<<<<<<<<<<Flashback<<<<<<<<<<
“Mahal din kita, Jovs.” Bulong na sabi ni ate chel.
Nasa alapaap na talaga ako lalo ng marinig ko ang mga katagang yun na nagmula sa kanya. Kay tagal kong hinintay.
Teka…Hindi kaya panaginip lang ito.
“Kurutin mo nga ako.” Dali kong sabi ke ate chel. “Baka kasi panaginip lang ito at magising ako agad. E dapat ko ng bilisan.” Ngiting dugtong ko habang dali dali ko siyang hinalikan sa leeg.
Bigla naman akong kinutusan sa noo. “Sira ka talaga ha. Panaginip pa la ha!” Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin. “Baka sinasabi mo lang yan dahil kakalimutan mo na to bukas ano? Gagawin mo pa kong pang one night stand.” Daing nito.
“Aray naman.” Sabi ko habang himihimas ang noo ko. “Syempre hindi. Gusto ko lang makasiguro kasi….hehehe..makailambeses na kasi kitang napanaginipan eh. At ngayon nagkatotoo na, di ba. Ang swerte ko.” Ngisi ko sabay halik sa labi nya.
“Ah ganun. Matagal mo na pala akong pinagpapantasyahan. Jan ka na nga.” Sabi nito biglang hawi sa mukha kong hahalik pa sana sa kanya. Bigla siyang umupo at kikilos na para tumayo ng pinigilan ko sya.
“Teka lang. San ka naman pupunta?” agad na tanong ko. Halos napabangon nalang din ako dahil pilit siyang tumayo at nagpunta sa veranda.
Sumunod ako sa kanya. “Ate chel naman. Joke lang yun. Syempre hindi ka pang one night stand no. You are my everything…. My forever.” Sabi ko. Totoo yon.
Nanatili lang siyang nakatalikod at malayo ang tingin. Alas dose na ng gabi at napakalamig ng simoy ng hangin.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa me beywang. “Masaya ako na kasama kita ngayon. Saksi ang bituin na totoo ang sinasabi ko….. mahal kita Chel.” Bulong ko.
Dahan dahan siyang humarap sa akin. Di ko mawaring nasaktan pala siya sa pagbibiro ko. At bigla nalang pumatak ang luha nya kaya agad kong idinampi ang palad ko sa mata nya.
“Natatakot lang ako…pano kasi…pano nga kung parang isang panaginip lang ito? Na maaring makalimutan natin. At tapos ano? Pano ang pagkakaibigan natin?” paliwanag ni ate chel na di parin mapigilan ang luha sa pagpatak. “Hindi ko kayang mawala ka ng dahil lang sa isang gabi na kinalimutan nating magkaibigan tayo.” Dagdag nito.
Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng luha ko. Tama siya. Marami nga ang pwedeng magbago simula sa gabing ito.
“Ate chel, sisiguraduhin ko sa yo na walang magbabago. Mahal natin ang isa’t isa at mananatili tayong magkaibigan. Kung sakali mang dumating ang kinakatakutan mo, hindi ako magsasawang ipaalala sa yo….. na magkaibigan tayo. Hindi ako magdadalawang isip para sabihin lang sa yo ng paulit ulit kung gaano ka kahalaga sa akin. At kahit sabihin pa ng iba na 'lovers can never be friends'. Sila yon! Hindi tayo. Dahil bumagsak man ang lahat ng bituin ngayon sa kinatatayuan natin, itataya ko ang buhay ko para lang masalba ang pagkakaibigan natin.”
“At kung magawa mo mang….magmahal ng iba…mananatili pa rin akong... nasa tabi mo.” dugtong ko na halos nanikip ang dibdib ko kung sakali mang mangyari nga yon. Mahal na mahal ko siya. Gagawin ko lahat kahit gaano kasakit.
“Jovs” ang tangi nyang nasabi at dali nyang inilapit ang labi nya para hagkan ako.
Parang kay lakas ng hangin at tinulak kami papasok ng kwarto. Hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin hangang sa makaabot kami sa kama. At ito ang gabing hinding hindi ko makakalimutan.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
PRRRRRRRRRRRRRTTTTTTTTTTT.
Simula na ng Game 2. Laking pasasalamat ko ke coach at isinali pa rin ako sa first six kahit makailambeses nya akong sinigawan sa practice. Pano ba naman, laging lutang. Haiz. Focus…Focus…Kelangan naming manalo ngayon para wala ng Game 3.
Si ate chel kaya. Okey lang kaya siya? Lumingon ako sa kanan kung saan siya nakaposisyon.
Napakaganda talaga niya. Bahagyang nakangiti pero naka game face pa rin. Maliksi ang kilos niya at napaganda ng galaw. Lalo na pag hinataw ang bola sa ere. Parang ibong kay taas lumipad. At di keme kung sakali mang bumagsak o mgpagulong gulong para lang makuha ang bola. At kung gaano siya kasigla para mabuhayan kaming lahat sa court.
“Jovs, dali dito ka. Isa nalang lamang. Kaya natin yan.” Sigaw nito.
Nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kanya. Napakalakas ng hiyawan sa arena.
“Jovs.” Ulit ni ate chel na napatingin na rin sa kin dahil di pa rin ako kumikilos. Lumapit siya sa akin. “Jovs, focus muna tayo sa bola ha. Okey.” Bulong nito sabay hawak sa balikat ko.
“Chel” sabi ko. “Chel….” Ulit kong nasabi at bigla nalang ngdilim ang lahat...
