Chel's pov
Dahan dahan akong bumangon para di ko magambala ang mahimbing nyang pagtulog. Tama ba tong pinasok ko? Parang ang bilis ng pangyayari kagabi ni hindi ko man lang nagawang pigilan. Ano na pagkatapos nito? Kami na ba? Pano si chris?
Dali dali akong nagbihis at maagap na umalis sa unit ko. Di ko na siya ginising. Ayaw ko munang magkausap kami kahit ayaw ko na sana siyang pakawalan pa. Nag iwan nalang ako ng sulat sa kapirasong papel.
Isang lingo rin ang lumipas na hindi kami nagkikita. Matapos ang SVL elimination round ay nabigyan kami ng 1 week break bago simulan ulit ang training para sa next round. No call or text ang drama ko. Di naman din siya nagtext. Malamang wala lang yun sa kanya. Tama na ang kabaliwan. Erase erase!
"Te chel, sorry late ako dahil dito. Tama ba fruits n nuts? Buti nalang me convenience store sa gasoline station", bati ni aly as usual laging late at galing pa daw school.
"Aba, me suhol para di kita masabunutan ano at late ka na naman", sigaw ko. "Buti alam mo kung ano gusto ko".
"Eh syempre, madalas kang bilhan ni jovs nyan e", mabilis na sagot nito.
Teka, teka si Jovs ba ang tinutukoy nya? E wala namang binibigay sa kin yung babaeng yun eh. "Hindi si Jovs, si Chris ang nagbibigay sa akin ng cadbury no!" pagtangi ko.
"Ewan ko sa yo. Basta kasama ko si Jovs, twice ko nakita na bumili siya nyan para sa yo. Sabi pa nya bumabait ka daw at di nagtataray pag nakakain ka nyan", depensa ni aly.
"Ahh, kaya pala binilhan mo ako ano!", sambit ko.
Panong si Jovs? Ang alam ko lahat ng inaabot ni Jovs e galing ke chris dahil pumayag naman siyang maging bridge nito. Di naman din siya umiimik. Kaloka, ano ano pa kaya ang mga binigay nya na di ko nabigyang pansin?
"Carrot muffin lang ang maalala kong bigay ni Jovs ano" mariing sagot ko.
"Yuck, di ko type yun" sabi ni aly.
"Ano ka, masarap yun. Sa umpisa, di ko rin type pero masarap pala siya" dagdag ko.
Sabi pa nga ni Jovs para daw akong carrot muffin "humahalimuyak at di nakakasawa". KALOKA! Bakit namimiss na kita?