Part 15

1.6K 42 1
                                    

Gabi na at maaga pa kami bukas. Pero asan mga kasama ko? Dapat andito na sila at nagpapahinga na.

Bigla nalang akong me narinig na nagtatawaan sa me living room.

“Dali ilipat mo na at magsisimula na ang palabas” si M9 na tumatawang inaabot ang remote ke Jesse.

“Oo na. saglit lang” sagot ni Jesse.

“Oh anong kaguluhan ito?” singit ko. “Bakit di pa kayo natutulog at maaga pa tayo bukas.”

“Teka muna. Manunuod muna kami Mommy. Aga pa oh” biro ni tin na nakaupo sa dulo ng sofa malapit sa kinatatayuan ko.

“E lipat nyo muna sa Game 7 ng PBA. Kahit replay nalang mapanood ko man lang.” sambit ko.

“Ay naku. Hindi. Forevermore kami. Nagbotohan na at wala ng makakapagbago pa non. Bumili ka ng tv mo.” Sagot ni Jesse at nagtawanan silang lahat.

“Over kayo. TV nyo ba yan?” natatawang sabi ko. “Akin na nga remote” sabi ko habang pilit kong inaabot ang remote ke M9.

“Magtigil ka nga jan. Samahan mo nalang kaming manood ng forevermore. Ay ayan na magsisimula na.” sabi ni tin.

“Forevermore….forevermore…sa TV nalang naman nangyayari yan. Nagpapaniwala pa kayo.” Daing ko.

“Abaaaaa….affected!” bulalas ni Jesse na nakaupo malapit sa TV.

Bigla kong tinabig ng bahagya si tin para makaupo ako sa gilid ng sofa.

“Bitter ka ba jovs?” tanong ni shai. At nagtawanan na naman sila. Lakas din talaga mang asar tong mga teammates ko. Haiz.

“Hindi no.” sagot ko. “Bitter ka jan. Pinagloloko lang kayo nyan ano dahil wala naman talagang forever!” dugtong ko.

“Hahahahah. Grabe bakit ganyan ka makareact ngayon jovs ha. Dati kaya nanonood ka nito. Bakit ka naman naging bitter agad agad” singit ni M9 habang tumatawa.

“Lagi na ngang bitter yan eh.” Sabi ng babaeng nakaupo sa kabilang dulo ng sofa. Nagulat ako sa boses na narinig ko. Di ko namalayan na si ate chel pala ang nakaupo sa dulo, kala ko si Yien, Shai, M9 at tin ang nakaupo sa sofa.

 “O pagpapatunay yan ni ate chel ha jovs” dagdag ni Jesse.

Ano bang sinasabi nya? Bakit parang pinapatamaan nya ako e kala ko ba okey na kami.

“Ok na maging bitter.” Saad ko. “ Kesa naman in denial.” Dugtong ko.

Nagtawanan ulit sila. “Sinong bang tinutukoy mong in denial ha, Jovs?” ngiting tanong ni Jesse na mukhang naiintriga kung sino nga ba ang pinatatamaan ko.

“Denial Queen nga eh” sabi ko. “Syempre hindi ako yon. E ikaw, Queen ka ba?” dugtong ko sabay turo ke tin na katabi ko.

“Naku ate chel, ikaw yata tinutukoy ni Jovs oh. E Queen Tams ka di ba?” sabi ni tin.

“Magtigil na nga kayo.” Saway ni M9. “Di ko tuloy marinig si Gil. “

Talagang mga adik tong mga teammates ko sa palabas. Di na rin umimik si ate chel. Di ko siya gaanong makita kung ano reaksyon nya.

“Haiz, Makatulog na nga.” Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko.

“Naks si bitter matutulog na.” tawa ni Jesse ng makalapit na ako sa me pintuan.

“Magtigil ka jan kung gusto mo pang makapasok sa kwarto mamya” Banta ko ke Jesse habang tuluyan na akong lumabas.

Naririnig ko pa rin silang nagtatawanan kahit nakalayo na ako sa me living room.

Binuksan ko ang cellphone ko para maging ilaw ko habang naglalakad sa hallway papuntang kwarto. Medyo me kadiliman kasi at di pa naayos ang ilaw dito.

Bigla nalang akong napatigil dahil me naririnig akong yapak na parang sumusunod sa akin. Agad akong nagmadali dahil bigla akong kinabahan sa narinig ko. Nasa bandang dulo pa naman ang kwarto namin ni Jesse. Limang pinto pa bago ko maabot yun ng biglang me humatak sa akin.

“Jovs” sabi nito.

Nagulat naman ako sa ginawa nyang paghatak. Si ate chel lang pala.

“Kinabahan ako sayo.” Daing ko. “Wag mo ngang gagawin ulit yun. Nakita mo ng ang dilim dilim dito eh” dugtong ko.

“Mag usap nga tayo.” Agad na sabi nito at hinila ako sa me hagdan patungo sa itaas. Medyo me kadiliman din ang itaas na palapag at dun kami nagtungo sa me exit door papuntang veranda. Sa dami naman ng lugar e dito pa nya ako hinatak e ang dilim din. Tanging ang poste sa me gawing kanan ang nagsilbi naming ilaw.

“Ano bang pag uusapan natin ate chel.” Mahinahon kong sabi. Di ko kasi makita gaano ang mukha nya pero sa tono ng boses nya e para itong galit. “Pwede naman tayo sa baba nalang mag usap. Bakit dito pa?”

“Pwede bang kalimutan nalang natin yon.” Sabi nito. “Alam kong naaalala mo na lahat. Pero pwede ba tama na mga patama mo.” Galit na dagdag nito.

“Anong bang sinasabi mo? At sino ba ang nauna kanina ha? Bakit ka umayon sa kanila na bitter ako?” tanong ko.

“Kahapon ka pa kasi. Hindi ka matigil tigil sa mga patama mo sa akin. Kahapon sinabi mong di mo sadyang magka amnesia pero me iba jan gustong makalimot. Tapos ngayon sasabihin mo pang in denial ako. Di ba lahat ng yon ay parinig mo sa akin? Kala ko okey na tayo Jovs. Kala ko nagkakaintindihan tayo na wala na yon. ” paliwanag ni ate chel.

Bigla nalang nanikip ang dibdib ko. Di ko malaman kung ano ang isasagot sa kanya. Hindi pa rin ata ako nakakamove on pero siya okey na lahat dahil naging sila na ni Chris. At ako? Pano naman ako?

Tumalikod nalang ako para di nya mapansin ang pagpatak ng luha ko. “Naiinis lang kasi ako. Pacencya na.” sagot ko sabay pahid sa mata ko. “Hindi mo man lang kasi ako binigyan ng pagkakataon.”

Tahimik lang siyang nakatayo sa likod ko. Ramdam ko rin na napahikbi siya at nasasaktan sa pagkakataong ito. Isang minuto ang lumipas at nagawa kong humarap sa kanya.

“Sorry ate chel.” Sabi ko na pilit kong pinipigilan ang pagtulo ulit ng luha ko. Ngayon ko nasilayan ang mukha nya gawa ng nakaharap sya banda sa me poste ng ilaw. Naluha narin pala siya kaya di siya umiimik. Gusto ko sana siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Para ano pa?

“Kung di ba ako nakalimot noon, magiging tayo ba?” tanong ko.    

Di pa rin siya umiimik. Pilit nyang binaling sa kaliwa ang mukha nya para di ko ito masilayan.

Gusto ko na sanang umalis at tumakbong palayo. Pero ang daming katanungan na nglalaro sa isipan ko. Mga katanungan na matagal ko ng gustong itanong sa kanya.

“Totoo bang hindi mo sinabi na mahal mo ako noong gabing yon?” sunod na tanong ko. “Totoo ba na wala ka talagang nararamdaman para sa akin?”

Wala parin siyang sinasabi. Hindi ko maintindihan kung ayaw ba nyang sagutin ang mga katanungan ko para di na ako masaktan o talagang wala na siyang nararamdaman dahil wala naman talaga.

“Dahil ako….hangang ngayon……Mahal pa rin..kita.” huli kong nasabi. At tuluyan na akong naglakad palayo sa kanya.

  

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon