MBFR : 18

194 31 49
                                    

EPISODE 18: PAIN IS A GIFT

Minsan sa buhay natin may mga bagay na gusto natin iwasan. May mga bagay tayong taliwas sa kagustuhan nating mangyari. May mga pagkakataong pilit natin iyon binabaon sa limot pero nabibigo lamang tayo dahil pauli-ulit pa rin itong tumatakbo sa isipan natin. May mga bagay talagang pilitin man natin na huwag maramdaman ay sisiksik at sisiksik pa rin sa utak natin sapagkat naka-ukit na iyon sa ating pagkatao.

Some episodes are not just an episode. The happening in our life is not just the happening. Things have its justification for striving to appear. Things perceive not only to come into vista as mere things. Nevertheless, a connotation on its own, has its essence, and has as much as it has its noteworthy realization.

In this world, we are not foreordained to feel one intensity. We are authorized to be delighted, we are authorized to feel pain, remorses, and remnants. But always remember and never overlook, that no matter how ripping and lamentable the circumstances are, know that it is a gift, too.

It is a gift to have incessant failure, never-ending anxieties, and a monotonous heart vanquishing. In view of that fact, what comes after the rain and sunshine is a rainbow. Meaning, hope to those who dream, an antidote to those off-color and queasy, a salve to those contused souls, and a mucilage to those segmented parts of yourself. Do not fear those flaws, despair, and imperfections because that makes us more beautiful.

Ang paningin ko ay nasa kamay lamang ni Clyde na nakahawak sa kamay ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil kapag ginawa ko iyon ay baka kumawala na naman ang tubig sa aking mata.

Hinawi niya ang buhok kong nakatabon sa mukha ko at siya na mismo ang nag-ayos niyon. Iniwas ko ang tingin at tinanaw ang sitwasyon ng paligid.

Maraming estudyante sa labas, 'yong iba nasa bench at nag-rereview. Halos magmukhang mangkukulam na ang mga ito kaka-memorize ng kani-kanilang reviewers. May mga kumakain din habang nagchi-chikahan ng mga ganap sa buhay nila. May mga uri din ng mga estudyanteng laptop lang ang tanging kasama't kaharap.

"Lauryn..." Pukaw niya sa akin. Hinigpitan niya 'yung hawak niya sa kamay ko dahil pilit ko iyon binabawi. "Saan ka nagpunta kahapon? Bakit hindi mo na 'ko binalikan sa clinic? Pumunta ka ba doon?"

Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya, "Bakit kailangan ko pa bang balikan ka? Napagod din ako Clyde kaya umuwi na lang ako sa bahay, tsaka pinapa-uwi na din ako ni mama." Katwiran ko sa kaniya. Ilang ulit akong napahugot ng hininga dahil parang sinasaksak ako sa tuwing nakikita siya sa gilid ng aking mga mata.

"Eh bakit sabi ng nurse hinabilin mo lang sa kaniya ang gamot? Pumunta ka ba ? Bakit hindi ka man la---"

"Kailangan ko pa bang ipaalam sa iyo lahat Clyde? Kapag pinaalam ko ba sayong pumunta ako roon. May magbabago ba? O may dapat ba akong malaman?" putol ko sa tugon niya, wala din naman kwenta iyon dahil alam ko naman na purong-kasinungalingan lang ang madidinig ko.

Wala na akong nagawa kundi ang salubungin ang mga titig niya. Napakagat ako sa ibabang labi nang nararamdaman namasa ang gilid ng mata ko.

Naging malamlam ang mata niya habang nakatitig sa akin. Parang nakikita ko ang guilt sa kaniyang mukha pero ang tanawing iyon ay hindi nakatulong upang buuin ang basag kong puso.

Ang hirap, ang hirap isipin na ang ekspresyong iyon ay pakitang-tao lamang.

"Wala naman akong dapat malaman, 'di ba? Wala ka naman importanteng sasabihin 'di ba?" tanong ko sa kaniya at iwinaksi ang kamay niyang nakahawak pa rin sa akin, "Kung wala naman, pwede na siguro akong mauna sa 'yo."

Kusang nalaglag ang kamay niya na para bang nawalan iyon ng lakas, "Lauryn pwede---"

Itinaas ko ang kamay ko upang mapigilan siya sa muling sasambitin, "And can you please do me a favor?" pagkatapos kong sabihin iyon ay pinakiramdaman ko muna siya. Nanatili siyang malungkot na nakatitig sa akin habang namamayani ang katahimikan.

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon