Kailangan ko bang gawin ito? Advise kasi ni Doc na magpatingin na ako sa psychiatrist. Wala naman kasi siyang makitang problema sa lab results at MRI ko.
“Good Morning Jovs.” Bati sa kin ng psychiatrist habang umupo sa harapan ko. “Nakita ko na lahat ng results ng tests mo at naiforward na rin sa akin ang recommendation ng doctor mo. Gusto ko lang malaman kung me pinagdadaanan ka bang malaking problema? Hindi kasi biro yung dalawang beses ka ng nakakalimot. Pero wala namang masama doon. Talaga lang minsan nangyayari na makalimot ang isang tao lalo na pag me mabigat siyang pinagdaraanan”. Paliwanag nito.
“Uhhhm..wala po akong maisip doc” tangi ko
“Alam kong naiilang ka na magsabi. Ang ibig kong sabihin e kahit ano pa man ang pinagdaraanan mo. Kung related man ito sa work o sa personal relationship. Mabuti na malaman natin ang root cause ng pinagdaraanan mo. Minsan kasi, we repress our true emotions and we end up hurting ourselves. It’s okey to cry and let all your negative emotions out. Pag nakakaranas tayo ng lungkot sa naranasan natin, we denied it and making comments na “Okey lang tayo.” It’s okey to have a positive mindset but we end up repressing our emotions. Umiyak ka kung naiiyak ka. And from there, strive to look on the bright side to help you reduce stress.”
“Pano kasi doc….Me nararamdaman po kasi ako sa kaibigan ko pero alam ko naman na wala akong pag asa dahil meron siyang iba at itinangi naman nya kung anong nararamdaman nya sa akin. Tinanggap ko na hindi kami magkakatuluyan…Pero parang ang hirap kasi pati pagkakaibigan namin ay…parang naaapektohan na. Parang…yun ata ….yun yung hindi ko kaya…Kaso doc nagseselos pa rin ako..Sobrang sakit na pero hindi….hindi ko kayang mawala siya.” Hikbi kong pinaliwanag sa kanya.
“So malinaw na sayo na me mahal siyang iba. Start from there. Masakit pero wala ka ng magagawa pa. Mas makakatulong din kung mag uusap kayo ng kaibigan mo. Dahil alam kong pati siya ay nahihirapan sa sitwasyon nyo. Bigyan mo ng pagkakataon na makapag usap kayo. Kung tunay nga kayong magkaibigan, dapat pareho nyong nauunawaan ang isa’t isa. Pareho kasi kayong natatakot sa pwedeng mangyari. Hurtful feelings are going to linger and that’s okay. You just have to acknowledge and accept that. Nakakapanghinayang ang pagkakaibigan nyo. But you have to accept na hindi ikaw ang pinili nya. Just let it go and move on.”
“Sige po doc, susubukan ko” sabi ko. Maya maya pa at nagpaalam na rin ako.
Let go and move on. Tama siya. Baka nga nasasaktan na rin si ate chel sa mga nangyayari. Nakakamiss na tuloy yung mga biruan at tawanan namin. Napakaselosa ko kasi..E wala naman akong karapatang magselos.
Patuloy lang ako sa paglalakad patungo sa Quarters namin ng madaanan kong bukas ang pinto ng room ni M9. Baka anjan si M9 at makasama nalang sa kanya tutal sabado naman. Dali dali akong nagtungo sa kwarto na ibang tao ang nadatnan ko
“Aaah…ate chel…ikaw pala..”nagulat ako ng makita sya.
“Hi…hi jovs. Dumaan lang ako dahil nakalimutan ko yung powerbank ko sa cabinet.” Sabi nya. Lumingon lang sya ng sandali at nagmadali na nyang inayos ang gamit nya.
“O pano, alis muna ako at me pupuntahan pa kasi ako.” Ngiti ni ate chel pero tila umiiwas ng tingin sa akin.
“Ate chel.” Sabi ko. Pero patuloy lang siya patungo sa pintuan.
“Sige una na ako” agad na sinabi ni ate chel pero hinawakan ko na siya sa braso para pigilan siyang makalabas.
“Ate chel saglit lang….pwede bang mag usap lang tayo?” agad na tanong ko na lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nya.
“Jovs…wala na tayong dapat pag usapan..Okey..Teka lang..nasasaktan ako.” Daing nito at pilit kumawala sa pagkakahawak ko.
“Nakakainis ka na….”sagot ko.”Mag usap tayo sa ayaw mo o sa gusto mo. Ate naman!” sigaw ko. Hindi ko na napigilan maluha pagkasabi ko nun. At sabay kong isinara ang pinto at nilock ito.
