Part 32

1.3K 30 1
                                    

Chel's pov

"Oi aly game nyo na pala sa wednesday, pahingi ng ticket." bati ko ke aly ng maabutan kong nag aantay sa iba pa naming kasamahan para sa tune up game ng ateneo.

"Ay sure ate chel...dalawa pa ibibigay ko para sa inyong dalawa ni Jovs." ngiti nito na me halong kantyaw.

"Bakit ba ang kulit mo? D ba break na nga kami." diin ko.

"Aba...hindi ba pwedeng mgkasamang manuod ang mag-ex?...Mag ex nga ba? With benefits.... Hahaha" Gatong nito.

"Tumigil ka nga...me makarinig sa yo." saway ko.

"E ate chel para kasi kayong mga adik na humaling na humaling sa isa't isa tapos magbrebreak.... Tapos ngayon me Peter ka pa. Seryoso ka ba talaga sa kanya?" tanong nito.

"Mukha ba akong hindi true?" diin ko.

"Yes...plastic ka eh...hahaha....Teka" biglang natigilan si aly ng me natanaw sa me labasan. "Si Jovs yun ah...aba...me naghatid....si si....shet si rexxxx" sigaw ni aly.

Bigla na rin akong napatingin sa kinaroroonan ni Jovs. At talagang all smiles pa to na nagpaalam ke Rex. Ano bang palabas na naman to? At bakit ako affected?

"Gurl!....ang haba ng hair mo!" sigaw ni aly ke Jovs ng salubungin ito.

"Ano ka ba?" sabi nito sabay tapik ke aly. "Wala yun." tangi nito pero ngiting ngiti pa rin at kinikilig.

"Bakit ka namumula?" ngiti ni aly. "Shet nakakainis ka...ang dami kayang me crush dun at bongga ka. Hahaha....Teka?....Kelan ka pa ng switch teams ha?" tanong nito at biglang napatingin sa kin na tila iniingit ako.

"Gaga...Wala yun...Maliit na bagay. Hahaha" tawa ni Jovs na para pang pinatatamaan ako.

"Oi careful.... Baka me magselos.." singit ni aly napangiting tumingin sa akin.

"Sinong magseselos? Ako?...Excuse me..." sabat ko.

"Aba..... Assuming....... Hindi mo naman kelangan magselos eh... Kasi... Kahit kelan hindi naman naging tayo!" mariing sagot ni Jovs.

Para naman akong sinaksak sa patama ni Jovs. Talaga bang wala na siyang pakialam kung anu man ang mararamdaman ko?

"Aba..." sagot ko pero pinigilan na ako ni Aly.

"Teka girls daming fans dito oh...kung dito pa kayo magsasabong. Jovs magbihis ka na kaya kasi magsisimula na tayo." singit ni Aly. At di na umalma pa si Jovs at naglakad ng palayo.

Di ko napigilang maluha kaya napaupo nalang ako.

"Okey ka lang ate chel?" pag-aalala ni aly. "Ano ba talagang nangyari sa inyo bat ang lalim yata ng hugot ni Jovs? Dati naman kahit break na kayo e me sweetness pa rin." dugtong nito.

Tahimik lang ako na pinahiran ang luha ko.

"Nakakapanghinayang naman. Mag best friends kayo tapos masisira lang ng ganito.... Napansin ko Lang ate chel na naging cold na si Jovs pagkabalik nya after nung 1 week leave nya ano?" sabi nito.

"Oo yun yung nasaktan ko damdamin nya kaya siya biglang nawala." Saad ko.

Pinagsisihan ko na lahat ng nasabi ko sa iyo, Jovs......dahil mahal na mahal pa rin kita........

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon