EPISODE 25 : TRUTH AND FORGIVENESS
"Hindi ko alam, maybe he was trying to make it up to you. I mean for all the wrong he did, but I know he is not doing it just for one reason, he has a much deeper reason at tanging si Clyde lang ang makakasagot no'n, " saad nito habang ang tingin ay nasa malayo. "Now it's time for the condition. Pwede bang huwag mo munang ipaalam sa kaniya na alam mo na ang rason kung bakit ka nakabalik sa unibersidad?" Pakiusap nito bago tumingin sa akin.
"Naguguluhan ako, Bel. I can't believe that he did that for me. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko, hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kaniya pagkatapos ng nalaman ko,"
Tinapik nito ang aking balikat," Let the river flows, hayaan mo lang kung saan ka tangayin ng tubig. Ang importante kasama na kita. May midterm exam pa tayo, focus muna tayo doon pagkatapos nito hahayaan na kitang kausapin siya. Let's figure things out, together,"
Medyo tumila na ang ulan at dumating na din ang sundo ni Belinda, naiwan akong mag-isa na nag-aabang ng jeep. Sadyang mapaglaro talaga ang langit nang bumuhos na naman ang ulan. Napairap ako nang malaglag ang aking notebook. Buti na lang talaga ay may plastic cover ito. Akmang kukunin ko na sana ngunit naunahan ako ng isang kamay na kumuha roon.
"Seems like the rain won't stop from falling. I think you need this, " binuklat nito ang payong, kasabay nang pagbuklat nito ay ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Nakatingin lang ako sa kaniyang mukha, ang buhok nito ay basa dulot ng maulang panahon. Nothing has changed, his eyes are stunning as always. I inverted my sight to avoid his gaze.
Nataranta ako kaya agad kong pinara ang jeep na paparating,"Mauna na ako, s-salamat nga pala ulit kanina, "
Tumalikod na ako sa kaniya ngunit katulad ng dati niyang ginagawa ay tinawag niya ang pangalan ko," Lauryn" saad niya kaya nilingon ko siya.
"It's good to see you back. I'm happy, really."
Biglang gusto ko siya yakapin ng mahigpit. Gusto kong itanong sa kaniya kung bakit. Simula noong narinig ko ang pag-uusap nila ay hindi ko na siya binigyan ng panahon para e-explain ang sarili niya. Naging bingi ako sa sakit at sa paliwanag niya. Ngunit dahil sa naguguluhan ako sa pinapakita niya ay tanging tango lang ang itinugon ko sa kaniya. Kakausapin ko siya ngunit hindi pa ito ang tamang panahon.
I need to focus on studying for our midterm exam. I will set my priority first and when it's already time, I hope it won't be too late.
Ayokong pumalpak na naman this time, ayokong sayangin ang chance, ayokong mawala lang na parang bula ang lahat ng bagay na inaasam ko. To be able to fix things, I must fix myself first.
In the approaching days, I am able to make myself busy to avoid thinking of him. I spend my time studying again and again.
"Hay sa wakas! Pwede na akong lumandi!" Sigaw ni Belinda matapos ipasa ang answer sheet at makabalik sa puwesto namin. Natawa naman ako sa inasal nito, "Sure ka ba? Baka manginig ka naman kung makita mo 'yong black eye guy mo,"
Sinamaan niya ako ng tingin, "Hilig mo talagang manira ng mood ano?"
Nagkibit-balikat ako, "Maybe? Pero teka 'yong kilay mo hindi pantay"
Dali-dali naman nitong kinuha ang salamin, "Ginaya ko lang kasi ito sa tutorial, gusto ko 'yong pagkakagawa ng kilay mo," aniya bago ngumuso.
BINABASA MO ANG
MY BIG FAT ROMANCE
RomanceNOVEL | TEEN-FICTION | COMPLETED Drowning in the sea of insecurities, Lauryn Austria pitched her confidence after meeting a guy named Clyde Martin Melendez. When she was with him she can feel the serenity in her arduous days and she can be the best...