Part 12

1.6K 39 0
                                        

Chel’s pov

Pumasok ako sa office ng training venue namin. Buti walang tao at makatambay muna bago magsimula ang training. Makaupo nga muna dito sa sofa at matawagan si Chris. Sa mahabang panahon na panliligaw ni Chris, naging mabuti naman siyang kaibigan. Sobrang tyaga manligaw kahit makailambeses ko ng binasted, pursigido pa rin na ipagpatuloy ang panliligaw. Sagutin ko nalang kaya? Naku naman chel, siguraduhin mo lang kung tama ba talaga o panakip butas lang. Makaidlip na nga lang muna.

<<<<<Flashback

Para akong hihimitayin ng muli nyang halikan ang kamay ko. Ano ba to? Bakit nag iinit ang katawan ko?

“Ate, uhmm, magagalit ka ba kung sasabihin ko….” Sabi ni jovs ng bigla ko nalang siyang hinalikan. Di ko hinintay kung ano man ang sasabihin nya kasi di ko magawang pigilan pa ang sarili ko ngaung magkaharap kami. Idiniin naman niya ang labi nya at niyakap ako ng mahigpit. Parehos kaming naghahabol ng hininga pagkatapos ng halik na yon. Dalawang kamay nyang hinawakan ang mukha ko para mahalikan ulit. Ano ba tong nararamdaman ko? Ayaw ko ng matapos ang gabing ito.

“Ate chel” bulong nya habang patuloy siya sa paghalik hangang sa umabot na siya sa leeg ko.

“Aah,,jovs” naghahabol pa rin ako ng hininga. Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya hangang sa maramdaman ko ang isang kamay nya na dahan dahang inaalis ang pagkakatali ng robe ko. Bigla nalang nya sinakmal ang una nyang nahipo sa loob ng robe kaya napasigaw ako. “Jovs…teka..”daing ko. Hinalikan nya ko sa labi para di na ako makadaing pa. At hinayaan ko na siya sa ginagawa nya.

Ng biglang nalang siyang tumigil,“Ate,… hindi ko kaya...” sabi ni Jovs na napailing nalang. “Pano si Chris? Di ba kayo na?” dugtong nito.

Para naman tong engot oh. Kainis. Di kaya napipilitan lang siya dahil ako ang unang humalik? “A,.. oo nga” sabi ko sabay inayos ang robe ko. Para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig matapos ang pangyayaring yun. “Matutulog na ako” agad na sabi ko sabay talikod sa kanya. Dumiretso na ako sa kwarto at nghanap ng damit pantulog. Naku chel bakit naman kasi nanakmal ka agad e kamay lang naman ang hinalikan nya. Bumigay ka agad. Susmaryosep.

Matapos kong maisuot ang pantulog, diretso na ako sa kama at nagtalukbong. Bahala ka sa buhay mo kung san ka matutulog. Dapat makatulog na ako agad.

Hay bakit gising pa ako? Narinig kong me nagbukas ng pinto at dahan dahan siyang umupo sa gilid ng kama.

“Ate chel, lam ko gising ka pa.” sabi nito. “Ate ano ba, sandali lang o. Harapin mo naman ako” sigaw nito sabay hila sa kumot ko.

“Lintek na to. Ano ba gusto mong mangyari ha? Di ba ayaw mo? Bakit mo ba ginagawa to ha?.” Sagot ko sabay kong hinila ang kumot ko.

“Dahil mahal kita ate chel. Mahal na mahal.” Bulong nito ng bigla nalang siyang lumapit at hinalikan ako sa labi. Wala na akong magawa pa dahil nagawa nya akong maihiga at nakaibabaw siya. Totoo ba ang narinig ko? Na mahal nya ako?

“Matagal ko ng gustong sabihin to, ate chel” dugtong nya. Dahan dahan niyang hinahaplos ang mukha ko habang pinagmamasdan ako. “Sobra.”

Totoo ba ang mga nagaganap ngayon? Para naman akong lumulutang sa narinig ko, “Jovs….mahal din kita.”

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

KRIIIIIIIIINGGGGGGGGGGG

Hay susme. Sarap na ng tulog ko. “Hello,… Chris.” Sabi ko sa kausap ko sa phone. “Sige mamya mga 5pm siguro….Okey… Bye”

Nang maibaba ko ang phone ko bigla naman akong nagulat at me taong nakatayo na sa harap ko.

“Ano ka ba Jovs. Bakit di ka man lang kumatok.” Sabi ko sabay tadyak sa kanya.

Nakangiti lang ito sabay tumabi sa akin sa sofa. “Di ka na galit?’ tanong nito

“Hindi.” Tangi ko. Halos isang lingo ko rin palang dinedma si Jovs. Pano naman sa lahat ng nakalimutan e yung gabi pa na yon. Para kasing nagparaya na rin siya. Ano bang magagawa ko kung di siya makaalala.

“Talaga ha. Hindi ko kasi kaya na di mo ako iniimik. Lalo na ngayon na pinabalik na ako ni coach.” Sabi nito. Matapos makapagpahinga ni Jovs ng isang lingo, hinayaan na rin siya ni coach na makalaro. Malaki kasing kawalan si Jovs sa amin. Lagi tuloy akong pagod.

“Bakit naman ako magagalit sayo? Wala namang dahilan para magalit.” Tangi ko. Kahit masakit sa akin ang di nya magawang aminin ulit kung ano man ang nararamdaman nya. Di naman nya alam kasi yun. Nabagok nga kasi. Kaloka talaga. Pero ano naman ang magagawa ko. Nahihirapan din ako kung iiwasan ko siya.

Ngiting ngiti ito na parang batang naglalambing. “Hay ate chel, ang saya ko.” Sambit nito at bigla nalang nahiga sa lap ko. Ang ganda rin talaga ni Jovs lalo na ganitong pagkakalapit namin.

“Bakit naman ang tigas ng buhok mo? Parang walis.” Biro ko habang hinahaplos ang buhok nya.

“Hindi naman gaano. Naubusan kasi ako ng conditioner eh” agad na sagot nito. “Yaan mo na.” ngiti nito. “Aber paamoy nga ng hair mo” sabi nito sabay hila sa buhok ko.

Ang saya lang pag ganito kami. Nagbibiruan, nagkukulitan. Sana walang katapusan. Siguro nga mananatili lang kaming magkaibigan. At hangang ganon nalang.

“Ate chel,….sana di kana magalit ulit ha. ….I’d rather love you from a far than lose you forever.” Bulong nito.

    

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon