Part 23

1.4K 28 0
                                    

Haiz.. Kung mamalasin ka naman talaga o. Walang pinipiling oras. Nasira na naman ang sasakyan ko. Di tuloy ako nakasama sa press conference kanina.  Buti nalang at naabutan ko pa sila M9 at Tin at sa kanila na ako nakisabay papunta sa practice. Sabik pa naman akong makita siya. Teka, teka lang. Baka nakakalimutan mo, iniwan ka nga nya kahapon at di man lang nagawang tumawag kagabi. Dapat di ako pahalata. Haiz..kainis naman pero bakit di ko mapigilang ngumiti sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa min kahapon. Hindi na panaginip yun. Hahaha. Ganito ba ng feeling ng ‘in love’? Nakakainis…Haiz. Sobrang miss na kita Chel!

Dali dali akong nagsuot ng sapatos para makasabak na sa madugong practice namin para sa darating na sea games. Agad kong hinagilap kung san nakapwesto si ate chel. Ayun oh. Nasa kabilang dulo ng court at inaayos naman ang knee pads nya. Jovs, bawas bawasan mo ang ngiti mo at baka mapunit ang bibig mo. Haiz.     

Biglang tumayo si ate chel at nagtungo sa comfort room. Pagkakataon mo na to Jovs. Dali!  Agad akong dumiretso sa comfort room para makita sya ng malapitan.

“Hi chel” ngiti ko pagkalabas nya sa CR. Kahit naiinis ako sa yo at di ka tumawag kagabi ay okey lang. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

Tila nagulat ito sa biglang pagsulpot ko sa likuran nya. “Jovs, ikaw talaga!” sabi nito sabay tapik sa balikat ko. Di rin napigilan ni ate chel na ngumiti ng makita ako.

Bigla ko namang hinawakan ang kamay nya at pinisil pisil ito. “Ikaw ha. Me kasalanan ka sa akin kahapon.” Di pa rin mapawi ang ngiti ko kahit dapat medyo seryoso ako. Haiz.

“Ako me kasalanan? Jovs mag tigil ka nga. Me makarinig sa yo” saway nito

“Ano ka ba? Wala namang tao.” Sabi ko at agad ko syang hinalikan sa labi.

“Kainis ka talaga.” Daing nito at tumingin sa me bandang pintuan. “Jovs….Me practice pa tayo.” Ngiti nito at bigla akong kinurot sa tagiliran.

“Alam ko….kaso sobrang nasabik ako sayo.” bulong ko at aakma akong hahalik ulit pero pinigilan nya na ako.

“Ikaw ha. Wag dito….. Mamya.” Naiilang na sabi nito.

Nang bigla nalang bumukas ang isang pinto sa likuran namin.

“Grabe..ang daming langgam!”bulalas nito habang tumatawa.

“Kainis ka Aly.” Sigaw ni ate chel. Agad nyang nilapitan si aly at pinagpapalo.

“Teka teka” sabi ni Aly at lumayo para makaiwas sa palo ni ate chel.

“Sira ka talaga. Buti ikaw lang yan. Haiz talaga” sabi ko

“So confirmed! Hahahaha.  Buti naman at di nasayang ang pagiging hero ko.” Natatawang sabi ni aly

“Wag ka ngang maingay.” Saway ni ate chel.

“E ate chel, pano ka pala nakatakas sa dalawa kanina?” agad na singit ni aly.

“Sinong dalawa?” baling ko ke ate chel.

“A..sina Shaira at Abby. Andito sila kanina. Wag mong isipin yun.” Sabi nito na tila umiiwas na pag usapan ang dalawang kaibigan nya. “Tara na at baka hinahanap na tayo ni coach” aya nito at pareho kaming tinulak ni aly palabas ng comfort room.

Ganito ba ang ‘in love’? Na sa kada kilos mo, iniisip mong nakatingin sya at pinagmamasdan ka? Hindi lang basta inspirasyon ang meron ako ngayon kungdi buong puso nya hawak hawak ko na. Ang sarap naman ng ganitong feeling. Kahit anong pahirap sa practice kaya kong tiisin.

Makalipas ang tatlong oras, natapos na rin kami. Maaya nga si ate chel kumain sa labas. 1st official date namin ito kung tutuusin. Dali dali kong inayos ang gamit ko pagkatapos kong maligo at hinanap sya.

“Aly…Si ate chel asan?” agad kong tanong ke aly ng makabungo ko ito palabas ng locker room.

Di agad nakaimik si Aly at parang nagdadalawang isip kung sasagot. “Aah…ee..”

“Ano?” mariing sabi ko.

“Kasama nya si Chris……Lumabas ata.” Nailing na sabi nito.

Si Chris na naman.  Kala ko ba wala siyang nararamdaman sa lalaking yon. Pero bakit patuloy pa rin syang nakikipagkita dito. Nagseselos na naman ba ako? Magkaibigan lang naman sila at yun ang dapat kong paniwalaan. Pero bakit nagdidilim ang paningin ko at sobrang naninikip ang dibdib ko sa tuwing iniisip ko na magkasama sila sa mga oras na ito. Na dapat sana ako ang kasama mo.

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon