MBFR : 42

65 6 0
                                        

EPISODE 42 : THE WEAK STRINGS

Sa pagmulat ng aking mata, ang puting kisame at nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa akin. Napakurap ako ng ilang beses bago naisipang bumangon. May lalaking patakbong umalalay kaagad nang makitang gising na ako.

"Thanks God! You're awake.." Ikinulong ako nito sa kaniyang bisig at mahigpit na niyakap.

Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng masaganang luha sa aking mata. Akala ko katapusan ko na, akala ko hindi na ako makakaligtas pa at akala ko hindi ko na muling masisilayan ang mukha ng lalaking nakayakap sa akin ngayon.

Tumingala ako upang salubungin ang mga titig niya. Nararamdaman ko ang umaapoy na mata niya habang nakatingin sa akin.

"I should have not let you go alone in that fucking building. Sana sinamahan kita, sana hindi nangyari ang lahat ng ito." Puno ng pagsusumamo ang mga tinig niya, kulang na lang ay suntukin nito ang sarili dahil sa nararamdaman.

Inabot ko ang mukha niya at ikinulong iyon sa aking palad, " You don't have to blame yourself for what happened. We have no control over things. You saved me before you do such thing, your love saved me, Clyde."

Namasa ang gilid ng mata nito bago yumuko upang itago ang pagpatak ng luha, "They need to pay for what they've done to you and I will make sure they are all gonna rot in jail." Inabot niya ang kamay ko at hinagkan iyon.

Pakiramdam ko maraming lakas ang nawala sa akin sa mga oras na ito. Hindi rin maayos ang aking pakiramdam dahil nahihilo ako. Bago ko ipahinga ang sarili ay may isang bagay akong dapat malaman.

Tumikhim ako at nakakuha naman iyon sa atensiyon ni Clyde, "How's Emily and Carol? Are they safe?"

Sila ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon at kung bakit nakaligtas ako.

Nagpakawala muna siya ng isang malalalim na buntong-hininga na siyang nagpakabog ng aking dibdib.

"They are safe now but Carol is not in herself because of what she experienced. She lost her mind, she can't even recognize her family." Malungkot na saad nito.

"Emily is traumatized and she will undergo some sessions with the psychiatrist. The good news is she has more chance to recover than Carol." Pagpapatuloy nito.

Hindi ko alam pero parang kinukusot ang dibdib ko dahil sa naranasan nila.

Just because some people are bad it does not mean they deserve the worst. Just because they committed  sin, it does not mean that they need to lose themselves to be forgiven. Hindi ganoon ang Diyos. He will recognize the sin but He will never ever put us in harm.

"The police captured Kiusha, the leader of the illegal porn website, he had a previous case but he was able to bail it but I will make sure, he won't escape this time," he said with his teeth gritted.

Everything is settled down but I couldn't feel myself, pakiramdam ko lumulutang ako sa ere. My breathing is not normal and I feel a light pang on my chest.

"Don't worry about everything.. I will take care of it. You have to get some rest now. I will stay here beside you, Babe." Pagkasambit niya ay kinuha niya na ang kumot at hinila iyon hanggang balikat ko. Pagkatapos niyang gawin iyon ay hinipo niya ang aking noo at hinagkan.

Hawak-hawak niya ang noo ko at marahang minamasahe ang puno ng aking buhok hanggang sa dapoan ako ng antok at makatulog. I need to get some rest to this thing for now.

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon