Part 19

1.4K 34 0
                                    

<<<<<<<<REWIND<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Chel’s pov

“Chel” sabi ni Jovs. “Chel” at bigla nalang ito nawalan ng malay.

Agad akong lumapit sa kanya “Jovs…..Jovs” paulit ulit kong sinasabi para magising siya. “Jovs gumising ka!” Nakahandusay ang katawan ni Jovs na hawak hawak ko siya. Di ko mapigilan ang luha ko ng ilapit ko ang tenga ko sa me dibdib nya. Parang hindi siya humihinga. “Jovs….Jovs”

Maya maya ay nagsidatingan na ang mga medics para bigyan siya ng first aide. Sumunod na rin ang me dala ng stretcher. Di ko pa rin binibitawan ang kamay nya hangang sa pilit na akong inilayo nila M9 at Jesse para mabigyan ng kaagarang lunas kung ano man ang dahilan sa pagkahimatay ni Jovs. At dali syang inangat at tuluyang inalabas sa arena.

Agad akong kumawala sa pagkakahawak ni M9 para masundan si Jovs pero maagap naman akong napigilan ni Jesse. “Ate chel, magiging okey din si Jovs. Walang masamang mangyayari sa kanya.” Sabi nito

Lahat ng tao sa arena ay tila natigilan sa naganap. Hangang sa nag usap usap ang mga organizers at referees na ituloy na ang game.

“Chel. Okey ka lang ba?” tanong ni coach. “Lahat tayo ay nabigla pero sinisiguro ko sa yo na walang masamang mangyayari ke Jovs. Hinimatay lang yun sa sobrang pagod. Wag ka ng mag alala. Andun si Ritchi para balitaan tayo mamya sa kalagayan ni Jovs. Kelangan lang natin tapusin ang game.”dugtong nito. “Magpasub ka nalang muna para mapanatag ang isipan mo, Okey.”

Matapos namin maipanalo ang fifth set, di ko na nagawang magsaya at nakuha namin ang championship.

Dali dali akong pumunta sa hospital kung saan dinala si Jovs.

“”Jovs..nakakainis ka” bulong ko. “Kinabahan ako sa yo. Kala ko iiwan mo na ako” daing ko sabay yakap sa kanya.  Tila parang batang mahimbing na natutulog si Jovs.  

Over fatigue ang tanging nasabi ng doctor na dahilan ng pagkakahimatay ni Jovs. Pero dadaan muli sa test si Jovs para masigurong walang kinalaman ang pagbagok nya nung nakaraang dalawang lingo.

“Jovs, gumising ka na.” sabi ko at inilapit ko ang labi ko sa pisngi nya. Sobrang pagkasabik ang naramdaman ko. Lagi kasi kaming nag iiwasan.

“O, tama ng panggigil at baka bigla kang dakmain nyan” natatawang sabi ng babae ng pumasok sa silid.

“Kainis ka talaga, Aly” sabi ko.  “Kinabahan naman ako sa yo.”

“Hahaha. Bakit kasi pag tulog mo yan ginagawa. Gawin mo yan pag gising siya.” Sabi nito. “Wala na talaga akong masabi kanina. Saksi ang buong arena sa nakitang pag aalala mo. Kulang nalang sumakay ka pa sa stretcher.” Biro nito.

“Hindi naman” tangi ko sabay tadyak sa kanya.

“Aray naman. Ikaw ang ingay mo. Baka palabasin tayo dito.” Tawa pa rin ng tawa si aly. “Pero ate chel, mahal mo talaga siya ano?” tanong nito.

Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinipisil ang palad ni jovs. Pagmamahal nga ba ang nararamdaman ko para ke Jovs? Ang alam ko lang, di ko kayang mawala siya.

“Oooyyy, layo naman ng isip o. Ate bakit kasi di mo nalang aminin? Pareho nyong ginagawang complikado e pwedeng hindi naman” dugtong nito.

“Ano bang sinasabi mo, Aly?” tanong ko. “Sa tingin mo ba, ganon lang kadali pag aaminin ko sa kanya?”

“Ate ang mahalaga ay mahal mo siya. Yun na yun.” Sabi nito.

Maya maya pa ay bigla kaming natigilan ni aly ng biglang iminulat ni Jovs ang mga mata nya.

“Jovs….gising ka na” sabi ko at di ko napigilang hagkan siya.

Nakatingin lang si Jovs sa akin na parang naguguluhan sa nangyari.

“Asan ako?” mahinang sabi nito. Dahan dahan nyang inilibot ang mga mata nya sa paligid.

“Andito ka sa hospital Jovs. Hinimatay ka kanina sa Game.” Sabi ni aly.

“Ano? Ako?...Me game kanina?….” sabi ni jovs.

“Bakit hindi ko maalala……” dugtong nito habang nakatingin sa akin.

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon