"Ms. Austria. Kindly proceed to Faculty Office, now," I was stunned by the way Mrs. Santos stare at me. Feeling ko may isang malakas na bagay na bumato sa aking dibdib. Dinaga ito ng husto na halos lumabas na sa loob. Sunod na iniluwa si Belinda na pawis na pawis. Kita ko ang panginginig nito; ito'y balisa at hindi malaman ang gagawin.

Sinilid ko sa bag ang notebook na hawak. Inilagay ko din sa bulsa ng aking uniform ang cellphone. Kunot ang noo na pinuntahan ko siya sa pintuan, "Anong nangyari Bel? Is everything okay?"

Kinagat nito ang ibabang labi at malungkot akong tinitigan, "Anong ginawa mo kahapon, Lau? Alam mong nawawala ang cellphone ko. Pero bakit pumunta ka pa rin doon?" Tanong nito sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi niya. Hindi ko mawari kung ano ang nangyayari. Kinuha nito ang kamay kong may sugat. Nakaramdam ako ng tubig na pumatak, "Kasalanan ko ang lahat ng ito, kung sana hindi lang ako naging burara. Hindi mangyayari 'to sa 'yo. Kasalan ko kung bakit nasa ganitong sitwasyon ka ngayon." Humikhikbi ito sa harapan ko. Iginaya ko siya palapit sa akin at mahigpit na niyakap.

"Shh.. Tahan na. Hindi mo dapat sisisihin ang sarili sa mga bagay na hindi mo kontrolado." Hinagod ang likod nito. I can't blame her for misplacing her phone. Emily and her toxic mindset is the reason why. 

"Ms. Austria? Narinig mo ba ang sinabi ko? Proceed to the Faculty Office, now." Muling sambit ni Mrs. Santos na kanina pa pala naghihintay sa akin. Nasa tapat ito ng hagdan at tumitingin sa amin. Medyo malayo ito kaya hindi nito naririnig ang pag-uusap namin ni Belinda. 

Ngumiti muna ako sa kaibigan bago tumango ng marahan. Tumalikod ako rito at sumunod kay Mrs. Santos ngunit hinawakan nito ang aking braso. Napalingon ako sa ginawa niya, umiling ito na para bang ayaw ako paalisin.

Maingat kong inalis ang kamay niya. Pinisil ko iyon at muling ginawaran siya ng ngiti, "It's okay, Bel. I'll be fine, don't worry, I got this." Pakonswelo ko sa kaibigan. Nag-aalangan itong tumango at tuluyan akong hinayaang lisanin ang lugar. 

Hindi natigil sa pagdamba ang aking dibdib habang ako'y nakasunod kay Mrs. Santos. Nanlalamig ako dahil sa kaba nang makita ang lahat ng guro sa Faculty Office.

Sadness and disappointment is plastered on their faces. Looks like I have done a biggest mistake.

"Good morning, Ma'am and Sir." Malumanay na bati ko sa kanila. Ang iba ay tumugon sa aking pagbati, samantalang ang iba ay tumango lamang.

"Have a sit, Ms. Austria, you're from BSHM Department, am I right?" Mrs. Allison questioned me, she scans my appearance and fix her eye glasses. 

I nod, "Y-yes Ma'am," I suddenly became stuttered.

She sigh, "Did you know what have you done?" Umupo na din ang iba pang mga guro sa upoan na nakapalibot sa round table. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na tensiyon sa bawat sulyap nila. 

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon