EPISODE 30: CONFESSION
After the memorable experience with Clyde. Our recent moment didn't disappear on my mind. It keeps on flashing; even with a numerous thought. The butterflies on my stomach never cease from flapping their wings. I can't find any words to define how blast my feelings is. In all that I've trying to conceal. All the pain I endured is finally turning out to the best it can be. Having someone beside me is a great blessing. Someone I can rely on in the midst of chaos and confusions.
Hanggang nakabalik kami sa camping site ay walang humpay ang pag-ngisi ng mokong. Halos lahat ng mga makakasalubong namin ay binabati niya kahit hindi naman niya ito kakilala. Sinabihan pa nito ang mga kasama namin sa field trip na bumili ng pagkain at libre niya na daw lahat. Hindi pa nga natapos si Clyde sa sasabihin ay agad nang lumapit sa kaniya sina Finn, Kai at Levi at nanghingi ng pera. Once in a blue moon lang daw kasi ito kung mang-libre kaya sasagarin na nila. Napapa-iling na lang ako sa kanila, hindi din nakalagpas sa paningin ko ang malisyosang tingin ni Belinda.
"Saan kayo nagpunta kanina? Bakit wala kayong dalawa?" sunod-sunod na tanong nito sa akin. Mas dinutdut pa nito ang mukha na halos maduling na ako. Ngumiti ako upang inisin siya, "Secret."
Sumimangot naman ito at tiningnan ako ng masama, "Naku Laura! Baka gumagawa ka na ng kababalaghan ha! Isusumbong talaga kita kay tita. Nag-promise tayong sabay ma-divirgin—" tinakpan ko ang bunganga nito at pinandilitan ng mata, "Tinalo mo pa si Wamoz sa sobrang advance mag-isip!" natatawa kong tugon rito. Mapapahiya ka talaga minsan sa bunganga nitong kaibigan ko.
Unti-unti nang dumidilim ang paligid kaya inutusan ni Mrs. Santos ang mga boys upang maghanap ng kahoy para sa bone fire, kaming mga babae naman ay naiwan upang maghanda ng snacks para mamaya. Bitbit ko ang isang tray ng sari-saring chichirya habang tinatanaw ng grupo ng kalalakihan, nakita ko pang nagsikohan ang mga ito. Hindi na sila nakatiis at nilapitan ako, "Miss, transferee ka ba? Ngayon ka lang kasi namin nakita." Agad na saad ng lalaki nang makalapit sa akin. Nakasuot ito ng Hawaiian polo at brown shorts, kasing puti din ng labanos ang balat nito at halatang hindi babad sa mga gawaing bahay.
Mabilis akong umiling at kiming ngumiti, "Ah, hindi ako transferee. I'm a third year culinary student," tugon ko sa mga ito. Hindi na nito hinumpayan ang pagtitig sa aking mukha. Hindi pa man ako gaanong nakakabawi ay agad na may humapit sa baywang ko. Tumambad ang nakakunot-noong si Clyde sa harapan namin. May dala-dala itong mga kahoy sa kaliwang kamay, "Don't disturb her," masama ang tinging ipinukol nito sa mga lalaki. Laglag naman ang balikat nitong naglakad papalayo sa amin.
Sinimangotan ko naman ang kasama at kinuha ang kamay niyang nakahapit sa baywang ko, "Nagtanong lang naman 'yong tao. Bakit mo sinungitan?" hinarap ko ito. Bakas pa din sa mukha nito ang pagka-inis.
"I don't want to see you with another man," tugon nito bago sumimangot at tumingin sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi, "Nagtanong lang naman ng name ko," sambit ko dito. Nauna na akong maglakad sa kaniya, "I don't want anybody else beside you. It gets into my nerve," pagtatapat nito sa akin, palihim naman akong ngumiti nang agad itong sumunod sa akin, "I'm selfish, Lauryn. Especially when it comes to someone I really want," pagpapatuloy nito. Hindi niya alam na siya at siya rin lang naman aking pipiliin.
Nilingon ko siya, wala akong pakialam kung mabasa man niya ang tunay na damdamin sa aking mata, "Meet me on the bridge where we witnessed the sunset first. Wait for me there, so you'll know my answer," I gave him an assurance smile. It's final. I will be his girlfriend tomorrow, right after this field trip.
We formed a circle around a bone fire; night breeze embraces our bare skin. The sound of the crickets serves as our music in the quiet night. The light coming from the fire enkindles the limited space of the site. The boys started to strum the guitars as we started to sing. It feels alive to be accepted. I once was wished of this moment but now I am living with it. I once was dreamed of being admired but now I am receiving more of it. But my question is, until when?

BINABASA MO ANG
MY BIG FAT ROMANCE
Roman d'amourNOVEL | TEEN-FICTION | COMPLETED Drowning in the sea of insecurities, Lauryn Austria pitched her confidence after meeting a guy named Clyde Martin Melendez. When she was with him she can feel the serenity in her arduous days and she can be the best...