EPISODE 36 : OSTENTATIOUS
Napamulat ako ng mata nang makarinig ng ingay galing sa kusina. Tamad akong bumangon at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ko ay itinali ko ang aking buhok at pumunta na sa kusina upang tignan kung ano ang nangyayari.
Kinurap-kurap ko muna ang aking mata para masiguradong tama nga ang aking nakikita, "Shit!" iwinaksi niya ang kamay na napaso, nangangamoy sunog na din ang buong condo. Hindi na ako magtataka kung mamaya may mga fire man na sa labas ng building. Hinipan pa nito ang niluto at nagbabasakaling maging okay ang itsura nito.
Nakapaywang ko lang siyang tiningnan habang hindi niya alam kung ano ang uunahin ang fried rice ba, ang nilulutong omelet, o ang pagkihad ng mga prutas. Bakit ba kasi nag-ala superman ito kung pwede niya naman gawin ang mga 'yon once at a time.
I am on the focal point of what he's doing and notice his posture unpunctually. He is wearing a t-shirt and only an apron engulfs his stomach. I can see his bulky butt from where I am standing. His muscles go wherever his shoulder moves. His hair is a little bit messy making him sexually attractive. I shrug my head to erase the latter thought. Why the hell I am thinking that?
May pag-aalangang hinakbang ko ang aking mga paa patungo rito. Sa paglapit ko ay naramdaman ko na naman ang malakas na pintig ng aking puso. Mas minabuti ko na lang na ituon ang mata sa kaniyang sunog na niluluto imbis na pagnasaan ang katawan niya.
Sumandig ako sa lababo at nagpakawala ng malalim na buntong hininga, "What are you doing?" pukaw ko rito. Hindi lang man ito nagulat dahil na rin siguro napansin nito ang paglapit ko.
Namamawis ang kanyang noo na tumingin sa akin, "Gising ka na pala, malapit na itong maluto," tugon nito kahit na kitang-kita ko ang kulay ng omelet na mas maitim pa sa singit ng kabayo.
Napapailing akong iniwan siya at nagpasyang maglagay na lang ng mga plato sa lamesa. Buti na lang at may extra plate at mug ako dito. Hindi kasi ako mahilig tumanggap ng mga bisita at puro lang kami gala ni Belinda sa kung saan-saan. I think I need to buy some plates when I have time.
Napaangat ang aking paningin nang isalin niya ang omelet sa plato. Tumaas ang kilay ko nang makitang may niluto pa pala siyang ramen, lalo tuloy akong nagutom. Napadako ang paningin ko sa kaniyang dibdib. Agad ko naman na iniwas ito, "Why are you not wearing t-shirt?" masungit na tanong ko.
Napangisi naman siya, "Why? Are you distracted?" may pilyong ngiti ito sa mga labi habang nakatingin sa akin. Mayroon ding maliit na itim sa ibaba ng kaniyang mata. Hindi ba siya nakatulog kagabi?
Napayuko at napaayos ako ng aking upo, "I'm not! Kahit na maghubad ka pa sa harapan ko wala akong paki!" tugon ko sa pangungutiya nito. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at agad na napaiwas ng tingin.
He unties the apron that bounds on his neck. I instantly grab the towel and throw it on his face. He let out a chuckle and continue his vexing tricks.
"Stop it! I am not hiring a macho dancer in my house!" I yells. I stand and strides to my room. I grab some t-shirts and throw it again to him, "Magdamit ka nga!"
"Hindi pa kasi aminin na nadi-distract ka sa ka-machohan ko," patuloy na panunukso nito. Sinuri nito ang ibinigay kong damit at nagusot ang noo nito nang malamang damit ito ng lalaki, "Why did you have men's clothes here?"
Nawala na ang ngisi nito at napalitan ng simangot, "Did you let a man sleep here?" tanong nito ulit. Inirapan ko lang siya at sinubo ang sunog na omelet, nagsalin din ako ng ramen sa maliit na bowl at humigop bago siya sagutin, "Pala-desisyon ka ah, sa kuya ko 'yan naiwan niya lang dito sa condo ko since dito siya nag-stay bago siya bumalik abroad," pagtatama ko sa madumi niyang isip.
BINABASA MO ANG
MY BIG FAT ROMANCE
RomanceNOVEL | TEEN-FICTION | COMPLETED Drowning in the sea of insecurities, Lauryn Austria pitched her confidence after meeting a guy named Clyde Martin Melendez. When she was with him she can feel the serenity in her arduous days and she can be the best...