happy ending

1.9K 31 5
                                    

Chel's pov

Happy ending?

Happy ending na nga bang matuturing ang naudlot naming pag-iibigan ni Jovs? Dahil me kanya kanya na kaming pag-ibig. Pag-ibig nga bang maituturing o isang pagkukunwari lamang?

Bihira mo lang masaksihan na ang dating Ex mo ay kausap ang current boyfriend mo. Habang pinagmamasdan ko si Jovs at si Peter na nag-uusap matapos ang game ng Petron against Foton, di ko mawari kung anong agimat ang meron si Jovs at nagawa nyang kumbinsihin si Peter. Gusto ko na sanang makipagbreak dahil sa sobrang selos ni Peter ng maabutan nila kami na mgkasamang natutulog ni Jovs sa hotel sa Iloilo. Pero nagawa pa ni Jovs na mapagbati kami. Pero kung ako lang talaga, mas nanaisin ko pang tuluyan ng makipaghiwalay.

Alam ko naman na masaya si Jovs lalo na ngayon at kaholding hands pa si Wensh. Magagawa ko bang hadlangan ang pag-iibigan nila? Na ako naman ang nagtulak ke Jovs para magmahal ng iba. Na kung maibabalik ko lang sana, sana Jovs ako nalang sana....

"Here's our Mvp....ang galing mo talaga sweetie!" sabi ni Peter sabay smack at inakbayan ako.

"Congrats ate chel" bati ni Wensh.

Tahimik lang ngumiti sa kin si Jovs.

"Baby ko, di mo ba babatiin si ate chel" baling ni Wensh ke Jovs.

Ano raw? Baby ko ang tawagan nila? Kaloka talaga si Jovs at di man lang binago. Kainis.

"Ha? E sanay naman lagi yang POG. Kung sana para sa Foton sya naglaro kesa sa Petron. Baka magpamisa pa ako." angas nito.

"E bakit ba? Ok naman ang petron ah" alma ko.

"Yun na nga eh. Ok na ok nga ang petron. Halos lahat kayo mga power rangers na. Dahil sa powerhouse team nga kayo, di man lang nakapaglaro ang iba. E kung sa Foton ka, naiangat mo pa sana ang team lalo na mga fresh grad ang naglaro. Para nung ginawa natin sa FEU. At baka mag champion pa kayo... E kahit wala ka jan, mananalo naman ang petron" sagot nito.

"Aba... E wala kang pakialam kung pinili ko Petron ano? Ano bang alam mo?" inis kong sagot sa kanya.

"Hep..hep..Baby ko, wag mo naman awayin si ate chel"awat ni Wensh."Teka punta muna ako sa locker room."

"Oo nga...teka sweetie si coach reg pala yun. Kanina ko pa sya inaantay, mag uusap lang kami saglit" singit ni Peter at tuluyan ring umalis.

"Tingnan mo to...iiwan pa ko dito" sabi ko sabay irap."At ikaw kung aawayin mo lang ako, mas mabuti pang maglaho ka na rin!" duro ko ke Jovs.

"Alam mo ikaw...para kang camera." sabi nito.

"Camera ka jan?...Bakit?" angal ko.

"Kasi...everytime I see you.." ngiti nito. " I smile."

Kaloka talaga at nagawa pa kong pakiligin. "Magtigil ka nga!" sabi ko. "Tantanan mo na nga ko sa mga hugot mo!" dugtong ko.

"Ay sus..kinilig ka nga eh" biro nito.

"Tse!...Alalahanin mo me Wensh ka na" saad ko.

"Bakit bawal na bang maglambing sa bestfriend ko?" agad na tanong nito na tila ngiting ngiti na makitang namumula ako.

"Jovs naman...Ano bang ginagawa mo ha?" siko ko sa kanya.

"Wala naman akong ginagawa ah." sabi nito at biglang hinawakan ang kamay ko. Agad naman akong nagpumiglas.

"Jovs ha" napangiti nalang din ako sa ngyari."Ikaw ha, you're flirting!" bulong ko.

"Hahaha...ikaw ata eh" tawa nito at lalo pang lumapit sa kin at patagong hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Jovs naman" sabi ko pero hinayaan ko nalang siya na hawakan ako. Me kakaibang pintig ang naramdaman ko ng magtapat ang mga mata namin. Alam kong me ibig sabihin ang mga titig nya.

"Hmmm...masaya lang ako at nakasama kita ngayon." sabi nito.

"Talagang masaya ka pa nyan ha matapos mong laitin ang pinili kong team." sagot ko at naitago pa naming magholding hands na nakasandal sa pader habang inaabangan ang next game.

"Masama bang magsabi ng totoo? Di naman panlalait yun. Mas maganda sana kung sa Foton ka." paliwanag nito.

"Oo na, naisip ko rin yun. Mas challenging kasama ang mga bata at alam mong marami kang maituturo. Saya nga nung sa Feu." napangiti nalang din ako ng maalala ko ang samahan namin ni Jovs nun. Dun unang tumibok ang puso ko para sa kanya.

"Oo nga...hahaha...Biruin mo yun." ngiti nito at napatingin sa kin. "Lam mo, dun ako nainis sa yo...nung binigyan kita ng cadbury tapos di ka man lang nagpasalamat...kala mo si Chris ang nagbigay." biro nito.

"Nainis ka pala nun?...E malay ko bang galing sa yo yun, e di mo naman din sinabi." saad ko.

"E syempre gulong gulo pa din isip ko nun...di ko malaman kasi kung ano yung nararamdaman ko para sa yo ." sagot nito.

Ngayon pa ba kami mag aaminan kung kelan unang tumibok ang puso namin para sa isa't isa? Kung kelan me ibang tinitibok na ang puso nya?

Napabaling nalang ang tingin ko sa kanya at tila ilang segundong tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Naramdaman ko rin na mas mariing nyang hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti nalang ito at biglang bumawi, "Syempre noon yun....Iba na ngayon. Masaya ako at nagkaayos kayo ni Peter."

Pakiramdam ko iba ang nais nyang sabihin...sadya bang pagkukunwari lang ang lahat? Pinipilit ba nyang maging happy ang ending namin kahit hindi kami ang nagkatuluyan? Pwede bang happy nalang at wala munang ending?

"Jovs?" singit ni Wensh na bigla nalang sumulpot kung saan. "What's the matter?" saad nito ng maabutan kaming nakapako ang tingin sa isa't isa.

"Ha?...Anjan ka na pala. Ready ka na?" biglang bawi ni Jovs at agad binitawan ang kamay ko.

"Yup." sagot nito at biglang yumakap ke Jovs, "Wish me luck." ngiti nito.

"Good luck!" ngiti nito at hinalikan si Wensh sa pisngi. "Luv you babe."

"Luv you too!" sagot nito at tumakbo ng palayo para samahan ang team nyang Shopinas.com.

I love you more, Jovs. Bulong ko.

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon