Chel's pov
"Rachel, anong ibig sabihin nito!" sigaw ng walang kwentang babae na nanggising sa mahimbing kong pagtulog.
"Rachel, bumangon ka nga jan. Halos maloka ako sa kakahanap sa yo!" dugtong nito. Kaloka talaga at di pa rin siya tumitigil sa kasisigaw.
"Aby, pwede ba wag kang sumigaw." boses ni jovs ang sunod kong narinig.
Si Jovs? Shit! nakatulog nga pala ako na katabi si Jovs. At naabutan kami ni aby na magkayakap na natutulog.
"At ano ba tong ginagawa nyo ha? At dito pa talaga?" agad na tanong nito.
"OA ka naman. Ano bang iniisip mo? Natulog lang kami!" agad na sagot ni jovs.
Napilitan na rin akong bumangon. "Aby tama na." singit ko na sadyang nahiya na ako sa ibang kasamahan namin na nakarinig. Ang masaklap pa, namataan ko si Peter na tahimik lang sa me pintuan.
"Ano ba kasing ginagawa nyo dito at nakatulog lang naman kami" depensa ko at diretso na akong lumabas ng kwarto.
"Bigla ka nalang nawala kagabi sa kwarto at dito ka pa talaga nagpunta." sagot ni aby. "Akala ko pa naman magkasama kayo ni peter kagabi." dugtong nito at sinundan na rin ako pabalik sa kwarto.
"Pwede ba tantanan mo nga ako at wala akong dapat ipaliwanag." baling ko ke Aby.
"Meron" singit ni Peter. "Boyfriend mo ako and I deserve an explanation!" dagdag nito ng makalapit sa kin.
"Anu ba kasing iniisip mo? Nakatulog lang ako don. Yun lang." paliwanag ko.
"Wag mo nga kong gawing tanga! Alam kong me nakaraan kayo ni Jovs. Do you still love her?" tanong nito.
Sa dinami rami ba naman na pwedeng itanong. Bakit yan pa? Tanong na kahit ako hindi ko alam ang sagot.
REWIND>>>>>>>>>
6am @ Terminal 3 bound for Bacolod - Amihan/Bagwis Exhibition tour.
Sa mga titig palang, masasabi mong me gustong iparating. Sa mga kilos palang, wari nito ang pagkabalisa na maipaabot ang anumang nararamdaman. Pero kung ipagkait man sa iyo ang pagkakataon, tuluyan ka na bang susuko?
Ganyan si Jovs at kanina pa sumusulyap. Nagkataon naman na mahigpit pa sa CCTv ang bantay ko. Syempre si Peter, isama mo pa si Aby at iba pang media na kasama namin para sa exhibition tour.
"Tara boarding na." dinig kong sabi ni ate Ging. At nagsipagsunuran narin ang iba pa naming kasamahan.
"Sinong nakaupo jan" tanong ni Aby ng makaupo ako sa tabi nya. Halos lahat na ng kasamahan namin ay nakasakay na sa plane pero bakante pa ang isle seat sa tabi ko.
"Ma'am dito po ang seat nyo." tinig ng stewardess.
"Oi jovs san ka ba nangaling ha. Muntik ka ng maiwan" biro ni ate tina na nasa kabilang seat.
"Oo nga. Nag cr pa kasi ako." sabi nito ng makaupo na sa bakanteng seat katabi ko. Napangiti nalang ito at di na umimik ng makita si Aby sa me window seat.
Minsan nga naman, me pagkakataon pero sadyang ipagkait pa rin sa iyo.
Nang makatake off na, naramdaman ko nalang ang paghawak ni Jovs sa kamay ko. Agad nya itong tinabunan ng jacket para di makita ni Aby.
Napangiti nalang din ako sa diskarte ni Jovs. Kung nanaisin nga naman, me paraan. Buong byahe kaming magkaholding hands. Di na rin ako umalma dahil sabik din akong makapiling si Jovs kahit sandali lang.
Pagkarating namin sa Bacolod, balik sa dating gawi. Buong araw din kaming naglibot para mapasaya ang mga fans.
Alam kong me nais iparating si Jovs kaya minabuti ko ng hanapin kung san sya nakacheck in matapos namin makapag dinner.
