Part 34

1.4K 32 2
                                        

Amihan/Bagwis Tour - DasmaCavite

“O nagsunblock ka ba? Tirik ang araw o. Mangingitim ka nyan.” Ngiti ni Chris ng maihatid nya ako sa meeting place namin para sa Amihan/Bagwis Motorcade.

“Oo naman.” Tipid na sagot ko.

“Okey ka lang ba?...Andito si Chel ano? Malamang andito rin yung ewan nyang boyfie.” Tanong nito.

 “Okey na ko sabi…bakit ba ang kulit mo?” sabi ko.

“O sige na…Sinabi mo eh…Pero Jovs…sana lang maluwag mo ng tanggapin sa puso mo na….na yun..na yun na yun….If you really love her….then let her go.” Saad nito.

Tahimik lang akong nakaupo at pilit kong pinikit ang mga mata ko para di ako tuluyang maluha. 

“Wag kang mag alala” ngiti nito. “Dalawa naman tayong di pumasa sa kanya eh…di ba ang saya. Hahaha” tawa nito.

Pagkaalis ni Chris, me babae namang agad na tumawag sa kin.

“Jovs….tara na dito, magsisimula na!” Kaway ni Aly

Nang makalapit ako at makasakay sa pick up. Namataan kong nakasakay na rin pala si Chel.

“O buti nakaabot ka pa?” ngiti ni aly. “Jovs bakit ka sa likod nakapuwesto e kasya naman tayong tatlo dito…. Dito ka sa gitna namin oh.” Dugtong nito.

“Okey na ako dito” agad na sagot ko

“Aysus…pwede ba mamya na ang LQ nyo at maraming fans ang nag-aabang sa atin.” Sabi nito sabay hila sa kin palapit ke chel. Wala naman akong magawa at nginitian ko nalang si chel na di rin magawang tumingin sa akin. Para naman kaming timang, pangiti ngiti, pakaway kaway pero di naman nag-uusap. Naisip ko tuloy ang sinabi ni Chri kanina…’If you really love her, then let her go.

 “Ate chel, okey ka lang ba jan sa pwesto mo?” sabi ko nalang.

Parang nagulat siya sa narinig nyang pagtawag ko ulit ng ate sa kanya. “okey lang.” ngiting sabi nito.

Ito na siguro ang pagkakataon para ayusin na ang gusot sa pagitan namin. “Ate….sorry ha.” Sabi ko.

“Ano? Hindi kita marinig” sabi nito at hindi nga kami magkarinigan gawa ng nagsimulang maghiyawan ang mga fans.

“Sabi ko….SORRY……” ulit ko.

Napatingin nalang si ate chel at di mawari kung ano ang sasabihin ng biglang…

KKKkrrreeeeeeeeeeeeeeakkkk

“Ay….manong naman…bigla biglang magbrebreak.” Napasigaw si Aly.

Di ko namalayan na napahawak ako sa beywang ni ate chel. Di ko napigilang mapayakap ng tuluyan sa kanya. Agad naman siyang humarap at mahigpit din akong niyakap. Parang tumigil ang mundo ko sa mga oras na to.

“So ibig bang sabihin nyan eh okey na kayo” pansin ni aly. Pero di kami umimik at nanatiling magkayakap parin. .

“O sige take your time…heheheh…Isipin nyo nalang na poster lang ako dito.” Tawa nito.

Limang oras ang lumipas….

“Hindi ko kinaya ang nasaksihan ko kanina ah..So ibig bang sabihin, okey ka na?”tanong ni aly.

“Oo naman.” Agad na sagot ko.

“Talaga lang ha?” pagdududa ni aly.

“Aly…Jovs…Dinner tayo.” Aya ni ate chel ng makalapit sa amin. Nasa likuran nya si Peter.

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon