“O, kumain ka muna. Luto ko yan.” sabi ko ke aly pagkalapag ng niluto kong adobo sa lamesa.
“Aba…ang sweet…kinilig naman ako….hmmm… ang bango” ngiti ni aly at sinimulang tikman ang niluto ko. “Teka…bakit ang bait mo ha? Teka lang wag mong sabihin..” dugtong nito habang nakaturo sa akin.
“Ano bang pinagsasabi mo?.Kumain ka na nga lang dyan. Teka baka luto na yung kanin.” Sabi ko.
“Baka kasi…wag mong sabihin me gusto ka rin sa kin at pinagluluto mo ako.” Agad na sagot nito.
“Gaga! Kakain ka ba o hindi? Dahil ako gutom na at baka ikaw ang makain ko!” sigaw ko.
“Tingnan mo gusto mo pa akong kainin? Porke wala si ate chel dito, dumidiga ka na.” biro nito.
“Ewan ko sayo….Darating na sya mamya no!” Sabi ko at napangiti akong bigla maisip ko pa lang na magkikita na kami ulit. Apat na araw ng nasa Singapore si Chel para sa photoshoot ng Mizuno.
“So inluv pala ang peg mo kaya ka nagluto….Teka Jovs…Nakahome run ka na ba?” kantyaw nito
“Home run? Gaga! Hindi naman baseball ang nilalaro ko, Volleyball.” Mariing sagot ko.
“Hahaha. Gaga ka rin. SLOW ka talaga kahit kelan. Ibig kong sabihin kung nakascore ka na ba ke ate chel.” Tanong nito habang tumatawa
“Aba..wala ka na don.” Agad na sagot ko. Pakialamera to at gusto pang malaman kung me sex life ako.
“Bakit ayaw mong sabihin? Malamang wala pa.” kantyaw nito habang sunod sunod naman nilantakan ang adobo.
“Lam mo mabulunan ka sana. Wala ka na don ano. Sa amin nalang yun.” Mariing sabi ko. “Dun nga ako uuwi sa condo nya mamya pagkatapos ng training” pagmamalaki ko.
“Talaga lang ha. Baka nagbibilang lang kayo ng butiki sa kisame.” Patuloy pa rin si aly sa pagtawa.
“Hi girls.” Bati ng isang lalaki. “Pinapasok ako nila Tin dito.” Dugtong nito
“Hi Chris” bati ni aly. “Kain ka. Luto to ni Jovs oh.”
“No thanks. Katatapos ko lang…Jovs..Pwede ba tayong mag usap?” tanong nito.
“Mag usap?..Ok lang ba dito na..” sabi ko sabay subo. Ano na naman kaya ang kailangan nito at gusto na naman akong kausapin.
“Mas okey sana kung sa labas. Pacencya na alam kong….” Natigilan ito ng nakitang kumakain pa rin ako.
“O sige.” Sabi ko at agad akong uminom ng tubig at tuluyan ng sumunod sa kanya palabas.
“Ano atin?” agad na tanong ko.
“Jovs….Magkaibigan tayo di ba? Higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo….Tinuring kitang kapatid kahit ayaw ni mommy….Dahil totoo namang kapatid kita kaya di kita pinabayaan di ba. Kahit mahirap sa kin pero tinanggap ko yun” sabi nito.
Oo nga. Magkapatid nga pala kami sa ama. Kahit ayaw aminin ng ama nya na minsan itong nagkasala at nakabuntis ng iba, di naman ako tinuring na iba ni Chris. Sa katunayan nga, sya ang dahilan kung bakit ako andito sa manila at nakakapaglaro ng volleyball. Inilihim lang naming magkapatid kami dahil sa kahilingan ng mommy nya.
“Hindi ko naman nakakalimutan yon” sabi ko.
“Ayaw kong hilingin ito sayo pero……” sabi nito at biglang natigilan.
“Pero?..... Pero ano?..Hinihiling mo ba na ipaubaya ko sayo si Chel?” singit ko.”.Ginawa ko na yon Chris….Hindi lang isang beses….maraming beses….Hindi ko naman hiniling na magustuhan ako ni chel….Oo…nagkagusto ako sa kanya..pero…kung kami man ang nagkatuluyan ngayon….bigla nalang nangyari yon.” Paliwanag ko.
“Pero mahal na mahal ko si Chel, Jovs….At kaya kong ibigay ang lahat sa kanya.” Mariing sagot nito.
“E bakit hindi mo ginawa ang lahat para makuha sya?” agad na tanong ko.
“Ginawa ko ng lahat kaso sinabotahe nyo….Kayo ni aly…Alam mong magpropropose ako sa kanya pero bakit kayo nandoon sa araw na yon” sabi nito.
“Hindi ko alam na sa araw na mismo na yon Chris…Ni hindi ko nga alam kung pano nalaman ni aly ang lugar kung saan ka magpropropose..Kahit ako nagulat ng dinala nya ako don.” Paliwanag ko.
“So kaya dapat gawin mo na tong hihilingin ko sayo Jovs.” Mariing utos nito.
“Tama na…” sabi ko na tila nanghina buong katawan ko sa nagaganap na pagtatalo namin. “Tama na Chris….Hinding hindi ko ipapaubaya sayo si Chel…..Kahit itakwil mo pa ako…Tutal wala namang nakakaalam na magkapatid tayo kaya gawin mo kahit anong gusto mong gawin.” Dugtong ko.
“Talaga bang matigas ka na ha? Hindi naman ako naging masama sayo ah” sigaw nito.
“Oo…nagpapasalamat nga ako sa pagiging mabait mo sa akin. Tatanawin kong utang na loob yon. Pero pwede ba Chris….Tanggapin mo naman ang pagkatalo mo…Ginawa ko naman ang lahat ng inuutos mo noon para mapasagot si Chel…Pero maniwala ka….Hindi ko sinasadyang mahulog sa kanya.” Sagot ko at nagsisimula ng tumulo ang luha ko.
“Hinding hindi ko matatangap ang pagkatalo ko Jovs….dahil di pa tayo tapos.” Mariing diin nito.
Napatingin nalang ako sa kanya at di na umimik. Bakit ba iisang babae ang nagawa naming mahalin? Hindi ko na napigilan ang luha ko at agad na akong tumalikod at naglakad palayo.
