MBFR : 29

205 22 32
                                    



EPISODE 29: THE SERENITY

Isang malawak at maberdeng farm ang sumalubong sa amin. "The Average Farm," basa ko sa mga katagang naka-ukit sa kulay kayumangging kahoy. Matataas na berdeng chinese bamboo ang nagsilbing bakod ng nasabing lugar. Dalawang may edad na lalaki at babae ang bumukas ng bakal na gate. Kumaway naman ang mga ito sa aming mga guro. Tiyak akong kakilala ng mga ito ang may-ari ng Farm.

Halos malaglag ang aking panga nang tuluyang makapasok sa loob ang aming sinsakyang bus. Halos mapuno ang aking paningin ng malawak at nagbe-berdihang paligid. Mga nagtataasang puno na tiyak akong ilang dekada nang namumuhay doon. Mga iba't ibang kulay ng mga rosas na naka-organisa katulad ng bahaghari. Isang lugar na punong-puno ng kapayapaan. Sa oras na inilibot ko ang paningin sa kabuoan nito ay nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob.

Napagitnaan ang malawak na Farm ng mga kumpol-kumpol na bukid. Tila isang dagat-dagatan ito na natuyo sa gitna ng kalikasan. Hindi din malayo ang mga bundok kaya tanaw na tanaw ko ang bawat anggulo nito.

Lumaki ako sa isang siyudad na mga naglalaking gusali ang aking natatanaw araw-araw. Mga maiitim na usok na nagmumula sa jeep ang dumadampi sa aking mukha. Isang siyudad na hindi nawawalan ng basura sa paligid, mga mabaho at puno ng basurang kanal. Mga hangin na hindi ko mawari na oksidyen pa ba o purong polusyon na. Kaya ganoon na lamang ang aking pagkamangha sa ganda na tinataglay ng lugar na ito.

"Ang ganda!" walang humpay sa pagkamangha kong sambit. Hila-hila ang aking suitcase ay pumikit ako upang simsimin ang preskang hangin. Nililipad din nito ang ilang hibla ng aking buhok.

Napamulat na lamang ako nang magsimulang magsalita si Mrs. Santos, "Secure your things and I will be partnering you by four in one tent. After that you gotta put up the tent with yourselves and prepare for lunch."

"Noted Ma'am," sagot naming lahat. Nagsimula nang mag-assign si Mrs. Santos kung sino ang makaka-patner namin. Kung anong ikinaganda ng paligid ay siya rin'g ikinapangit ng aming mga kasama.

Sa kasamaang palad ay magkasama kami nina Emily at Carol, mabuti na lang at kasama ko din Belinda. Kaya magiging patas ang laban. Iniba din ni Mrs. Santos ang babae at lalaki. Nakataas ang kilay ni Emily habang nakatingin sa amin.

We are assembling the tent house but look at her, hindi ako na-inform na kailangan pala ng audience habang nag-se-set up, "Hawakan mo 'to," lahad ko sa kaniya ng isang metal pole. Sa halip na kunin ay tiningnan lang ako nito ng masama, "Did you just ordered me?" halos lumuwa ang mata nito kakatingin sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago ito sagutin,"Malamang hindi naman pwedeng hindi ka tumulong? Ano'ng i-aambag mo? Tayo lang gano'n?"

Inirapan ako nito bago pwersahang kunin ang metal pole, "Doon mo sa kabila e-insert at dito ako," saad ko na siyang nagpalingon muli sa kaniya. Sampok ang kilay nito,"Ano? Gusto mo bang kainin tayo ng ahas at mamatay sa lamig mamayang gabi? Kung ayaw mong tumulong maghanap ka na lang ng indigenous people sa bundok. Total indigenous naman 'yang ugali mo." Utal ko na medyo hininaan ang huling pangungusap.

"Are you mocking me?!" singhal nito sa akin. Nakatiim-bagang na ito habang nakahawak ng mahigpit sa metal pole. Nginisihan ko lang siya at tinalikuran, "Dalian mo na diyan para hindi tayo abutin ng hating-gabi dito," utos ko ulit sa kaniya. Nagdadabog naman nitong inayos ang tent.

Napaigtad ako nang may malakas na nagtapon ng mga kagamitan sa gilid namin. Nakita kong halos maligo na sa pawis si Carol habang bitbit ang tatlong bag at isang suitcase. Nabubura na din make up niya dahil sa sobrang pamamawis. Nakita ko naman sa gilid ng aking mata ang kaibigang si Belinda na pinipigilan ang pagtawa. Napakibot na din ang gilid ng aking labi dahil sa nahahawa ako sa kademonyohan nito.

MY BIG FAT ROMANCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon