Asan na ba sila. Kainis naman, sabi ko antayin ako.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga tinig nila.
"Ano ba kasing gusto mong mangyari ate chel? Ayaw mo naman sabihin sa kanya ang totoo. Tapos eto ka ngayon, di ka mapakali." sabi ni aly.
"Bakit pa? Para ano? Tapos ano?" daing ni ate chel.
"Oist ano bang seryosong usapan to?" singit ko. Halatang nagulat ang dalawa ng makita akong nasa likuran nila. "O bakit kayo natigilan."
"Ah wala. Me pinagtsitsismisan lang kami" sagot agad ni aly.
Bigla ko silang tinabig at naupo sa pagitan nila. "Aba mga tsismosa. At sino naman ang kawawang pinagtsitsismisan nyo?" tanong ko.
"Ikaw!" bulalas ni aly. Di napigilan ni ate chel na batukan siya.
"Hindi ikaw no." mariing sagot ni ate chel na parang bigla siyang namula.
"Laro nalang tayo, ang tagal nila eh." singit ni aly habang pinaglalaruan ang bote ng softdrink sa kamay nya. "Spin the bottle. Masaya to" dugtong nya.
"Ay kayo nalang maglaro. Wala ako sa mood."sagot ni ate chel na biglang tumayo.
"To naman oh. Halika na" lambing ko sabay hatak sa kanya paupo. Bigla ko siyang niyakap pero nagpumiglas ito. "Meron ka ba? Init ng ulo oh."
"Eh ano ngayon. Paki mo." sagot ni ate chel.
"Aba, LQ ang drama ng dalawa." ngiti ni aly. "mas exciting ang game pag ganyan." dugtong nito sabay ibinababa ang bote at bigla itong pinaikot. Ilang ikot pa at biglang tumigil sa harap ko ang bote.
"O ayan jovs. Ikaw. Truth nlang pero me twist." tawa ni aly.
"Ah gusto ko consequence." daing ko.
"Di na uso yun. Basta truth with a twist. Eto, describe your ultimate crush." agad na tanong nito.
"Oa naman yang tanong mo. Iba nalang" sabi ko.
"Ano ka ba? Madali ngang tanong yan eh. Sige na sagutin mo na" sabi ni aly na parang batang kinikilig.
"Crush ka jan. Sino ba?" sagot ko. Palihim kong tiningnan si ate chel na tahimik lang itong nakaupo at ngtetext. "Yung crush ko cute... maputi, uhmm... medyo matangkad sa akin. Slim siya at sporty. Me topak kadalasan pero masayang kasama"
Lumingon ako ke ate chel kung narinig ba nya ang sinabi ko pero nanatili lang itong walang imik at patuloy na nagtetext.
"Naks naman. Kilala ko ba yan? Makikita ba natin siya ngayon?" agad na tanong ni aly.
"Oy pangalawang tanong na yan. Abusado ka. Dami na nga yung sagot ko. Ipaikot mo na ulit yan." utos ko.
Natatawa lang si aly habang pinaikot ang bote sa sahig. Sa pagkakataong ito, ke ate chel naman tumapat ang bote.
"Hahaha. Ate chel ikaw naman" ngiting sabi ni aly. "Describe your ultimate crush." dugtong nito.
Bigla itong umayos sa pagkakaupo at humarap sa akin biglang sabi, "panget siya, walang kwenta at sana... sana di ko nalang siya nakilala." sabi nito biglang tayo at lumakad palayo sa amin.
"Anong nangyari don?" tanong ko ke aly.
Di napigilan ni aly na matawa habang nagsasalita. "Hay naku. Iba talaga pag puso ang nasaktan. Kahit anung kubli, pilit pa ring sumasabog."
"Bakit broken hearted ba siya? Break na ba sila agad ni Chris?" tanong ko. Di ko mawari ang naging reaksyon ni ate chel.
"Ewan ko ba sayo. Ang SL mo. Sa dami ng pwede mong makalimutan eh bakit yun pa." daing nito. "Anjan na pala sila. Tara na para magpapawis" sabi nito sabay turo sa mga kasamahan namin.
