Part 9

1.6K 41 0
                                    

<<<<<<FLASHBACK<<<<<<

Ito na siguro ang pinakamasayang gabi na naranasan ko. Inakala kong panaginip lang pero ngaun, nagkatotoo na. Tahimik lang kaming magkatabi habang nakasandal siya sa balikat ko. Halos magkalapit din ang mga kamay namin. Kung pwede nga lang sana na di na magsidatingan ang mga kasamahan namin, mas maganda sana. Mga thirty minutes na rin syang nakasandal sa akin. Maya maya inangat ko ang braso ko at inakbayan siya para mas maayos ang pag idlip nya.

Maya maya iminulat na rin nya ang mga mata nya sabay sabing “Jovs, ano sa tingin mo si Chris? Mabait naman siya di ba?” 

Panira naman tong si Chris at nasama na naman sa usapan. “Oo naman, okey naman si Chris”

“Kaya ba nilalakad mo siya sa akin dahil…” bigla nalang siyang natigilan.

“Dahil bagay kayo.” dugtong ko.

“At yun ang tama. Ganon ba?” agad na tanong nya.

“Oo naman. Maganda ka at gwapo siya. Perfect combination.” Sabat ko. Kahit gusto ko ng magsisigaw na bakit ako pa tinanong nya. Haiz.

Nanatili lang siyang tahimik at mukhang malayo ang iniisip. Bakit niya tinatanong sa akin ito ngaun. Plano na ba niyang sagutin si Chris?

“Botong boto ka sa kanya ano? Ano bang pinakain nya sa iyo?” tanong niya. “Halos araw araw mo siyang nilalakad para mapansin ko, tama ba?”

"Hindi naman araw araw." sabat ko. Sa kakalakad ko sa kanya, ako naman tong unti unting nahuhulog sa iyo. Haiz. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga patutunguhan ng pag uusap naming ito. Bakit kasi ang tagal naman nilang dumating.

“Bakit nga kasi?”

“Ate chel” sabi ko pagkaharap ko sa kanya. Ngaun ko lang nasilayan ang mukha nya ng ganito kalapit. Di ko mapigilang mapatitig sa kanya. Parang gusto ko siyang halikan. “Ate, kasi….” Haiz ano ba sasabihin ko? “Para me inspirasyon ka. Tama! Magsisimula na 1st round ng SVL next week.” Ano ba tong sinasabi ko?

“Ha? Layo naman ng sagot mo. E pano kung sabihin ko sa iyo na me inspirasyon na ako?” mariing sagot nito.

“Talaga? Sino naman?”

Bigla nalang siyang napangiti. “Ikaw.”

Binibiro ba ako ng babaeng ito. Bigla nalang bumilis ang kabog ng puso ko. “Ako?” sabi ko sabay lunok.

“Oo, ikaw, kayong mga teammates ko.” ngiti niya. “Bakit ikaw, sino bang inspirasyon mo?” agad niyang tanong.

Ikaw at wala ng iba. Haiz. Wish ko lang kaya kong sabihin yun.

“Hindi ko kelangan yun ano.” Sabi ko sabay talikod sa kanya.

“Bakit namumula ka? Hahaha” biro nito. “Alam ko kung sino inspirasyon mo.”

“Buti ka pa alam mo.” Daing ko

“Di ba ako?” sagot nito sabay halik sa pisngi ko.

At biglang ngsidatingan ang mga teammates namin na me kanya kanyang dalang pagkain.

“Kakain na!” sigaw ng mga ito.

  

  

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon