>>>>>>>>>>>>>Flashback>>>>>>>>>>>>>
Chel’s pov
“Jovs.” Bulong ko. “Hindi totoo yon.” Bigla akong tumalikod at naglakad patungo sa sasakyan ni Chris.
Gusto ko sanang balikan si Jovs at bawiin ang nasabi ko pero tuloy lang ako sa pagsakay sa sasakyan. Hangang sa pinaandar na ni Chris ito.
Bakit ko kelangang itanggi ang nararamdaman ko? Di ko mapigilang maluha kaya tinakpan ko nalang ng kamay ang mukha ko para di makita ni Chris kung gaano ako nasasaktan ngayon.
“Chel, okey ka lang ba?” mahinahong sabi nito. “Sorry ha. Joke lang yung pagtawag ko ng ‘babe’ sa yo. Masyado kasi kayong seryoso ni Jovs kanina.” Paliwanag nito.
“Hindi naman yon.” Hikbi ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
“Si Jovs ba?” tanong nito. “Kahit hindi mo aminin. Nararamdaman ko naman na mahalaga sa yo si Jovs.” Patuloy lang sa pagmamaneho si chris.
“Sorry ha. Di mo dapat makita akong ganito.” Sabi ko.
“Okey lang yon. Hehehe” tawa nito. “Kahit minsan gusto kong magtanong kung bakit si Jovs pa at hindi ako. Sa tagal nating magkasama eh halata naman na wala na talaga akong pag asa sa yo lalo na ng si Jovs lagi ang bukambibig mo. Eto lang naman akong enggot, kahit makailambeses mo ng binasted, sige pa rin. Umaasa kasi ako na mababaling din sa akin kung ano man ang nararamdaman mo para ke Jovs.” Ngiti nito na may halong lungkot matapos nyang sabihin yon.
“Ano ka ba? Wala akong gusto ke Jovs no.” tangi ko.
“Chel, magkaibigan tayo di ba? Halatang halata no? Minsan tuloy gusto kong ibalik ang panahon kung bakit ke Jovs pa ako nagpatulong para manligaw sa yo. Ayan tuloy, sa kanya ka nahulog.” Tawa nito.
Di ko ring mapigilang tumawa sa narinig ko. Bakit nga ba? Bakit nga ba ako tuluyang nahulog ke Jovs?
“Hindi nga.” Tangi ko pa rin sabay tawa. Masuwerte ako ke Chris, isa syang mabuting kaibigan.
“Hahahaha. Ayan oh. Tingnan mo ilong mo humahaba na. Para ka ng si Pinocchio sa pagiging sinungaling mo.” Tawa nito sabay turo sa ilong ko.
“Kainis to.” Sabi ko sabay palo sa balikat niya. “Eh ano bang magagawa ko? Hindi ko rin alam eh. Nakakainis.” Sigaw ko.
“Okey lang yan. Minsan talaga di natin namamalayan o nalalaman kung bakit nagugustuhan natin ang isang tao. Katulad ko, basted na nga. Eto pa rin… Parang ikaw, kahit itanggi mo ng makailambeses, di mo pa rin mapigilan. Hahahaha. Bakit nga ba si Jovs pa? Ako nalang sana!” ngiti nito sabay palo sa manibelo.
“Hahaha. Para tayong sira ano? Nababaliw na talaga siguro ako…Pano nga ba?...Si Jovs kasi nakakatuwa. Lalo nung nagpapadala ka ng pagkain sa practice. Ano nga yung pinadala mo?” tanong ko sabay kamot sa ulo. “Ah yung Oreo cheese puff. Hahaha.” Di ko maiwasang tumawa pag naaalala ko yun. “ Alam mo bang ayaw kong kainin yun kasi masyadong matamis. Kaya pinamigay ko sa mga teammates ko. Aba alam mo ba kung anong ginawa niya? Sinigawan nya ako at sabi nya ‘Te Chel mahal yan tapos ipamimigay mo lang ni hindi mo muna tikman’ . Tapos bigla siyang kumuha ng isa at kinagatan tapos sabay ba namang isinubo sa akin. Kaloka talaga.” Natatawang sabi ko.
“Ahhh so kaya ka pala nainlove ke Jovs dahil kinakagatan nya muna bago isubo sa yo. Dapat pala puro roses nalang pinadala ko para pareho kayong matinik. Hahahaha” natatawang sabi nito.
Tawa lang kami ng tawa ni Chris. Parang gusto ko tuloy balikan si Jovs na iniwan kong nakatayo dun. Ni hindi ko man lang kinamusta at inalam kung pano bumalik ang memorya nya. Kaya di ko na naman napigilang umiyak.
“O ayan naiiyak ka na naman.” Pansin ni Chris. “Ano bang pwede kong gawin para maibsan ang sakit na anjan?” tanong nito.
Tahimik lang akong nagpapahid ng luha kong patuloy sa pagpatak.
“Bakit nga ba kasing ayaw mo nalang aminin sa kanya. Alam mo nagseselos ako pero hindi ko naman kakayanin na makita kang nasasaktan ng ganyan. Ano bang pumipigil sa yo na aminin sa kanya na gusto mo rin siya.?” Sunod na tanong nito.
“Baka kasi…..Baka kasi makalimot na naman siya. Hindi ko na kakayanin pag nangyari ulit yon.” Mariing sambit ko. Hindi nga pala alam ni Chris na me nangyari na sa amin si Jovs.
“Makalimutan na mahal ka nya? Eh nabagok nga siya di ba…E di pa ba siya nakakaalala?” agad na tanong nito.
“Eh yun na nga yung naalala nya kanina” mahinang sagot ko.
“Eh yun naman pala eh. Ano bang problema? Nagdadalawang isip ka pa rin ba? O baka naman me pag asa pa pala ako.” Ngiting sabi nito.
“Nakakainis ka talaga.” Natawa na naman ako sa sinabi nya. Bakit nga ba kasi? Basta natatakot lang ako na mangyari na makalimutan nya lahat….. Kahit noon ay nangako siya na walang magbabago. Pero ang sakit kasi ng hindi siya sumipot nung gabi pagkatapos ng me nangyari sa min at nakalimot na pala siya non. Hindi ko na kakayanin kung maulit muli yun.
“Ah, alam ko na. Baka gusto mo lang masigurado kung mahal ka nga ba nya ano at pagsisisihan nyang nakalimot siya?” sabi nito. “Bakit kasi hindi nalang natin pagselosin si Jovs? Kunyari tayo. Heheheh. Kunyari lang syempre pero pwede rin naman nating totohanin kung feel mo na.” sambit nitong nakangiting nakatingin sa akin.
“Sira ka rin ano?” sabi ko. Tama nga ba siya? Hindi nga ba talaga ako sigurado na mahal ako ni Jovs?
“O Ano? Game? Don’t worry. I won’t take advantage of you. Hehehehe.” Ngiti nito.
Natigilan nalang ako at napaisip. Bakit nga ba hindi?