Kung kelan ka nagmamadali, ayaw naman magstart. Haiz kung di lang ikaw ang kauna unahang car ko, dinispatya na kita. Wag lang sana ako abutan.
"Jovs!" bati ng lalaking papalapit sa akin.
"O, chris ikaw pala. Si ate chel ba, di ko pa nakikita" sabi ko.
"Hindi. Eh, ikaw pakay ko" sagot nya. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Ako? Bakit naman?", sambit ko.
"Me alam ka bang nanliligaw ke ate chel mo? Minsan kasi tumawag at dami tinanong kung ako ba daw ang ngbigay. E hindi naman dn kasi ako nagbigay ng mga nun. E nung tinanong ko kung bakit di nya alam kung sino ngbigay, tumawa lang at sabi baka fans daw", paliwanag nito.
"E baka fans nga. Ano ka ba? Kinakabahan ka pa ba? E di ba sinagot ka na ni ate chel? Wag ka ng magselos pa jan, wagi ka na nga e", daing ko sabay talikod sa kanya. Hirap kasi sabihin na siya ang nagwagi sa puso ni ate chel at hindi ako.
"Wish ko lang na sagutin na sana ako ni chel. Parang lalo yatang lumabo chance ko" hikbi nito sabay sandal sa kotse. "madalas nga kaming magkasama, pero alam mo yun. Ang layo ng tingin" dagdag nito.
Totoo ba itong naririnig ko? Di pa siya sinagot ni ate chel? Ano kaya nangyari?
"Me alam ka ba? Me iba na ba siyang gusto?" pagpapatuloy ni chris. "Tulungan mo naman ulit ako", pakiusap nito.
"Ha, ginawa ko ng tulungan ka tapos magpapatulong ka ulit" daing ko. Sa loob loob ko, ginawa mo akong bridge kaya pati ako nainlove sa kanya. Haiz!
"Sige na, last na to. Ako bahalang magpaayos ng sasakyan mo. Tara, punta tayo sa condo nya" sabi nya sabay hatak sa braso ko pasakay sa car nya.
"Teka kidnaping na to ah!" protesta ko. Haiz ano ba tong napasok ko?
Nasa main lobby na kami ni chris.
"Ano bang ginagawa natin dito" angas ko ke chris. Di ko kasi mawari kung bakit kami nandito.
"Relax ka lang. Itatanong lang natin kung me napapadalaw sa kanya dito", paliwanag ni chris sabay lapit sa guard na nakatayo sa me elevator. "Boss, pwede magtanong? Kilala nyo si chel ng unit 214? Ung volleyball player."
"Ah opo. Fan ako nun. Bakit po?"sagot ng guard.
"Tanong ko lang kung me pumupunta bang lalaki dto, na nanliligaw kaya?" agad na tanong ni Chris.
"Naku, bawal po kasi sa min ang magsabi tungkol sa pribadong buhay ng mga nakatira dito", sambit nito sabay baling sa akin, "o, ikaw pala yan. Musta ka na, di na ba masakit ung pagkabagok mo? Naalala mo, ako yung naghatid sa yo sa clinic dyan sa me kanto" dagdag nito.
"Ako po? Dito?" mariing tanong ko.
"Oo, ikaw di b kasama mo si Ms. Chel nung gabi dito. Pagkaumaga tinanong mo pa nga siya sa kin kasi nauna siyang umalis. Tapos nagmadali kang umalis, di mo nakita ung basang basahan na natapakan mo kaya ka nadulas at nabagok ulo mo ng pagkalakas. Nawalan ka ng malay kaya dinala ka namin sa malapit na clinic. Iniwan na lang kita dun sa nurse kasi kelangan ko pang bumalik dito" paliwanag nito.
"Ah. Di ko maalala. Kelan po nangyari yun?" sunod na tanong ko.
"Nung nakaraang lingo lang un. Naku, napakalakas siguro ng tama sa yo" sabi nya.
"Baka nga po" ang tangi kong nasabi.
Bakit wala akong maalala? Anong ginagawa ko dito nun? Magkasama kami buong gabi? Dito sa condo nya?