Part 35

1.5K 41 3
                                    

Chel’s Pov

Sobrang pagod pa rin ang katawan ko. Tatlong araw na photoshoot at ngayon naman practice. Okey lang naman sana kaso parang me kulang. Asan na ba siya?

“Ate Chel!” sigaw ni Aly na palapit sa akin. “Buti nakaabot ako. Kanina pa ba kayo?” dugtong nito.

“Kanina pa at kelan ka naman dumating ng maaga ha?” agad na sagot ko.

“Taray naman nito….Asan nga pala si Jovs?” tanong nito.

 “E malay ko…Ako ba ang Lost and Found dito?” angas ko.

“Grabe…ganyan ka na ba talaga?...Nagkaayos na ba kayo ha?..Nag eeffort naman yung tao na magkaayos kayo ah.” Sabi nito.

“Nagkatext lang…Nag sorry naman sya.” Tangi kong nasabi. Alam ko naman na pilit inaayos ni Jovs ang pagkakaibigan namin. Pero di ko maiwasan mainis dahil ilang araw ko na siyang di nakikita.

“Hi Wensh” dinig kong bati ni Tin sa di kalayuan. Si Wensh nga at kasama…kasama si Jovs?

“Uy Hi!” ngiti nito. “Hi ate chel…..Aly ikaw pala yan” sabi nito ng palapit sa amin. At talagang nakahawak pa ke Jovs.

“Hi Wensh!” bulalas ni aly at nilapitan ito para batiin. “Uy san kayo galing at magkasama kayo ha.” Dugtong nito.

“Galing ako sa bahay nila.” Sagot nito. “Naisipan kong sumama dito kasi sabi naman ni Jovs pwede naman ako makipractice dito habang di pa nagsisimula training namin para sa PSL. Ikaw? Dito ka rin ba nagtratraining?” baling nya ke aly.

“Oo…madalas ako dito pag wala akong pasok” saad ni Aly.

“Talaga? So okey lang pala kahit madalas….para madalas ko rin makasama si Jovs.” Ngiti nito.

Ano daw???? Para madalas nyang makasama si Jovs??? Baket?

“Syempre naman. Ok lang yun dito.” Ngiting ngiting sabi ni Jovs.

“E di ba kelangan alam muna yan ni Coach bago ka magpapasok ng kung SINO LANG?” sabat ko. Sarap mong saksakin….

“Itinawag ko na yan ke Coach kanina…Ok na daw.” Sabi nito at tila mapupunit na ang labi nito sa kangingiti kanina pa.

“Ah ganon ba?” sabi ko. “Wensh, di ba pinsan mo si Chris?... E di magpinsan din kayo ni Jovs?” sabi ko na bigla ko nalang naisip itanong yun.

“Magpinsan kami ni Chris sa mother side.. Magpinsan ang daddy ko at mommy ni Chris..Pero Tiu ang ginamit ko na surname ni Mommy…Kasi pwede naman yun sa Chinese...Ang gulo no…So hindi kami magpinsan ni Jovs.” Paliwanag nito.

“Magpinsan pa rin kayo ni Jovs…kasi…”diin ko ng bigla nalang akong inawat ni Jovs.

“Hindi nga kami magpinsan, Ate Chel” singit nito. “Minsan nga naisip ko na sana hindi nalang sya Tiu” Baling nito sa akin na parang naiinis na.

“Bakit naman?” agad na tanong ni Aly.

Bigla nalang itong napangiti sabay baling ke Wensh. “ Para….I can call you mine.” Dugtong nito.

“Ikaw ha…” ngiti ni Wensh na halatang kinikilig. PWE!

“Nawala ako dun ah…Hahahaha” biglang tawa ni Aly na napatingin sa akin.

“Jovs…di ba sabi mo papahiramin mo ako ng knee pads.” Sabi nito sabay hawak ke Jovs.

“Ay…Oo nga pala…Tara…” sabi nito at sumenyas nalang na kukunin nila sa locker room ang knee pads.

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon