MBFR : 23

185 31 50
                                        

EPISODE 23 : EYES WIDE, MOUTH SHUTS

The covered court was inundated by students from different departments. Players from different universities are also preparing on the other side. The place became kaleidoscopic through the color coding of their t-shirts. 

Students and banners are everywhere. Some are holding various types of balloons. There is also an individual that disseminates bottled mineral water. Everybody is alarmed when the emcee dubs the Blue Dragon Team representative.

Kitang-kita ang pag-aalinlangan sa mata ng bawat mananayaw. Nag-umpisa na din magbulong-bulongan ang mga taong nanonood. Binanggit muli ang pangalan ng team na mag-pe-perform. Matamlay silang pumagitna, doon ko lang napansin na wala si Emily; ang kanilang cheer leader. Sa pagkakaalam ko ang cheerleader ay siyang nangunguna sa cheer dance. Nakasalalay rito ang pangalan ng aming unibersidad pero bakit ngayon pa siya hindi sumipot?

Balisa na din at hindi mapakali si Miss Bartolome; ang  founder ng music and art club. Siya din ang nagtuturo sa mga mananayaw. She was acknowledged for her talent and passion for dancing. Ilang beses na din itong mag-champion sa dance sports. Isang halimaw ito sa larangan ng pagsasayaw. Coercion is on her shoulder because everybody foresees her presentation is notable like it used to be.

Napahigpit ang hawak ko sa binigay na paper bag kanina ni, Miss Bartolome. Nakita ko itong nakatingin sa akin; para bang kinukumbinsi ako.

***Moment Before The Presentation***

I tug a deep sigh as I look at my reflection in the vanity mirror. My chubby bunny face was gone; my jawline is already accentuated. My big arms are not flabby anymore; they become slender and more proportionedI turned sideways, my layered abdomen is now flattened. My butt was arced, though, I am not gifted in my upper.

I dyed my hair last week; it is now flimsy blonde. I smile upon realizing how much my body had changed. I grab my handbag and wear my pleasantest smile before heading to the veneer.

Parehong umawang ang mga labi nina Gabriele at Belinda habang nakatingin sa akin. Nanatili silang nakatulala, "Hoy! Anong nangyayari sa inyo?" Natatawa kong pukaw sa dalawa.

"Lauryn, ikaw na ba 'yan?" Hindi pa rin makapaniwalang sambit ni Gabriele, hindi pa rin natikom ang bibig; kulang na lang ay tumulo ang laway nito. Tinaasan ko siya ng kilay habang nakangisi pa din, "Bakit? May nakikita ba kayong hindi ko nakikita?"

"Grabe ang ganda mo pala," Wala sa sariling banggit nito sa akin. Namula ito bago yumuko at kinagat ang ibabang labi.

Marahang humakbang si Belinda at sinuri ako mula ulo hanggang paa, sinampal nito ang sarli bago bumaling ulit sa mukha ko, "Grabe anong ginamit mo sa mukha mo? Parang hindi ka naman tao Lau, wala kang pores!" Hindi pa ito nakontento at muling tinitigan ang mukha ko, "Kaya pala ayaw mo makipag-video call sa akin. To the bonggang-bonggang transformation pala ang ferson!"

Napapailing ako sa sinabi niya, "Ano ka ba, ako lang 'to,"

Ngumiti naman ito sa akin, "Grabe ang lakas ng hangin. Oh! Gab! Kumapit ka at baka tangayin ka papuntang Pacific Ocean!"

Wala pa ring reaksiyon si Gabriele nang sinulyapan ko, hawak na nito ang dibdib habang walang kurap na  nakatanaw sa akin.

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon