Kung ganito ba araw araw, sa oras na imulat ko ang mga mata ko sa umaga e ikaw agad ang masisilayan ko. Ayaw ko ng matapos ang araw na ito. Kung panaginip man ito, ayaw ko ng magising pa. Kahit buong araw kita titigan, okey lang. Kahit ganito lang, basta kayakap ka buong araw. Wala na akong hihilingin pa.
“Hmmm, gising ka napala?” sabi nya sabay yakap. Pilit nyang siniksik ang ulo nya sa leeg ko. Ang bango talaga nya. Parang ayaw ko na siyang pakawalan sa mga bisig ko. Dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa mukha nya para mahalikan ang kakaakit nyang labi. Tumugon naman siya sa halik ko at mariing idiniin pa nya ito sa labi ko. Hangang sa inaangat nya ang ulo nya sabay sabi. “Pwede bang di na tayo umalis?”
“Hmmm, okey lang” bulong ko sabay haplos sa maganda nyang mukha. Halos di ko maisip kung pano kami nakaabot sa ganitong sitwasyon. Na ngaun halos ayaw na naming maghiwalay pa. Kung pwede lang talaga magkulong sa kwarto, mas masaya sana.
<<<<<<<<<REWIND<<<<<<<<
Pareho kaming natigilan. At sa buong byahe patungo sa condo nya, ni walang umimik sa aming dalawa. Hangang sa pinark nya na ang sasakyan.
“Ate, wala yun ha. Hindi yun ang ibig kong sabihin” sabi ko habang pababa ng sasakyan. Ano ba dapat kong sabihin? Kelangan kong bawiin lahat ng sinabi ko. “Ano nga pala ipapadeliver natin? Gusto mo ako ng tatawag?” dugtong ko.
“Yellow cab nalang” sagot nito habang patuloy lang sa paglalakad patungo sa main lobby.
Wala lang ba talaga yun sa kanya? Ayaw kong mgbago ang pagkakaibigan namin dahil lang sa mga nasabi ko. Haiz me and my big mouth talaga.
Hangang sa makasakay kami ng elevator, wala pa ring imik si ate chel. Kaya sinimulan ko nalang mgbiro, ”Lam mo kanina, di mo nakita si tin na halos mabalian kanina sa pagdive sa bola e muntik pa cyang tumama sa bench. E nagkataon na andun sila coach. Para ngang bowling ang eksena at napatumba lahat ng pins. Heheheh”
Napangiti lang ito pero wala pa ring sinasabi. Patuloy lang siya sa paglalakad hangang makarating na kami sa unit nya. Pagkabukas ng pinto, dirediretso naman siyang pumasok sa bathroom ng kwarto nya. Naiwan akong parang tangang walang makausap. Halos ilang minuto na ang lumipas, di pa rin sya lumalabas.
Ng bigla nalang bumukas ang pinto “Hay salamat. Cencya ha, sakit kasi ng tyan ko, di ko kayang pigilan e.” ngiti nito. “Nakatawag ka na sa yellow cab?” dugtong nya.
Buti nalang maagap ako at nabawi ang lahat. Parang wala lang ngyari at balik lang sa masayang kwentuhan ngayong gabi. Sana ganito lang lagi, yung walang pag aalinlangan, na manatili kaming magkaibigan kahit ano pang mangyari. Hindi naman nya dapat malaman kung ano man ang nararamdaman ko. Mas mahalaga sa akin ngaun ay ang pagkakaibigan namin, kahit minsan masakit ay kaya kong tiisin.
“Jovs paabot nga ng suklay. Anjan ata sa side table” sambit nito habang dahan dahan nyang inaayos ang suot nyang robe. Katatapos lang nya maligo at ako naman ang susunod.
“Ate chel, hiram naman extra shirt, naiwan ko sa locker ung pampalit ko.” Sigaw ko mula sa shower. Maagap naman nya akong hinanapan ng damit at dinala sa loob ng bathroom. Tanging ang shower curtain lang ang pagitan namin.
Pagkahakbang ko palabas ng shower ay siya namang inabot ang tshirt na dala nya. Halos nagkatitigan na naman kaming dalawa. Nakatapis lang ako ng towel kaya dali kong hinablot ang tshirt at isinuot.
“Thanks, ate” sambit ko.
Chel’s pov
“Thanks, ate” sambit nito.
Bigla nalang akong tumalikod at nagmadaling lumabas ng bathroom. Ano bang nangyayari? Nakainom ba ako? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Nakailang kape ba ako sa araw na ito? Ano ba tong nararamdaman ko? Kanina pa to ha. Buti nga nagawa ko siyang linlangin kanina at napaniwala siyang masakit ang tyan ko kaya sa CR ang diretso ko. Pero kung tutuusin, kanina ko pa talaga di mawari kung ano ba ang dapat kong sabihin. Mukha wala naman siyang ibig sabihin at okey na naman kami. Sus Chel. Gumising ka nga! Kape nga siguro ang kelangan ko. Dali dali akong nagtungo sa kusina at inayos ang coffee maker.
Hmmm. Sarap ng kape. Sana magawa nitong pakalmahin ang nararamdaman ko kung ano man to.
“Ate, anjan ka lang pala” sabi ni jovs na ikanagulat ko na nasa likuran ko na pala. “Pahiram ng suklay. Ayan oh nasa buhok mo” dugtong nito. Ng bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit siya sa akin para kunin ang suklay. Halos magkalapit ang mga mukha namin ng dahan dahan nyang inalis ang suklay. Halos maramdaman ko kung gaano nya iningatan ang buhok ko sa pagkakabuhol nito sa suklay. Di ko naman maiwasang mapatitig na naman sa kanya. Ano bang meron siya at napapamangha ako pag napapatingin ako sa mga mata nya. Na kung nakakatunaw lang ang pagtitig, e kanina pa ako natunaw.
Ng maialis na nya ang suklay, bigla nalang siyang natigilan at napatingin sa akin. Ano bang iniisip nya? Pareho ba kami ng iniisip? Bakit parang nag init ata buong mukha ko ng maramdaman kong hinawakan nya ang kanang kamay ko at dahan dahan itong inilapit sa labi nya habang nakatitig pa rin sa kin. Para ata akong hihimatayin.