EPISODE 17 : IMPOVERISHED FEELINGS
Napakurap-kurap ako nang magising sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa bintana. Nakita ko si mama na humahawi ng kurtina mula roon. Huli ko na naisip na nakatulogan ko na pala ang pakikipag-usap kay Belinda.
"Bumangon ka na diyan at nakahanda na ang almusal. Nandoon na din si Gabriele sa baba at naghihintay sa iyo." Napakunot ang noo ko nang marinig ang huling sinabi ni mama na ngayon ay papalabas na ng aking kwarto.
Wala akong ediya kung bakit ito nakapasok sa kwarto. Hindi kaya dumaan ito sa bintana ?
Napasingkit ang mata ko sa pagtataka. Marahil ay sinira niya ang pintuan ng kwarto ko dahil kagabi pa ito kumakatok at hindi ko man lang pinagbuksan. Medyo gumaan na din ang aking pakiramdam dahil sa buong gabing pag-iiyak, sapagkat may kirot pa din sa dibdib ko. Hindi naman kasi basta-basta gumagaling ang sugat.
Mas madaling gamutin ang literal na sugat kaysa sa sugat sa puso dahil kahit papaano ay maiibsan ito gamit ang gamot. Ngunit ang sugat rito ay hindi kayang pawiin ng gamot na tanging panahon lamang ang makapagpagaling.
Nasaktan man ako dahil mas pinaniwalaan ko ang aking puso. Gayunpaman, ay nagpapasalamat pa din ako dahil naisip kong hindi pala ako manhid. Hindi kailanman masamang magmahal lalo na sa paraang alam at kaya natin.
Naisipan kong maligo muna. Mapait akong ngumiti sa harap ng salamin. Mugtong-mugto ang aking mata katulad ng aking inaasahan, mas ikina-pangit ko pa lalo ang pag-iyak.
Nag-toothbrush muna ako baka kasi mapagsabihan na naman akong bad breath. Ang hilig pa naman mang-asar ni Gabriele at kung tutuusin nga ay siya iyong mukhang bad breath!
Wala akong planong pumasok ngayon dahil hindi ko alam kung makakaya kong harapin ang taong puno't dulo ng aking pagiging miserable. Nakakatawang isipin na ang taong tumulong sa akin na makita ang liwanag sa kadiliman ay siya rin pala ang hahatak sa akin pabalik sa madilim na paligid.
Pagkatapos kong maligo ay tinungo ko ang aking kabinet upang pumili ng susuotin ngayon. Suot ang navy blue mum jeans, black oversized t shirt na may pangalang self love at white tennis, ay nilisan ko na ang kwarto. Nagsuot din ako ng rose gold eyeglasses at K95 black face mask upang itago ang mata kong daig pa ang nagpuyat sa lamay kagabi.
Ginamit ko ngayon ang black backpack ko at para sa patintero mamaya sa jeep. Sinilid ko na lahat ng mga gamit ko sa bag pati na rin ang mga art materials na gagamitin namin sa activity mamaya.
Nadatnan ko si Gabriele na nagmumukbang sa sala, "Naks! self love!" pumalakpak pa ito na para bang nanonood ng action movie.
Inirapan ko siya at tinungo ang refrigerator sa likod ng dining table, "Kina-career mo na pagiging palamunin mo dito sa bahay ah. Kahit anong kain mo malnourished ka pa rin naman!" tugon ko sa pangungutya nito.
Kinuha ko muna ang aking face mask bago inumin ang tubig. Naubusan ako ng tubig sa katawan dahil na rin siguro sa kaka-iyak ko kagabi kaya halos kalahati ko na ang laman niyon.
Lumingon ako at umupo sa harapan ni Gabriele. Kumuha na din ako ng plato at nag-salin ng dalawang hot dog at fried rice habang ang kaharap ay halos hindi nakakain ng ilang taon.
Nagtataka na tuloy ako kung nakakain ba ito sa kanila. Kumuha ako ulit ng hot dog. Tinaponan ko siya ng masamang tingin nang sabay namin natusok iyon. Gumawa ng matalas at sunod-sunod na ingay ang tinidor namin na ngayon ay nag-eespadahan pa rin.
Saka na lamang ako tumigil nang makita kong gutay-gutay na ang hotdog. Napangisi naman ako nang napanguso si Gabriele, "Tita may galit ata si Lauryn sa mundo. Pati hot dog ko minurder!"

BINABASA MO ANG
MY BIG FAT ROMANCE
RomantikNOVEL | TEEN-FICTION | COMPLETED Drowning in the sea of insecurities, Lauryn Austria pitched her confidence after meeting a guy named Clyde Martin Melendez. When she was with him she can feel the serenity in her arduous days and she can be the best...