Chel's pov
"Jovs, ano ba? Di ka ba nag iisip? Diskartehan mo ang tira mo." sigaw ni coach. "magpasub ka nga lang muna." dagdag ni coach.
Buong 4th set nakaupo si jovs sa bench. Di na siya pinabalik ni coach dahil sa bagsak ang katawan at walang focus ito. Dinaramdam pa rin ba nya?
Flashback<<<<
Isang oras bago magsimula ang game, umupo sa tabi ko si Jovs.
"Te chel, uhm... Ah kasi me... tatanong kasi sana ako" nahihiyang sabi nito.
"Eto naman, parang others. Ano ba un?" ngiti ko.
Eto na yun. Aayain nya kong magdate mamya para makabawi sa pag dedeadma nya sa akin. Ni wala siyang nababangit tungkol sa ngyari nung gabi. Dali, sabihin mo na kung ayaw mong mabatukan.
"ate, kasi..."mahinang sagot nito.
"Jovs, iyo ata ito o?" singit ni Jesse sabay abot ng brown shorts na pagkarumi. "naiwan mo sa kotse ko. 2 weeks na ata to."
"ito? Bakit ang dumi? Sigurado ka bang akin to?" daing ni Jovs.
"alangan naman akin. Oo, iyo yan. Yan yung suot mo ng nadulas ka kamo. Teka...yung short ko pala na hiniram mo? Balik mo yun ha." mariing bilin nito.
"Ha, nadulas saan?" agad na tanong ni jovs.
"Di ba nagpasundo ka pa nga sa kin, sa me clinic sa da fort. Naku jovs, 2 weeks pa lang yun. Dapat pala tumuloy na tayo sa hospital nun para ma ct scan ka." pag alalang sagot ni Jesse.
"Hindi, okey lang ako" bulalas ni jovs. Napanatag naman si Jesse kaya nagpaalam muna ito at me aayusin pa siya.
Tahimik lang na nakaupo si jovs habang dahan dahang tinitingnan ang maruming shorts na hawak nito.
"Jovs, ok ka lang ba talaga?" tanong ko. Di ko maiwasang hindi mag alala kung ano ba talaga ang ngyari sa kanya. Di parin maipinta sa mukha nyang gulong gulo pa rin sa mga sinabi ni Jesse. Gusto ko sana siyang yakapin para kahit konti maibsan kung ano man ang nararamdaman niya.
Wala pa rin itong imik na kinakapa ang mga bulsa ng shorts nya. At me nadukot siyang kapirasong papel. Inayos nya ito para di mapunit at saka binasa. "I had a wonderful night. But we need to talk. Dinner later. RAD."
