Part 22

1.4K 30 0
                                    

Chel’s pov

“Pacencya ka na, iha. Hindi nga alam ni Chris na tinawagan kita dahil ayaw nyang abalahin ka pa. Gusto ko sanang hilingin sa yo na intindihin mo sana ang ginawa ni Chris.” paliwanag ng mommy ni Chris. Inimbithan akong makipagkita sa kanya sa isang coffee shop.

“Okey lang naman po yun, tita. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ginawa yun ni Chris na alam naman nya na wala po talaga akong gusto sa kanya.” Sagot ko.

“Alam ko yun, iha.  Madalas nyang sinasabi sa akin na makailambeses mo na nga siyang binasted. Pero ayaw nyang sumuko. Masaya siya pag kinukwento ka nya sa akin. Na kahit ako nahihirapan ako sa mga pinag gagawa nya. Tapos naisip nyang mag propose sa iyo. Kinagalitan ko nga sya at pinagsabihan na wag gagawin yun. Pero nagpumilit pa rin siya at sobrang saya nga nya ng pinaplano ang gagawing proposal sa yo. Kahit mga kaibigan nya ay pinipigilan sya. Kaso….sana intindihin mo rin ako dahil naaawa ako sa anak ko.” Hikbi nito. “Me bipolar disorder si Chris.” Pag amin nito.

“Bipolar?.. Tita, Sorry po. Hindi ko po alam.” Nanlambot naman ako sa ipinagtapat ng mommy ni Chris. Napakagaan kasi ng loob ko sa kanya.  Malamang sa nangyari ay sobrang lungkot ang nadarama ni Chris ngayon.

“Chel, wala kang kasalanan. Masaya ako na nakilala ka ni Chris, Ng dahil sa yo, sumasaya ang anak ko. Pero dahil sa pagtanggi mo sa proposal nya, tatlong araw na siyang nagkukulong sa kwarto.” Sambit nito. “Ayaw ko sanang gawin ito iha. Pero nakikiusap ako……chel, iha….pag isipan mo baka me pag asa pa ang anak ko sa puso mo.” Dugtong nito.

Biglang nanghina ang buong katawan ko sa narinig kong pakiusap ng mommy ni Chris. Magagawa ko bang turuan ang puso ko na mahalin ang isang tulad ni Chris kung iba naman ang tinitibok at sinisigaw ng puso ko?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

Gulong gulo pa rin ang isip ko hangang sa matapos nalang ang press conference ng AMIHAN para sa darating na sea games.

“Ate chel” bati ni aly at biglang yakap sa akin. “Natuwa naman ako sa text mo at magkasama kayo ni Jovs kahapon.” Dagdag nito.

“Aahh,…oo” sagot ko.

“Sa wakas! …So ano nag apir apir na kayo?” biro nito habang pumapalakpak. Parang me ibig syang ipahiwatid sa mga kilos nya.

“Anong apir ka dyan?” tanong ko.

“Parang ganito.” Sagot nya at nagsimulang kumanta. “I have two hands the left and the right. Hold them up high so clean and bright..Clap them softly..one..two..three…Hahaha”  at tumawa ito ng pagkalakas lakas.

“Sira ka talaga, ang bastos mo!” sabay batok sa kanya. Lakas din mang asar nito. Kaloka.

“Hahahaha. So ano? Kayo na nga?” pilit pa rin akong pinapaamin.

“Ewan ko sa yo.”  Saway ko sa kanya.

“Besty!” sigaw ng dalawang babaeng palapit sa amin. Sina Shaira at Abby pala. Ang dalawang bestfriends ko since college.

“O kayo pala. Pano nyo nalaman na andito ako?” agad na tanong ko.

“Hi aly.” Bati nito at bumaling sa akin. “Tinawagan ko papa mo kanina at andito ka nga daw. Kahapon pa kasi kita tinatawagan, di mo naman sinasagot mga tawag ko.” Mariing daing ni sharia.

“Ano ba nangyari sa yo bes, ni hindi ka sumunod kahapon?” dugtong ni Abby.

Halatang gustong matawa ni Aly kaya palihim ko syang siniko. “Ah..eh..me…pinatawag kasi ako ni coach roger kaya nakalimutan ko na me lakad nga pala tayo.” Tanggi ko.

“Di ka naman ganyan na nakakalimot. O cige…Papatawarin ka namin pero you have to tell us the truth.” Irap ni Abby.

“Totoo ba yung ngyari nung Friday na nagpropose daw sa yo  si Chris at bigla ka naman daw umexit? Tanong ni shaira.

Di ko napigilang magulat sa narinig ko. KALOKA ito. Bakit ba ang bilis kumalat ng tsismis? Napansin kong natawa na naman si Aly sa reaksyon ko kaya ulit ko syang siniko pero nakita ito ni Abby.

“Alam mo ba to, aly?” baling sa kanya ni Abby.

“Ah…Ako?...Aah,…eh..tinatawag ako ni coach!” agad na sagot nito sabay turo sa kinaroroonan ng mga coaches namin. “Punta muna ako dun!” dugtong nito at nagmadaling naglakad palayo.

Mukhang nainis si Abby kaya bumaling na ito sa akin.

“Ano ba talaga chel ang nangyari?” tanong ni Abby. “Ayaw ko sanang mag isip ng masama pero masama ang kutob ko….  That thing…….with Jovs? How you reacted nung hinimatay sya sa court….Kahit noon nahahalata na namin, bes” dagdag nito.

“Hope you know what you’re doing, Chel.” Dugtong ni Shaira.

Para akong ginigisa sa sunod sunod na tanong nila. Bakit ba nangyayari ito ngayon? Bakit ba kelangang me humadlang kung kelan na masaya na ako? Kung kelan na totoo na ang nararamdaman ko para ke Jovs.

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon