EPISODE 31: THE BEGINNING AND THE END
Agad akong pumara ng jeep nang tuluyang makaabot sa sakayan. Mabuti na lang at walang masyadong pasahero ngayon kaya nakasakay ako kaagad. Doon ko na lang siguro hihintayin si Clyde sa tagpuan namin. Once in a life time lang 'to mangyari kaya dapat kong e-enjoy ang bawat sandali. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagmamahal kaya sisiguradohin kong maging masaya hanggang sa kaya ko. Ngayon ko lang naramdaman na kamahal-mahal ako. Wala naman sigurong mali kung pipiliin ko ngayon ang sarili kong kasiyahan.
Pero ang araw na dapat masaya ay naging mas malungkot. Mula alas otso ng umaga hanggang sa alas cinco ng gabi ay walang Clyde na dumating. Hindi ako nakakain sa kahihintay sa kaniya ngunit walang Clyde na dumating. Gusto kong isipin na baka busy lang siya o baka nakalimutan niya ang usapan namin pero hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan.
Maluha-luha kong tiningnan ang palabog na araw. Bakit gano'n? Hindi pa nga kami nagsisimula pero parang matatapos na?
Tumunog ang cellphone ko at isang text ang nabasa ko. Buong araw ko 'tong hinintay pero bakit ngayon lang siya tumawag. Nabuhayan ako ng loob na baka on the way na siya pero mas lalong tinusok ang dibdib ko nang marinig ang boses niya sa kabilang linya, "Sorry Lau. I think I can't make it today. I have to accompany Cathleya. Are you there?"
Cathleya? Sa lahat ng sinabi niya itong pangalan lang ang tumatak sa isip ko. Sino si Cathleya? Hindi ko na napigilang lumuha. Mas mahalaga ba 'yang Cathleya kaysa sa akin?
"Ah, hindi pa nandito pa ako sa bahay, buti naman at tumawag ka," tugon ko sa kaniya habang pilit na iniiwasang mabasag ang tinig. Nakarinig ako ng buntong hininga sa kabilang linya, "Good to know that, I'm sorry." Kagat labi akong napatango na lamang kahit hindi niya ito nakikita. Pinamumukha talaga ng tadhana sa akin na wala akong karapatang piliin ang sarili kong kaligayahan. Binuo niya lang ako para basagin ng pa-ulit-ulit; pinasaya niya lang ako para saktan ng paulit-ulit.
Kusa na lang nagsipatakan ang luha ko. Tatanggapin ko naman na hindi siya makakarating eh pero 'yong marinig na uunahin niya 'yong ibang babae? Ganoon na lang ba ako kahirap piliin? Nawalan na akong ganang umuwi kaya pinili ko na lang na saksihan ang paglubog ng araw; kasabay ng paglubog niyon ay siya rin'g paglubog ng puso ko. Kasabay ng pagtapos ng araw ay siya rin'g pagtapos ng sandaling hindi ko akalaing magwawakas.
Ang akala kong masakit ay mas may ikakasakit pa pala. Ang akala kong pagkawasak ng puso ko ay may mas ikakawasak pa pala. Ang akala kong paglubog ay mas may ikakalubog pa pala. Isang tawag muli ang nagpatigil sa pag-iyak ko. Isang tawag na sana ay isang panaginip lang.
"A-anak... Lauryn," narinig kong umiiyak si mama sa kabilang linya. Bakas sa tinig nito ang halos hindi makapagsalita. Bigla akong natigilan, bigla akong napasandig sa bakal habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin, "A-anak.. S-Si P-Papa mo," doon na ako nagsimulang manginig.
Sana lang ay taliwas lang ito sa aking iniisip, "B-Bakit ma? A-anong n-nangyari kay P-Papa?" hindi ko na napigilan ang pagkabasag ng boses ko at ang aking narinig ay siyang tuluyan na nagpahina ng tuhod ko, "W-wala na si P-Papa mo, a-anak.. W-wala na si Papa m-mo," pagkatapos niyang sambitin iyon ay parang hinihugot ang aking hininga. Pakiramdam ko pinipiga ng malakas ang puso ko.
Napailing ako, "H-Hindi.. H-Hindi p-pwede, p-panaginip lang ito," sinampal ko ang mismong pisngi pero muli akong napahagulhol nang marinig ang malakas na pag-iyak ni mama sa kabilang linya. Pagkaputol ng tawag ni mama ay saka din ako nakatanggap ng text galing sa kaniya. Address ito ng hospital kung nasaan ngayon si papa.
Wala akong sinayang na oras at agad na pumara ng jeep. Kahit na nakasakay na ko sa jeep ay hindi ko mapigilan ang aking paghikbi. Parang kalian lang ang lakas-lakas pa niya. Bakit nangyari 'yon? Bakit biglang nangyari iyon? Ayokong maniwala, sana lang ay panaginip lang ang lahat ng ito.

BINABASA MO ANG
MY BIG FAT ROMANCE
RomanceNOVEL | TEEN-FICTION | COMPLETED Drowning in the sea of insecurities, Lauryn Austria pitched her confidence after meeting a guy named Clyde Martin Melendez. When she was with him she can feel the serenity in her arduous days and she can be the best...