MBFR : 14

241 50 92
                                    

EPISODE 14 : LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAYS

***PERFORMANCE DAY***

Maaga akong gumising at nag-ayos ng aking mga gamit para mamaya. Buong araw kaming walang klase dahil ngayon na gaganapin ang aming performance sa Performance Task. Kinakabahan ako dahil ilang beses lang akong nag-practice at isa pa hindi talaga ako sanay na kumanta habang maraming nanonood sa'kin. Gayunpaman, wala akong ibang choice kundi ang sumabak sa gyerang ito dahil nasa bingit na ng kamatayan ang aking grades.

Napabuntong hininga na lang ako at depress na tumingin sa kama kong mas makalat pa sa squatter area ng Tondo, Manila!

Nagkalat ang mga bra at panty ko sa ilalim nito, hindi ko alam ang lucky color ko ngayon kaya parang rainbow sila na nakalatag. Mas nalungkot ako nang wala akong mahagilap na plain color. Little mermaid, spongebob, Cinderella, snow white at teka.. Bakit may batman akong panty?!

Napahilamos ako ng sariling kamay, wala na akong oras para isipin kung saan nanggaling ang batman panty na iyon. Napapa-iling akong pinulot ang rainbow styled panty na may smiley sa gitna at isinuot ito.

Suot ang aking plain white long sleeve at black slacks na halos pumutok na dahil sa aking malusog na bilbil ng iharap ko ang sarili sa vanity mirror. Kailangan ko lang ng formal attire kaya white sandal na may hindi masyadong mataas na takong ang pinares ko dito. Sinuklay ko ang hanggang baywang kong buhok. Nais ko sana itong pagupitan dahil ang bigat nito sa ulo at magastos sa shampoo ngunit si mama naman ay ayaw, kasi daw mas maganda tingnan ang babae kapag mahaba ang buhok. Hair is the crown of every woman, ika nga nila.

Bilog din ang pisngi ko kaya mas lalong hindi babagay sa akin ang short hair, nagmumukha lang akong siopao na tinubuan ng mata, bibig at ilong. Nagpulbo lang ako at nag-lip tint, hindi rin ako mahilig sa mga pa-skincare routine na talagang uso ngayon lalo na sa mga ka-edad ko. Safeguard pink lang ay kuntento na ako, sabon ko na iyon sa puwet pati na rin sa mukha.

Pagkatapos kong umayin ang sarili sa repleksiyon ko sa salamin ay sinigurado ko munang wala na akong nakalimutan. Ang hirap kaya magpabalik-balik, sayang rin ang labing-limang pisong pamasahe. Nang makita ko ang cd na gagamitin ko mamaya para sa performance ko ay nag-pasya na akong umalis sa bahay.

Since whole day naman kaming walang pasok ay hindi ko na kailangan magmadali kaya naisipan ko na lang na maglakad kaysa sumakay sa pedicab. Amoy sikat ng araw agad ang hanging bumungad sa akin paglabas ko ng gate. Maaliwalas na ang paligid hindi katulad kahapon. Ang huni ng mga ibon ay parang musika sa aking bista at ang hangin ay tila binayaran sa pagpapagalaw sa hibla ng aking buhok.

Napasingkit ang mata ko nang dumaan ang sinag ng araw na pinipigilan ng mga luntiang dahon mula sa malalaking puno. Parang ang sarap mabuhay kapag ganito ang bubungad sa akin araw-araw. Napangiti ako nang maalala ang nangyari kahapon, hindi ko na bilang kung ilang beses ako nagpagulong-gulong sa kama kagabi dahil sa kilig.

I ascertained what my grandmother told me before she passed away was factual. When we are in love we see things differently.

Dim roads unexpectedly start to indicate us the way, and unlit corners of the chamber eventually get the sunniest flank, allowing us to finally notice the doorway. For the first and last alternative, we desire to dwell in that room with someone beside us. Ultimately, we will concede with ourselves that it's not startling and frustrating to stay on the shady side anymore because we already know that we have a light that shines within us.

It's funny to think that we need someone to make us believe the unbelievable. It's funny to think that we need a motivator to enable us to see the hues in every black and white and it's funny to think that two hearts must beat as one for our center to tickle, for our mouth to breathe, and for our lives to be worth living.

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon