Nakakabagot pag walang game. Hindi ko man nagawang tapusin ang laro nung Game 2, nagchampion pa rin kami. Magagaling talaga mga teammates ko. Nakakamiss na tuloy maglaro. Pero mas mabuti na rin muna ang ganito ng tuluyan akong makalimot.
“O tara na.” sigaw ni aly. Nakasakay sa sasakyan nya na ipinark sa harapan ko. Si aly na ang best buddy ko ngayon. “Iba pala pupuntahan natin ngayon.” Sabi nito ng makaupo ako sa tabi nya.
“Iba? E kala ko ba manonood tayo ng sine? “ agad na tanong ko.
“Saka nalang yun. Me importante tayong dapat asikasuhin bago mahuli ang lahat.” Sagot nito
“Mahuli saan?” sabi ko
“Basta.” Sabi nito sabay pinaandar ang sasakyan.
Di ko maisip kung saan ba itong pinagdalhan sa kin ni aly. Isang private venue at parang me nagaganap na kasiyahan sa loob.
“Aatend ba tayo ng party? Ganitong suot natin?” daing ko. Pareho kasi kaming naka tshirt at short lang.
“Ok lang yun. Mukhang di pa tayo late.” Sabi nito pagkalabas ng sasakyan. Dali daling naglakad si aly patungo sa entrance.
“Teka nga.” Sabi ko habang nakasunod sa kanya. “Ano bang gagawin natin dito?”
“Jovs makinig ka.” Sabi ni aly na pilit akong pinaharap sa kanya. “Huling pagkakataon mo na ito. Wag mo na sanang pakawalan pa. Alam ko masama loob mo sa kanya dahil naudlot sana yung pag iibigan nyo. Pero mahal ka nya.” Paliwanag nito.
“Ano bang sinasabi mo?”
“Si ate chel. Alam kong mahal mo siya Jovs at mahal ka din nya. Kaso hindi lang nagkatugma ang mga nangyari.”
Bigla akong natigilan sa mga narinig ko. Pilit kong ibinaon na sa limot kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya.
“Baliw ka ba? Hindi ako mahal ni ate chel. Syota nga nya si Chris. Ni wala nga siyang pakialam sa akin at ni hindi nga nya ako nagawang dalawin sa hospital. Lagi nyang tinatangi ang nararamdaman niya dahil wala talaga siyang nararamdaman.” Daing ko
“Hindi totoo yan. Ayaw ko sanang sabihin ito kaso nakiusap kasi siya na ilihim ko sa yo. Gabi gabi ka nyang pinupuntahan sa hospital. Ayaw nga lang nya na puntahan ka pag gising ka. Nakita ko mismo Jovs.” Paliwanag nito.
“Wala na tayong oras. Saka ko na ipaliliwanag yung iba. Magpropropose si Chris sa kanya ngayon. At bago pa mangyari yon, pigilan mo na.” dugtong nito.
Biglang me nagsidatingan na magagarang sasakyan. Sakay nito si Chris kasama mga kaibigan nya. Marami silang dalang bulaklak at balloons.
“Malamang nasa loob na si ate chel kasi dito ang photoshoot nya para sa metro magazine. Tara na.” sabi ni aly sabay hatak sa braso ko. Sa kabilang pintuan kami dumaan para di kami makita ni Chris na pumasok sa loob. Dali dali naming nilibot ang mga kwarto hangang sa matagpuan namin kung saan ang photoshoot ni ate chel.
“Jovs, Itaya mo ng lakas mo pag me pagkakataon. Malamang patapos na to.” Bulong ni aly. Hatak hatak pa rin nya ako sa braso hangang sa makalapit na kami sa kinaroroonan ni ate chel.
“Last one.” Sigaw ng photographer. “Okay. Perfect. Thank you Chel.” Dugtong nito
Nakangiting nilapitan ni ate chel ang photographer at tiningnan ang mga kuha nito. Saglit lang ay bigla siyang napatingin sa kinatatayuan namin. Halata sa mukha nya ang pagkagulat. Halos isang lingo din kaming hindi nagkita.
“Jovs ito na” sabi ni aly sabay tulak sa akin para makalapit ako ke ate chel. Mga sampung hakbang pa ang dapat kong lakarin ng biglang….
“Hi babe” si Chris ang agad na nakalapit sa kanya at me dalang bulaklak.
Natigilan si ate chel na napatingin ke Chris. Nasa likuran ni Chris ang mga kaibigan nya at me kanya kanyang dalang bulaklak at balloons.
“Chel, me gusto sana akong sabihin.” Sabi ni Chris. “Alam kong hindi pa tayo matagal na magkasama pero sobrang minahal na kita….Chel….” sabi nito biglang luhod.”Chel, will you marry me?”
Halos hindi magkamayaw na nagsigawan ang mga nakarinig sa sinabi ni Chris. Lahat sila ay nakangiting nag aabang sa kung ano ang sasabihin ni ate chel.
“Say yes…Say yes…” sabi ng karamihan na naghihiyawan.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nasaksihan ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at di ko mawari kung anong gagawin ko. Gusto kong lumapit at hatakin palayo si ate chel. Kaso parang napakabigat ng dinadala ko at di ko magawang humakbang palapit. Ano bang gagawin ko? Hahayaan ko nalang ba at tuluyan ng magparaya?
