“Congrats Jovs sa mahusay na ipinakita mo sa laro ngaun” bungad ng isang reporter na kaharap ko. “Ano ba ang nagbibigay inspirasyon sayo at lagi kang consistent sa play mo?” Sunod na tanong nito.
“Ang mga teammates ko. Sila naman ang dahilan kung bakit kami nananalo” mariing sagot ko. Kung pwede ko nga lang sana bangitin ang isang taong ngpapagaan ng loob ko sa court, ginawa ko na sana.
Pagkatapos ng interview, diretso na ako sa locker room namin ng me biglang yumakap sa likod ko. “Iba ka talaga!” sambit nito. Boses pa lang alam ko na kung sino. “Namiss kita ng sobra” bulong nito. Bigla naman akong napatigil sa narinig ko. Totoo ba to o d ko lang gaanong naintindihan ang sinabi nya.
“Ano bang sinasabi mo? D kita narinig. Ingay sa arena” sabi ko sabay harap sa kanya. Dahil sadyang maingay naman talaga lalo ng pumasok ang team ateneo para sa next game.
“Sabi ko na miss ki…ta”sambit nya ng bigla nalang siyang napatitig sa akin.
Di ko rin namalayan na biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig din sa kanya. Na para bang walang ibang tao sa paligid namin na hindi na namin namalayang dumaan. Ilang segundo, isang minuto na o higit pa kaming nagtititigan. Hangang sa ako na ang unang bumawi at sabay ngiti, “Ate chel naman, miss din kita,” sambit ko na para akong nagulat sa salitang nabitawan ko. Bakit ko ba nasabi yun? Hayaan nalang wala naman yun sa kanya. Lahat naman e sinasabihan nya ng ganon.
Bigla nalang akong tumawa ng pagkalakas lakas, “Hahaha, ano ka ba, e lagi naman tayong mgkasama sa training eh. Ikaw talaga”.
Bigla nalang nya akong kinutusan sa noo,”Magkasama nga tayo pero ang layo naman ng tingin mo.”
Wari ko hindi nya alam kung anu sinasabi nya. Sinasabi ba nya ito dahil totoong namiss nya ako? O dahil di ko lang siya gaanong iniimikan tuwing training dahil nga lagi namang nakabakod si Chris sa kanya. Minsan kasi wag gaanong mag isip. Bakit ba kasi isip ka ng isip e wala ka naman dapat isipin. Sakyan mo nalang trip nya. “Eh saan b naman ako dapat tumingin. Di ba dapat sa bola lang?”,biro ko.
“Bigla ka nalang kasi nawawala pagkatapos ng training. Di na tayo nagkakasabay kumain ng dinner”, sambit nito. “Labas tayo”.
“Eh yun lang pala e basta tayo lang” sabi ko. Masubukan nga kung papayag ito. Lagi na kasi itong package deal. Kasama ang buntot nyang si Chris.
“OO, tayo lang. Tara na” sabi nito sabay hatak sa braso ko.
“Teka lang baka inaantay tayo nila coach para sa dinner ngaun” daing ko.
“Ok na daw, naipagpaalam na kita” mariing sagot nito. Sa pagkakataon na to lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Madali lang kaming dumaan sa locker room at nagpalit lang ako ng shirt at ganun din sya. Sa bahay nalang daw kami maliligo. Para naman akong aso na napasunod nya kahit alam kong sobrang amoy pawis na talaga ako.
“O ano, ready?” tanong nito ng makasakay na kami sa sasakyan nya.
“San mo ba ako dadalhin? Para mo naman akong kinidnap, kinakabahan tuloy ako sayo” sambit ko.
“Dapat ka ngang kabahan dahil halos ilang araw mo na akong dinedma” mabilis na sagot ni ate chel.
Ako bay nananaginip o talaga bang nangyayari ang mga ngyayari ngaun. Ano bang nasa isip ng babaeng ito. Alam ba nya kung gaano nya pinapakabog ang dibdib ko. Kung pwede nga lang sana matapos na agad ang byahe kaso sobrang trapik sa daan at ang isipan ko di magkamayao sa kung ano ang pwedeng mangyari sa gabing ito. Ayoko na. Suko na ako. Ano ba dapat kong isipin? Bakit ba nya ginagawa ito? Napakainsensitive naman nya para pahirapan kung ano man ang nararamdaman ko.
“O bakit natigilan ka jan?” tanong nya.
“Ah wala, pagod lang.”pagtangi ko sa tanong nya.
“Sa condo na tayo tumuloy, magpadeliver nalang tayo ng pizza. Gusto ko kasi marinig ang side mo?”sabi nya. “Napaamin ko si aly, sabi nya mukhang d mo gusto si Chris.”dugtong nito.
Anooo? Haiz ipinahamak pa talaga ako ni aly. Ano naman kaya sinabi nun at siniraan pa ako. “Ano? Sinabi yun ni aly, naniwala ka naman?” biglang baling ko sa kanya.
“Ano ba dapat kong paniwalaan? E bakit napakacold mo lately?” tanong niya. “Hindi ko pa nga sinasagot si Chris e parang iniisip mo na kami na. Hindi ko naman gugustuhin na maging kami tapos ung kaisa isang bestfriend ko sa team e iniiwasan ako. Me nagawa ba akong d mo gusto?”
“Alam mo ikaw paranoid? Ano ba kasing iniisip mo? Porke ba d ako nakakasama sa yo, e galit ako kaagad? Na nagdaramdam ako dahil sasagutin mo na si Chris? Na pag sinagot mo na malabo na talaga. Kung me lalabo pa sa malabo e un na un? Ano bang iniisip mo na nagseselos ako? Yun ba ung gusto mong marinig? Na hindi ko gusto kung pano ka binabakuran ni Chris? Na bakit kelangang ipangalandakan mo pa sa buong mundo na magkasama kayo. Kulang nalang ikasal na kayo sa court! Yun ba? Yun ba ung gusto mong marinig? Ano pa ba?” halos maubusan ako ng hininga sa mga nasambit ko. Kahit ako nagulat din kung bakit ko nasabi yun. San ba yun nangaling? Bakit di ko nagawang pigilan ang sarili ko?
Pareho kaming natigilan. At sa buong byahe patungo sa condo nya, ni walang umimik sa aming dalawa. Hangang sa pinark nya na ang sasakyan.
Chel’s pov
Ano ba tong napasok ko? Ni hindi ko na maisip kung tama ba ung mga dinaraanan naming at buti nalang nagawa ko pang magmaneho pauwi. Ni hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanya sa mga nasabi nya? Tama ba yung narinig ko? Na nagseselos nga sya? Sinasabi ba nyang me gusto rin sya?
