Part 10

1.6K 35 0
                                    

Chel’s pov

Thirty minutes na akong nakaupo dito sa labas ng clinic. Hinihintay kong matapos ang check up ni Jovs. Sana wala namang masamang idinulot ang pagkadulas nya dalawang lingo na ang nakalipas.

“Ate chel, ok na” bungad ni Jovs pagkalabas niya ng pinto.

Kasunod nyang lumabas ang doctor. “Maganda naman ang resulta ng test nya. Wala naman itong napinsala sa brain. Kaso nangyayari lang talaga na minsan nagkakamemory loss ang isang tao lalo na pag malakas ang pag kakaumpog nito. Her memory may gradually improve over time. No need to worry.” Paliwanag ng doctor.

Matapos makuha ni Jovs ang prescription, lumabas na rin kami patungong parking lot.

“Siguradong okey ka na ba?” tanong ko. “Sundin mo ang sinabi ng doctor na kelangan mo ng at least 1 week rest.” Bilin ko. Hindi ko maiwasang di mag alala lalo na’t me katigasan din kasi ang ulo ni Jovs.

“Opo.” Ngiti nito. “E ano naman ang gagawin ko sa loob ng 1 week? Habang kayo nagtratraining. Pwede naman akong manood ng training nyo di ba? Pwede naman akong sumali kahit 30 minutes practice lang. O kaya pwede rin naman akong sub kahit isang set lang.” dagdag nito

“Hay naku Jovs! Sige gawin mo lahat yang sinasabi mo kung di ka makatikim sa akin!” sigaw ko sabay duro sa kanya.

“Haiz, ano ba? Aber, anong gagawin mo ha?” biro nito sabay pilit na nilalapit ang mukha nya sa mukha ko.

“Ewan ko sayo. Bahala ka na sa buhay mo” sabi ko. Diretso akong pumasok ng sasakyan at sinimulang istart ang kotse.

“O. Teka, iiwan mo pa ko.” Sambit nito at nagmadaling pumasok ng sasakyan. “Ito naman di mabiro, takot ko lang sayo.”

“Dapat lang.” agad na sagot ko.

“Naisip ko lang te chel. D naman gaanong marami ang di ko maalala. Yun lang araw ng pagkadulas ko at yung araw na bago nangyari yun.” Sabi nito sabay kamot sa ulo. “Sabi kasi nung guard e kasama daw kita nung gabing yun? Dun ba ako natulog sa condo mo?”

Naku lagot na. Sa dami naman ng pwede nyang makalimutan, eh yung gabi pa na magkasama kami. Sasabihin ko ba kung ano nangyari nung gabing yun? Ano ba?? Baka naman sabihin nya feelingera ako kung sabihin ko yun. Chel dapat makaisip ka now na.

“Ate, dun nga ba ako natulog sayo?’ ulit na tanong nito.

“Ah, oo” sagot ko.

“Lumabas ba tayo ng gabi at sobra akong nalasing kaya di na ko nakabalik sa lodging haus?” sunod na tanong nito.

“Ah, hindi tayo lumabas. Sa bahay lang tayo kumain at nagkwentuhan.” Agad kong nasambit.

“Ganon ba. Yun lang? Yun ba ung gabi na sinabi mong sasagutin mo na si Chris?”tanong nito.

Si Chris??? Bakit naman yun pa naisip nyang pinag usapan namin. Ano bang gagawin ko?

“Ate kasi si Chris. Uhmm.. Sorry ha.” Mahinang sabi nito. “Sorry kung nakulitan ka sa kin nung nilalakad ko sayo si Chris. Lam mo naman di ko gagawin yun kung di lang siya nakiusap.” Paliwanag nito.

“Wala yun.” Ang tangi kong nasabi. Buti nalang at si Chris ang naisip nyang pinag usapan naming nun.

“Sorry din kung ako ang dahilan kung bakit hangang ngayon di mo pa sinasagot si Chris. Alam ko naman na me chance na sana siya sa puso mo kaso” bigla nalang itong natigilan.

Ano bang sinasabi niya? Me naaalala ba siya sa nangyari ng gabing yun?

“Kaso….Uhmm,… sundin mo lang kung anong gusto ng puso mo. Wag mo kong intindihin ha. Masaya ako kung magiging kayo ni Chris” paliwanag nito na bakas ang lungkot sa mga salita niya.

Di ko narin nagawang umimik. Ano ba tong kirot na nararamdaman ko? Naku chel ang luha mo bawal pumatak. KALOKA ito. Bakit ang sakit? 

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon