Part 27

1.3K 29 0
                                    

>>>>>>>>>>>>FLASHBACK>>>>>>>>>>>

“Nurse, san banda ang kwarto ni Chris?” Tanong ko sa me Nurse Station.

“Diretso lang tapos kanan.” Sagot nito. Agad ko naman nahanap ang kwarto kung saan nakaconfine si Chris. Naabutan kong nakaupo sa labas ang Mommy nya na tila napakabigat ng dinadala.

“Tita..” bati ko sa kanya at naupo ako sa tabi nya.

“O..buhay ka pa pala.” Sabi nito. “Anong ginagawa mo dito?”

Hangang ngayon di pa rin tanggap ng Mommy ni Chris na me anak sa labas ang pinakamamahal nyang asawa. Kaya kung tratuhin ako para lang akong drawing sa paningin nya.

“Tinawagan po ako ni..ng Papa..ni Chris” mahinahong sabi ko. Ni hindi ko parin magawang tawagin na Papa ang ama ko dahil kahit kinilala man nya akong anak, pilit naman nyang nilalayo ang loob nya dahil sa kagustuhan ng asawa nya.

 “So ngayon alam mo ng me sakit si Chris ha? At bakit ka naman naparito? Me magagawa ka ba?” sabi nito na bakas ang galit sa mukha nya. “Ako nga na ina nya….walang magawa….eh ikaw pa!...Makailambeses na akong nakiusap ke Chel na pagbigyan si Chris pero matigas pa rin ito na me mahal daw syang iba…Diyos ko!…kung pwede nga lang talaga pumatay ng tao eh ipapapatay ko na kung sino man yang boyfriend ni Chel” bulalas nito.

Napalunok nalang ako sa narinig ko. Kahit papaano pinagtakpan pa rin pala ako ni Chris at hindi inamin sa Mommy nya kung sino ang dahilan ng di nila pagkakatuluyan ni Chel.

“Jovs…me magagawa ka ba ha?” baling nito sa kin. “Kilala mo naman si Chel di ba? Magkasama kayo sa team…Kumbinsihin mo naman sya….Alang alang sa ka…kapatid mo.” Mariing sabi nito. Napayuko lang ako dahil sa kirot na biglang naramdaman ko. Sa tagal ng panahon, ngayon lang nya inaming kapatid ko nga si Chris.

“Honey” sabi ng lalaki sa di kalayuan. “Gusto kang kausapin ni Doc”. Dugtong nito. Lumapit ito sa min at napatingin sa akin. Ang ama ko pala na kahit minsan di ko pa nagawang mayakap.

“O sige” sagot ng Mommy ni Chris.

Pagkaalis ni tita, umupo naman sa tabi ko ang papa ni Chris.

“Buti nakarating ka.” Mahinang sabi nito. “Salamat”

Nanatili pa rin akong nakayuko at ni hindi tumingin sa kanya. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito na makausap ang papa ni Chris.

“Kamusta na po si Chris?” tanong ko.

“Hindi ko rin masabi…dahil…lalo atang nadedepress si Chris sa mga nangyayari. Kung pwede ko nga lang saluhin ang hirap ng kalooban nya, ginawa ko na sana.” Sabi nito. “Alam mo ba na ito na yung pinakamalungkot na ngyari ke Chris. Ilang araw na siyang ganito. Dati naman nakakabawi sya agad. Pero ngayon dahil sa pag ibig, di nya magawang bumangon muli.” Paliwanag nito.

Lalo atang bumigat ang loob ko sa narinig ko. Ako ba ang dahilan sa nangyayari ngayon sa kapatid ko? Aaminin ko ba sa kanya na ako ang me kagagawan ng lahat?

 Bigla naman napangiti ang papa ni Chris at tuloy na nagkwento. “Alam mo ba kung kelan ko nakitang napakasaya ni Chris? Yung araw na nalaman nya na me kapatid pala sya.” Hikbi nito. “Sobrang saya nya dahil sabik siyang magkaroon ng kapatid. Kahit di nga sang ayon ang mommy nya noon pero pinilit pa rin nyang makilala ka.” Dugtong nito na tila naluluha na rin sa kwento nya. “Nagulat pa nga ako sa sinabi nya na gusto ka nyang sunduin at dalhin dito sa Maynila.”

“Kaya tinawagan kita kahit ayaw ni Bella, dahil alam kong kahit konti maiibsan mo ang sakit na nadarama ng kapatid mo ngayon.” Mahinahong sabi nito.

Halos saksakin naman ang puso ko sa narinig ko. Pano ko ba magagawa ang kagustuhan nya kung ako naman ang dahilan ng kalungkutan ni Chris ngayon.

“Papa” ang tangi kong nasabi at agad kong pinahiran ang luha ko.

Naiyak nalang din ito sa nasabi ko. “Hindi ko inaasahan na marinig yan sayo ngayon. Sa sobrang laki ng kasalanan ko sayo, anak.”sabi nito. “Salamat.”

Nanatili lang kaming magkatabing nakaupo. Gusto ko man lang sana na mayakap siya pero para naman akong sinasaksak ng konsensya ko.

“Jovs, umaasa ako na matutulungan mo ang kapatid mong makabangon muli. Hindi ko ito hinihiling para sa akin. Gawin mo nalang ito para sa kapatid mo.” Sabi ni Papa.

Me mapait palang tadhana. Kung ang sinasabi ng ilan na me Forever at Happy Ending. Sa Tv at pelikula nalang nangyayari yun. Nakakainis pero totoo. Sa isang katulad ko na mananatiling panaginip nalang ang lahat……………Mahal na mahal pa rin kita, Chel………

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon