MBFR : 39

59 5 0
                                    

EPISODE 39 : THE LAUREL NECKLACE

Nakahinga kami ng maluwag nang malampasan kami ng grupo ng mga reporters. Malikot ang mga mata ng mga ito at hindi alam kung saan ibabaling. Mabuti na lang nakatago kami kaagad sa mga ito. Hindi naman ako sigurado kung wala silang nakuha na pictures namin pero para saan pa't lalabas din naman ang lahat.

"Are you okay?" tanong niya sa akin. Mahinang gumagalaw ang balikat nito dahil hindi pa gaanong nakakabawi mula sa mabilis na pagtakbo namin kanina.

Humihingal naman akong tumango sa kaniya, "I'm okay," sumilip muna ako sa tarpaulin kung saan kami nakatago para masiguradong lubusan nang nawala ang mga reporters. Nang mapagtantong wala na ang mga ito ay hinarap ko siya, "Let's go."

Hinawakan naman nito ang aking kamay at ngumiti, hinawi nito ang tarpaulin para makalabas. Sumunod naman ako habang ginagabayan niya. May kung anong umilaw sa aking utak nang makaisip ng magandang idea. Nakangiti akong tumingin sa kaniya, "May gusto akong puntahan," aniya ko.

Tumaas naman ang malago niyang kilay bago ginulo ang aking buhok, "Anywhere you want, just take me with you." Itinaas nito ang kamay kong hawak niya at dinampian iyon ng mumunting halik.

Tinungo namin ang boutique na pagmamay-ari ng trabahante ko. Maliit lang na boutique ito samantalang branded ang mga gamit at talagang magaganda at mura pa. Since malapit lang ito sa kinaroroonan namin ay nagpasiya kaming maglakad na lang. Salamat naman at wala nang reporters na nakasunod.

"Good afternoon, ano po ang maipagli--- Ma'am Lauryn?!" nanlaki ang mga mata nito nang matanaw ako mula sa pintoan. Tumayo ito at lumabas sa counter upang salubungin kami.

"Kamusta ka na? I heard the news about you but wait... is he?" naputol ang sasabihin nito at napatingin sa lalaking kasama ko.

He is scrutinizing the place while his hands are on his pocket. I tap his shoulder to get his attention, "She's Sizty, one of my employer. Sizty this is Clyde, my boyfriend."

She is ecstatic, "OMG! Totoo ang chismis!" masiglang sambit nito at kinalabit ang braso ko, "Bagay na bagay kayo pwede nang pang-prenup ang pictures niyo sa billboard!" pagpapatuloy nito.

Napapailing na lang ako sa kaniyang inasal. Isa si Sizty sa mga empleyadong pinagkakatiwalaan ko. By shift ang duty nila kaya mayroon siyang time para asikasuhin itong boutique niya. Owner siya ng boutique sa umaga at cashier naman gabi.

"What do you need? If you're looking for weeding dress, I'm afraid I can't offer you that. Pwede kayong pumunta sa mga sikat na shop, may kakilala ako," saad nito na may mapanuksong tingin.

Umiling ako bago ngumiti. Si Clyde naman ay tiningnan ako habang nakataas ang gilid ng labi. Halatang nag-assume ito sa sinabi ni Sizty, "No.. we're looking for a custome," tugon ko sa babae at hindi na nag-aksayang tignan ang reaksiyon ng katabi.

"Babe.. If you're looking for costume I can pay it for you and if you need a weeding dress I can ask the most skilled tailor to make it for you."

Ngumiti na naman ako, "Tangek, hindi pa ako magpapakasal. We're just going to disguise so that the reporter will not recognize us and with that, I can have all your attention," sagot ko sa sinabi nito.

Napasimangot naman ito sa tugon ko, "You always have my full attention, Lau and we don't have to disguise. I can show the world that I'm proud of you and no one could ever stop me from doing that," saad nito. Pagkatapos niyon ay isinilid niya ang kamay sa bulsa.

Hinarap ko siya, "I can't see myself marrying another man. Just let me do this, I want to do this, hmm.. okay?" I utter with a puppy eyes.

He takes a deep breath before nodding, "I love you."

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon