<<<<Flashback<<<<
Chel’s pov
Ang tagal naman nya. Parang kanina pa ako nandito sa labas pero parang d naman ata siya lalabas. Ano ba kasing ginagawa ko dito? Dapat ko ba talagang itanong yun sa kanya? Bakit ko ba dapat isipin kung ano pwede nyang maramdaman e malamang wala naman siyang pakiaalam.
“Ate chel!” sigaw ng isang babaeng di ko malaman kung saan nanggaling.
“Ate chel, kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Parang ang layo naman ng isip mo? Me inaantay ka ba? Dadaan ba si Chris?” sunod sunod na sabi nito
“Aly kaw lang pala. Wala. Wala akong inaantay” sambit ko. Pero kung tutuusin e kanina pa talaga akong me hinihintay dito. Asan na nga ba yun?
“Di ba me game din kayo bukas? 2nd game kasi kami.” Sabi nito
“Oo, bukas nga.” Dali kong sabi habang palingo lingo ako sa likuran sa kakahanap sa kanya.
“Si Jovs ba? E kanina pa umalis. Nakasalubong ko kasama nila M9 sa likod dumaan.”
“Hindi. Wala akong inaantay” mariing tangi ko.
“Sarap nyo rin pag untugin ano. Tangi pa kayo e halata naman” daing nito. “Yung isa kung makatangi wagas. Ikaw sobrang wagas. Hahaha”
“Ano bang sinasabi mo? Bakit ano ba itinatangi ni Jovs?” bigla kong naitanong.
“Yung nararamdaman nya.” Sagot nito.
“Ano bang nararamdaman nya?” saad ko
“Yun ang hindi ko alam, tanong mo kaya. Baka naman di mo pa sinabing sinagot mo na si Chris”
“Ano, sinagot si Chris, e malayo ko pang sagutin yun ano? Yun ba iniisip nya kaya kung makaiwas sya e wagas?” mariing daing ko. Bakit naman kaya iisipin ni Jovs un? Ngpakabayani pa nga sya para lang maging malapit ako ke Chris. Halos ilakad nya si Chris sa kin tapos ngaun iiwas sya. Halos mairita na nga ako sa kanya sa pangungulit na pagbigyan ko si Chris na ligawan ako tapos eto sya ngaun nagdradrama.
“Aba e malay ko. Tara na nga. Uwi na tayo. Dun ako nakapark sa kabila pa. Ingat ka nalang sa pagdrive ha. Me game pa bukas” sambit nito biglang yakap sa kin at tuluyan ng lumakad palayo.
Sa tanang buhay ko, ngaun lang ako hindi mapalagay sa nararamdaman ko. Na parang napakabigat na magdesisyon kung sasagutin ko nga ba si Chris. Na wala naman akong ibang dahilan kung bakit ko pa itatangi na mahal ko na rin naman siya. Ano pa ba ang hahanapin mo sa isang lalaki, e nasa kanya na lahat. Basta sigurado akong mahal naman ako ni Chris. Yun naman ang mahalaga di ba.
