Bigla akong naalimpungatan at pinagpawisan ng malamig. Ano ba tong naaalala ko? Ito ba yung nangyari nung gabi? Di ko mapigilang mapaiyak sa sobrang sakit ng ulo ko. Nadulas na naman kasi ako sa me banyo habang naliligo. Buti nalang at napaupo ako kaso tumama pa rin ang ulo ko sa lababo.
"Jovs, mahal din kita." mga salitang binitawan ni ate chel nung gabing yun. Paulit ulit kong naririnig. Nakikinita ko pa kung gaano kainit ang halikan namin ng gabing iyon. Bakit ngayon ko lang naalala. Haiz talaga.
Dali dali akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Kelangan ko siyang makita agad. Di ko na palalampasin pa to lalo na’t naalala ko na lahat. Ate chel sana sinabi mo nalang sa akin. Di ko naman idedeny eh. Haiz. Bakit naman din kasi napakaslow ko. Halos iparamdam na nga nya sa akin at eto ako feeling aanga anga.
Asan na ba siya. Sana di pa siya nakakaalis.
“Jesse, nakita mo ba si ate chel?” tanong ko ke Jesse ng makasalubong kami.
“Ay andun palabas ata. Dun kami nag abot eh.” Sagot nito sabay turo sa bandang kanan.
“Salamat” sabay takbo papuntang labas. Malamang sa me exit papuntang parking yun daraan.
“Ate Chel.” Sigaw ko ng namataan ko siyang naglalakad. Pero hindi pa rin nya ako naririnig kaya binilisan ko ang pagtakbo ko.
Sa wakas at isang hakbang nalang, masasabi ko na. Kung gaano ko siya kamahal. At paulit ulit kong sasabihin ang mga katagang yon.
Bigla ko siyang hinawakan sa braso para tumigil siya sa paglalakad.
“Ate Chel, kanina pa kita hinahanap.” Sabi ko habang humihingal. “Alam ko na. Naalala ko ng lahat ate.” Bulalas ko.
Natigilan si ate chel at nanatili lang nakatayo habang nakatingin sa akin.
“Ate chel sorry kung hindi ko agad naalala. Pacensya talaga.” Ngiti ko, ”Sobrang sobra ang pagmamahal ko sa iyo ate.” Nilapitan ko siya para yakapin pero bigla niya akong pinigilan.
“Jovs.” Bulong nito. Nakayuko lang ito na naiiling. Di nya ko magawang tingnan.
“Ate Sorry talaga. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. Sinabi mo rin na mahal mo ako, di ba?” diin ko.
Nang me biglang tumigil na sasakyan sa harap namin.
“Hi Babe!” sigaw nito mula sa loob ng sasakyan.
Babe? Sinong babe? Lumingon ako para tingnan kung sino ang nasa loob ng sasakyan. Si Chris na nakangiting nakatingin sa min.
“Jovs….” Sabi ni ate chel. “Hindi totoo yon.” Bulong nya. Bigla nalang siyang tumalikod at naglakad patungo sa sasakyan ni Chris.
Nanatili lang akong nakatayo na parang binuhusan ng kumukulong tubig sa sakit ng nararamdaman ko. Parang isang eksena lang sa pelikula. Ng malaman mo pero huli na ang lahat. Nakatanaw pa rin ako habang papalayo ang sasakyan. Hangang sa mawala nalang ito sa paningin ko.
Nanaisin ko pang isa itong panaginip para magising na ako.