Part 28

1.2K 34 0
                                        

2 months later......

"Jovs!" sigaw ng lalaki sa di kalayuan. "Ang galing mo talaga! Best player ka pa nyan" bati nito at bigla akong niyakap ng mahigpit bago pa ako makalayo sa reporter na nag interview sa akin.

"Haiz. Magtigil ka nga dyan, Chris." sagot ko at biglang tulak sa kanya. "Baka sabihin ng mga fans mo e jowa mo ako."

Nagkataon na nanalo kami sa first game para sa SVL season 12. At sa unang pagkakataon, ngayon lang nanuod si Chris na ako ang chinicheer.

"Ano ka ba? E ano naman ngayon" biro nito. "By the way, a friend wants to meet you." dugtong nito at biglang kinawayan ang lalaking mukhang kanina pa ng aantay na tawagin siya ni Chris.

"This is Marck." pakilala ni Chris."For sure kilala mo name nya?"

"Hi Jovs. Nice to meet you, finally. Buti nalang nakatabi ko si Chris na kaibigan mo pala." bati nito. "Sobrang pinahanga mo ako kanina. At sobrang ganda mo pala ng malapitan" dugtong nito.

"Hehe. Maliit na bagay." saad ko sabay siko ke Chris.

"Jovs baka you're free tonight. You might want to go out with me. Dinner?" agad na singit nito.

Agad agad. Date agad? Haiz gusto ko tuloy sapakin si Chris na nakangiti lang sa tabi ko.

"Ah...E next time nalang siguro. Kasi me lakad ako. Pacencya na." tangi ko.

"Okey. Then, I'll expect next time di ka na tatangi ha. " biro nito.

"Ah...oo naman...Eh pano next time...sige" sagot ko at biglang baling ke Chris "Chris tara anjan KC anak ni sha at imeet ka...daw." nauutal na sabi ko para makasibat na. "Sige bye"

At bigla ko ng hinatak si Chris papunta sa locker room.

"Hahaha para ka namang sira at lumayo agad. Bait kaya nun" biro nito.

"Nagbibiro ka ba? O nananadya ka" galit kong tanong sa kanya.

"Jovs naman. Syempre hindi.... Gusto ko lang kasing makabawi at baka lang...kasi ayaw mo namang balikan si chel. Naguguilty lang kasi ako ang dahilan kung bakit ka nakipag break sa kanya." paliwanag nito.

"Makailambeses ko ba dapat sabihin sayo na hindi ikaw ang dahilan. Hindi na talaga kami magkasundo. Tapos. Okey. Move on na tayo, pwede ba?" Saad ko.

"Oo na. Move on..... Gusto ko lang na maging..."

"Maging masaya?" singit ko. "Masaya naman ako. Lalo na ngayon na tangap na ako ng Mommy mo. Na kayo kasama ko na pamilya ko." dugtong ko. "At pwede ba tama ng drama ha. Ang corny mo" ngiti ko.

"Ikaw talaga. Sarap mong sapakin. Minsan na nga lang ako maglambing." ngiti nito at bigla akong inakbayan at hinatid ako sa locker room.

Bigla nalang kami natigilan ng makasalubong namin sila ate chel palabas ng locker room. Kasama nya si Abby at Peter Torres na nakaakbay sa kanya.

Parang eksena lang sa pelikula, nagkatinginan, konting ngiti at tango , tapos move along. Ganon lang.

Nang makalayo na sila biglang napakamot si Chris. "Sila na ba?"

"Oo. Last month pa ata." sagot ko.

"Eh MAs hamak na gwapo pa ako dun ah?" angas nito sabay baling sa kin. "Yun...yun lang ba ang pinagpalit sa atin? Yun na yun? I can't believe it!" bulalas nito.

Natawa nalang ako sa reaksyon ni Chris, "Wag ka...heartthrob yun."

"Heartthrob?...E mas sikat naman ako!" pagmamayabang nito. "Ouch...ang sakit oh...yun lang!...Shettt!...Ikaw papayag ka ba ha?..Di ba masakit?" tanong nito.

Ano ngayon? Wala na akong nararamdaman pa.....

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon