EPISODE 46: THE GREATEST LOVE
CLYDE'S POV
"Anong ginawa niyo sa kaniya?" matalim ang tinging ipinukol ko kay Carol. Hindi ko lubos akalain na hahantong sa ganito ang galit nila sa tao.
Imbis na matakot sa tono ng boses ko ay nginisihan lang ako nito.
Blangko ang tinging ibinalik niya sa akin bago lumipat ang mata sa kaniyang daliring bagong manicure, "She deserves it, kung hindi niya lang kami ginalit edi sana.. nasa school pa siya. Poor dog, hindi alam kung kay sino kakahol at kung kay sino dapat itikom ang bibig."
Biglang umusok ang tenga ko sa narinig kaya mahigpit ko siyang hinawakan sa braso, "Ganiyan na ba kayo ka-insecure kaya nakuha niyong hadlangan ang pangarap no'ng tao?"
Tinaasan niya ako ng kilay bago kinuha ang braso, "Dreams my foot.. Look who's talking, e 'di ba nga pinaglaruan mo din siya? You treat her like a game and so you know.. you're nothing different from us."
"Sabagay hindi din naman kita masisisi, sino bang hindi maiinis sa matabang babaeng 'yon?"
Ipinikit ko ang mata sa sobrang sama ng loob dahil sa mga walang kwentang pinagsasabi nito.
Ganito na ba sila kaperpekto para punain ang kapintasan ng iba?
"Alam mo, I think you don't hate her, you just hate the fact that she's better than you, that she has something you can't have."
"You're right..she has something I don't have, Clyde." Sagot ni Emily nang pumasok sa loob ng room.
Pulang-pula ang bibig nito dahil sa lipstick na suot. And yes, maganda si Emily, that's undeniable, but she don't have space for my liking because my heart has already stolen by someone.
Noon pa man alam kong wala na akong ibang magugustuhan pa dahil alam ko sa sarili kong wala nang hihigit pa sa kaniya.
"And you know who it is." Malagkit akong tiningnan nito.
Umigting ang panga ko sa narinig, gusto ko na siyang kaladkarin ngunit nangingibabaw pa rin ang respeto ko dahil babae ito. Inis man ang nananalaytay sa buo kong pagkatao ay pilit ko pa ring ikinalma ang sarili.
Labag man sa kalooban ko ang mapalapit sa mga ito ay pinili ko pa ring gawin dahil alam kong ito ang mas makakabuti para sa kaniya.
Dahil sa paglapit ko sa kanila ni Emily at Carol ay dahan-dahan ko silang nakumbinsi upang mapabago ang desisiyon ng tatay ni Carol. Alam kong mali pero handa akong gawin ang lahat para lang sa kaniya.
Because I know that she deserves the world, not just the world but the universe.
I was the happiest man alive when I heard from Belinda that the school revised the penalty. She was the one who asked me to help her, kahit alam ko naman na kahit hindi niya hilingin ay gagawin ko pa rin iyon.
Belinda, recorded the whole discussion and I was the one who typed it in the Microsoft word and saved it to the usb drive. I did some research on some topics too, making sure she's coping with the lesson really well.
I also went to church after my class and prayed for her. I ask God to be her guide in the midst of downfall because I don't know how to react if there's something bad happened to her. I don't know where I could go knowing that my home was wrecked by a mighty storm.

BINABASA MO ANG
MY BIG FAT ROMANCE
RomanceNOVEL | TEEN-FICTION | COMPLETED Drowning in the sea of insecurities, Lauryn Austria pitched her confidence after meeting a guy named Clyde Martin Melendez. When she was with him she can feel the serenity in her arduous days and she can be the best...