6 weeks ago>>>>>>>>>>>>>>>>>
Chel’s pov
Ding….Doooong……………….Diinggg…Doooong
Bakit ba kaaga aga me bisita? E wala naman akong inaasahan ngayon. Baka yung guard na naman.
Pagkabukas ko ng pinto. “Jovs?”
“Aaahh..Hi Chel” Bati nito na tila di mapalagay sa kinatatayuan nya.
“Naligaw ka ata?...Ang pagkakaalam ko kasi break na tayo…Di ba?” agad na tanong ko na me konting kabog sa dulo.
“Ehhh..hehehe” ngiti nito. “Me nakalimutan ako! Tama….Me naiwan kasi akong gamit..Pwede ko bang kunin?’ agad na dugtong nito tila nalilito kung ano ba talaga ang sasabihin nya.
“Sigurado ka? Naglinis na ako at wala ni isang gamit mo ang naiwan dito. Kaya pwede…”
“Nasa drawer….ung relo ko naiwan sa drawer.” Singit nito. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin?”
“Hindi kasi ako nagpapapasok ng stranger eh” pilyang sagot ko.
“Chel naman…Tingnan mo o…pawis na pawis na ako..Kukunin ko lang yung relo at aalis na agad ako.” Sambit nito.
Tila nga pawis at uhaw ang itsura ni Jovs. Pero bakit para naman akong kinakabahan kung papapasukin ko ba ito. Di ko maiwasang mapatingin sa mga mata nyang nangungusap.
“O sige…dalian mo ha…at umalis ka na kasi at me lakad pa ako” diin ko habang hinayaan syang makapasok at magtungo sa kwarto.
Sinundan ko hangang silid para makita kung talaga bang naiwan nya relo nya o palusot lang ito.
“O asan? Binuksan mo na lahat ng drawer ko….Ako ba pinagloloko mo?” sigaw ko.
“Teka lang…basta me naiwan ako…asan na ba yun?” sagot nya habang hinahalukay ang loob ng drawer.
“Alam mo ikaw?...Wala ka naman talagang naiwan eh…Palusot ka pa.” saad ko.
“Meron…meron akong naiwan..” mahinahong sabi nito at napatingin sa akin. “Naiwan ko…naiwan ko ata puso ko dito, Chel.” Ngiti nito. “Tinago mo ba?”
“Gaga ka talaga. Sabi na nga ba. Pwede ba…makakaalis ka na” sigaw ko sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto.
“Teka chel…Namiss kita okey…Sobrang miss na kita..Hindi ba kita pwede masilayan lang kahit saglit?” daing nito na pinigilan ako sa pagtaboy sa kanya.
“Nawalan ka na ng karapatan na makita itong maganda kong mukha nuong araw na iniwan mo ako!...Kaya Jovs…Nakikiusap ako bago uminit pa ang ulo ko, umalis ka na.” paliwanag ko.
“Alam ko naman na sobrang nasaktan na kita Chel…Pinagsisisihan ko na kung bakit di man lang kita pinaglaban…Bigyan mo naman ako ng second chance.” Pagmamakaawa nito.
“Jovs…alam mo tama na….Sandamakmak na pagkakataon na ang naibigay ko sayo Jovs.” Daing ko at nagsimula ng manikip ang dibdib ko. Alam ko naman na kahit ipagtabuyan ko pa si Jovs ngayon, di ko parin maitanggi na mahal ko pa rin siya.
“Chel..Di mo man lang ba ako namiss?” pagmamakaawa nito at biglang lumapit sa kin at hinalikan ako.
“Jovs…Tama na.” daing ko at pilit akong kumawala sa pagkakahawak nya pero parang kay lakas ni Jovs at nagawa pa rin nya akong yakapin.
Ilang minuto pa at nanatili lang kaming magkayakap. Sobrang nanabik din ako sa kanya pero dapat pigilan ko na ang nararamdaman ko.
“Sorry Jovs….hindi ko na kaya..Tapusin na natin to.”hikbi ko. At nagsimula ng pumatak ang luha ko na agad naman nyang pinahiran.
“Chel…Alam kong di mo na akong kayang patawarin pa.” sagot nito at bigla na naman akong hinalikan.
Bakit ba di ko magawang pigilan at tumugon pa rin ako sa mga halik nya. Dahan dahan naman nya akong inakay patungong kwarto at nagawang maihiga. Hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin….
ITIGIL MO NG KABALIWAN MO, CHEL! Sigaw ni konsensya.
“Jovs…teka.” Saad ko at kinabig sya sa pagkakayakap sa akin. “Umalis ka na please….wag mong sabihin..,,break up sex na naman ito?...Isang beses lang dapat yun” dagdag ko na tila napangiti pa ako sa nasambit ko.
“Eh…kasi….break pa rin naman tayo di ba?...Ayaw mo naman akong sagutin ulit…E di break up sex nga ulit ito.” Ngiti nito na me halong kilig.
“Magtigil ka nga..para tayong timang. Break na nga tayo eh.” napangiti na rin ako pero di ko mawari ano ba talaga ang pinag gagagawa namin.
“Hahaha…siguro nga..hmmnn” tawa nito at sinimulan na akong halikan sa leeg at tila napaigtad naman ako sa ginawa nya. Dahan dahan ng naglakbay ang mga kamay nya at tuluyan na akong nagparaya.
“Jovs…last na to ha…”sabi ko at nakapulupot ang braso ko sa leeg nya.
“Oo, Chel….I love you.” Bulong nito.
“Shet ka Jovs!....I hate youuu!” sigaw ko.
