Part 31

1.4K 33 1
                                    

2 months later>>>>>>>>>>>>

Chel’s pov

“O tara dinner muna tayo” ngiti ni peter matapos kong magbihis matapos ng first game namin sa SVL season 12.

“Kasama ba ako dyan?” biro ni abby na parang kinikilig sa amin ni Peter.

“Oo naman. Mamaya ko pa naman sosolohin si Chel after dinner” pacute nito na bumaling sa akin.

“Magtigil ka nga. Pagod ako.” Saad ko.

“Ikaw talaga! Naglalambing lang naman sweetie mo.” Sabi ni Abby sabay siko sa akin.

“Sanay na ako ke sweetie…hmmnn..Tara na.” ngiti nito sabay akbay sa kin at nagsimula na kaming mglakad palabas.

 Biglang tumigil naman sa pagtibok ang puso ko ng makasalubong namin si Jovs na kasama si Chris na nagtatawanan. At bigla silang napatigil ng makita kami.  Bahagya lang akong ngumiti at nagpatuloy na kaming naglakad papuntang parking lot.

So okey na pala silang magkapatid. Mukhang magkasundo na nga. Pero bakit parang naninikip pa rin ang dibdib ko ng makita siya. Gusto ngang makipagbalikan ni Jovs pero ako ng tumanggi. Sa tingin ko naman ngayon na mas tama ang naging desisyon ko.

“Ako ng mgdrive ng car mo Chel. Tutal dun naman ako matutulog sa condo mo. Dun ka na sumabay ke Peter.” Suyo ni Abby na pilit akong pinagtutulakan ke Peter.

“Ano ba. E gusto ko sa car ko!” daing ko.

“Magtigil ka nga..Sige na ke Peter ka na sumabay. Susunod nalang ako.” Pilit ni abby.

 Wala na rin akong magawa kesa makipagtalo pa sa kanya. At bakit naman din kasi biglang uminit ang ulo ko ng makita ko si Jovs kanina.  E lagi ko naman syang nakikita tuwing practice. Kanina lang naman naglaro pa kami at nanalo pa nga. KALOKA talaga. Dahil ba parang wala lang sa kanya kahit nakita nyang nakaakbay sa kin si Peter. Na hindi ko sya nakitaan ng kahit konting selos man lang at nagawa pa nyang ngumiti na bumati sa amin. Na parang ang saya saya nya ngayon dahil break na talaga kami?

FLASHBACK>>>>>>>>>>>>>>

4 weeks ago ------Imus, Cavite - AMIHAN/BAGWIS Exhibition tour.

“Hahaha.. Nagpakahero kasi ayan tuloy napala nya.” dinig kong sabi ni Jovs sa di kalayuan.

“Ikaw ba naman maging Superman” gatong ni Aly na hindi rin mapigilan ang sarili sa kakatawa.

Alam ko kung sino tinutukoy nila. Si Peter yon dahil bigla nga itong nagpakahero para lang maprotektahan ako sa dumumog na mga fans kanina.

“Oy kayong dalawa…Magtigil nga kayo…Nasaktan na nga yung tao” saway ko ng makalapit ako sa kanila.

“Wala naman kaming sinasabi ah” ngiti ni Jovs na pilit tinatago ang pagtawa nya.

“Narinig ko kayo ha…Pagsampalin ko kayo eh.”inis kong sabi sabay turo sa kanilang dalawa.

“Sige nga….Eh ang tigas kasi ng ulo nya eh..Nakita nya ng me 2 bouncer ka na ngang kasama dun, nagpumilit pa ring lumabas.” Agad na sagot ni Jovs.

“Ikaw….Halika nga.” Saad ko sabay hatak sa kanya. Minabuti ko ng ilayo sya kesa makita pa ng ibang kasamahan namin na nagtatalo kami. Sa Ladies Rest Room kami nagtungo at buti walang tao.

“Ano bang problema mo Jovs? Kung manlait ka…talagang si Peter pa!” galit kong tanong sa kanya.

“Ikaw ang problema ko!...Parang ang bilis mo naman akong palitan…O talagang malandi ka lang?”agad na sagot nya.

PAKKKK….

Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla nalang nagpakawala ng sampal ang kamay ko matapos kong marinig yun.

“Aray…Ano bang sinabi ko ha?...Dahil totoo kaya mo ako sinaktan?” hikbi nito habang hawak hawak ang pisngi nya na tila namula ata sa lakas ng sampal ko.

Nagulat din ako sa ginawa ko at tila naawa naman ako sa dinanas nya. “Ikaw kasi…..Wag mo na kasing uulitin yun”  saad ko.

“Ang sakit kaya.” Sabi nito at tiningnan sa salamin ang pisngi nyang me marka ng sampal. “Para tuloy nasobrahan ng blush on ang pisngi ko at hindi tuloy pantay.” Daing nito.

“Patingin nga.” Sabi ko at hinawakan ang mukha nya.

“Masakit nga eh” saway nya at tinabig ang kamay ko.

“Sorry na….Ikaw kasi eh…Hindi ako malandi no….Kaya wag mo ng uulitin yun” paliwanag ko at agad kong kinuha ang panyo ko at binasa ito para mailagay sa namumula nyang pisngi.

“Sorry ka jan…E bakit kasi pinagpalit mo ako agad.” Tanong nito at hinayaan na akong hawakan ang mukha nya.

“Tumigil ka na nga….Alalahanin mo marunong na akong magboxing.” Biro ko nalang para mapawi ang galit nya.

“Alalahanin mo rin na me baril ako.” Agad na sagot nito at napangiti nalang habang dinadampi ko ang basang panyo sa pisngi nya.

Me narinig kaming papasok kaya dali ko syang tinulak papasok sa dulong cubicle at inilock ito. Pilit kong nilagay ang kamay ko sa bibig nya para di sya makapagsalita. Halos magkadikit na ang mga katawan namin at napakalapit na ng mga mukha namin na nakatitig lang sa isa’t isa.

Ilang minuto pa at lumabas na rin ang babae sa restroom.

Magkalapit pa rin kami at tila pareho kaming di kumikilos. “Masakit pa rin ba?” tanong ko at idinampi ulit ang basang panyo sa pisngi nya.

“OO…masakit…dapat ikiss mo.” Biro nito at nakahawak sa me beywang ko.

“Kiss lang pala eh..” sabi ko sabay halik sa pisngi. “O ayan na…Wala ng sakit.” Ngiti ko

“Hindi naman dyan eh….Dito” biro nito sabay nguso at gustong magpahalik sa labi.

“Aba…abusado ka.” Sagot ko at bigla nalang akong inilapit sa kanya at tuluyang hinalikan sa labi. Di ko nagawang umiwas dahil sa bilis ng pagkakahawak nya. At eto naman akong Gaga na tumugon sa halik nya.

Bigla nalang akong natauhan at inawat sya. “Jovs…tama na.” singit ko pero tila di siya tumitigil sa paghalik sa akin. Bigla akong kinabig at napasandal ako at mariin nya akong hinalikan.

“Jovs….teka…break na tayo eh…wag mong sabihin…..”bulong ko na tila nagpaubaya na naman sa kanya.

“Sssshhh…wag kang maingay….sobrang miss na miss kita Chel.” Gigil nito at patuloy lang sya sa paghalik sa leeg ko.

“Jovss…..nakakainis ka talaga…” daing ko.

“Sagutin mo na kasi ako para making love na ang tawag dito…. at hindi break up sex.” Ngiti nito at nagpatuloy lang sa ginagawa nya.

>>>>>>>>>>>>>> 

“Oy babae….kanina ka pang walang imik jan. Natapos nalang tayong magdinner e di ka man lang umimik kaya nag-alala tuloy si Peter na pagod ka nga at hinayaan na tayong makauwi.” Sabi ni abby habang nagmamaneho.

Tahimik lang ako at nakatanaw sa malayo.

“Aba tong babae na to….Wag mong sabihin apektado ka pa rin ke Jovs......Buti na rin yung ganon at maaga kang nagising sa katotohanan. Biruin mo sila na ba ni Chris?” Sambit nito.

“Magkapatid sila” sagot ko.

“Talaga….Akalain mo yun…So bakit ka nagkakaganyan ha? Si Jovs pa rin ba?” pangungulit ni Abby.

“Pipikit muna ako” mahinahong sabi ko para tumigil na si Abby sa katatanong.

OO….si Jovs pa rin. At nasasaktan ako dahil parang balewala na ako sa kanya….     

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon